Kabanata 21

7.3K 102 0
                                    

January 13, 2015

"Calvin, pwede ba tayong mag-usap?" I tone myself formal.

Nakaupo siya sa swivel chair ng kanyang opisina habang binabasa ang mga papeles na nasa kanyang mesa.

"For what, Mrs. CRAIG?" Hindi gaya ng Calvin na kausap noon ang kaharap ko ngayon.

Malamig ang boses niya ngayon na tila walang kagana gana na pakinggan ako.

"May gusto lang sana akong linawin." Pagbabakasakali ko.

"This room is for business matter. So if you don't have any business concern to ask, please leave. I don't have time." Para akong binuhusan ng malamig tubig sa sinabi niya.

Lumabas ako sa opisina niya na bakas ang lungkot. Hindi si Calvin na masiyahin, mapang-asar, mabait, at matulungin ang kaharap ko ngayon. Ibang tao siya ngayon pero hindi ako dapat sumuko dahil alam kong mapapatawad niya rin ako. Gaya ng hindi ko pagsuko kay Zenon.

Sinabi ko kay Zenon na may gagawin lang akong mahalaga pero ang totoo ay inantay ko si Calvin sa parking lot para makausap siya. Sa ilang minutong pag-iintay dumating na rin si Calvin.

"Calvin." Bungad ko sa kanya.

Pero hindi niya ako kinausap at patuloy na pumasok sa kanyang sasakyan. Kaya wala na akong nagawa, humarang ako sa harap ng kotse niya. Ito ang tanging magagawa ko para kausapin niya ako.

"Magpapakamatay ka ba!" Galit niyang sabi sa akin habang bumababa sa kotse.

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap!" Paninindigan ko.

"So ayan pala ang gusto mo?" Huminahon ang boses niya.

Tumango ako.

"Anong pag-uusapan natin?" Hinawakan ko siya sa braso at isinama sa parke na malapit sa kompanya.

"So anong sasabihin mo?" Halata namang nagmamadali siya.

"Gusto ko sana humingi ng tawad sayo, Calvin. Hindi ko naman talaga gustong lokohin ka." Pag-uumpisa ko.

"Hindi mo pa pala akong gustong lokohin? Hindi mo ba naramdaman na may pagtingin ako sayo, Ali?" Umiling ako sa sagot niya kahit nahalata ko na dati ay di ko masyadong pinansin dahil akala ko ganun talaga siya sa lahat. Gusto ko lang siya maging makaibigan at gusto kong manatili ang pagiging magkaibigan namin.

"Hindi ko talaga alam. Akala ko kasi ganun ka talaga sa lahat kaya hindi ko binigyan ng kahulugan ang ginagawa mo para sa akin. Pero kung alam ko lang naman talaga sinabi ko na sayo agad na may asawa na ako." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Mahal mo ba siya?" Tumango ako bilang sagot.

"Mahal ka ba niya, Ali?" Ngumiti naman ako sa tanong niya dahil alam kong kaya ko ng ipagmalaki na mahal ako ni Zenon.

"Pero mahal rin kita, Ali..." Hininto ko ang pagsasalita niya.

"Pero Calvin kaibigan lang talaga, hanggang kaibigan nalang ang kaya kong ibigay sayo." Hindi ko alam kung pano ko ba papalubagin ang nararamdaman niyang lungkot kaya niyakap ko nalang siya pero "kaibigan yakap" lang.

Gusto kong ioffer parin ang sarili ko bilang kaibigan niya kaya gusto ko siyang makausap. Marami siyang naitulong sa akin at ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya.

"I'm sorry Calvin. Di ko sinasadya pero hanggang makakaya ko andito lang ako para sayo bilang kaibigan mo." Ngumiti ako sa kanya at umalis na sa pagkakayakap dahil ayaw kong iba na naman ang isipin niya sa ginawa ko.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now