Kabanata 47

6K 104 0
                                    


Aliyah's POV

"Sino ang ama ng dinadala mo? Si Axel ba?" Mom, hindi ako sumagot dahil naguguluhan ako kung sasabihin ko nga ba ang totoo sa kanila.

"Si Zenon ba?" Dad, maigi silang nakatitig sa isasagot ko dahil alam kong mas inaasam nila na si Zenon ang ama ng dinadala ko ngayon dahil siya ang asawa ko.

"Ano Stacey? Sino ang ama nang dinadala mo?" Naiinip na tanong ni Mom.

"Liezel, kumalma ka." Paninita ni Dad.

"Anak, sagutin mo kami. Sino ang ama yan? Nabalitaan namin ng Mom mo na nakipagtanan si Axel kaya kung ang ama ng dinala mo ay si Axel baka magkaroon kayo ng di problema." Pag-uumpisa ni Dad.

"Sino si Ezekiel? Siya raw ang boyfriend mo ngayon." Mom, patuloy parin akong nagmamatigas dahil ayaw ko munang ipaalam sa kanila hanggang di ko alam kung anong katotohan sa nangyari sa nakaraan.

"Aliyah! Anak." Bigla akong natauhan sa malakas na boses ni Dad.

"Naguguluhan na kami." Pag-amin ni Dad.

Siguro nga nahihirapan na sila sa akin dahil napakapasaway ko at buong buhay ko ako lang ang iniintindi nila.

"Bago ko sabihin kung sino ang ama ng dinadala ko may gusto muna po akong malaman." Pag-uumpisa ko, hindi na ako makakapag-intay na malaman ang katotohanan.

"Dad, Mom. Ano po ba talaga ang katotohanan tungkol kay Zenon?" Hinawakan ni Mom si Dad na tila sinasabi si Dad na ang magpaliwanag sa akin.

"Anak, bali kasi ganito yun.... Ikaw na ang magsabi Liezel sa anak natin." Alam kong kinakabahan sila sa maririnig ko kaya inumpisahan ko na aminin sa kanila ang totoo para matapos na ang kasinungalingan nababalot sa akin sa mahabang panahon.

"Wala akong amnesia Mom at Dad. Alam ko ang nakaraan." Napayuko ako sa takot na makita ang galit ng aking mga magulang sa maririnig nila sa akin.

Alam kong lahat ng sikreto ay mabubunyag din pero mas mabuting sa akin na manggaling upang di na sila lalong masaktan. Naging masama akong anak sa kanila kaya nararapat lang ang kaparusahan.

"Mom, Dad. Huwag niyo akong patawarin dahil niloko ko kayo." -ramdam ko ang init ng mga mata ko at nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata

"Anong ibig mong sabihin anak?" Dad, halata sa mga mata niya na naguguluhan siya sa mga sinasabi ko ngayon. Magkahawak ang kamay nila Mom habang si Mom walang tigil ang pag-iyak sa inamin ko.

"Wala akong amnesia lahat ng nangyari sa nakaraan ay naalala ko. Yung nakaraan, kung ano si Zenon sa buhay ko, yung baby ko...." Hindi ko na kinaya pa at bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ramdam ko ang init ng yakap ni Mom sa akin.

Alam kong hindi dapat ganito nila ako itrato dapat walang sawa na nila akong pinapangaralan ngayon pero wala sa hinagap kong inisip na ganito ang mangyayari. Bakit ba sinasaktan ko sila ng ganito? Bakit napakasama kong anak at nagawa ko silang lokohin?

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ituloy ang nga sasabihin ko. "Dahil kay Zenon bumalik ako. Gusto kong maghigante sa mga ginawa niya sa akin. Pinakasalan niya ako kahit na kasal na siya sa iba at dahil sa kaniya nawala ang baby ko. Nag-iba ako ng pangalan at iniba ko rin ang aking sarili mula sa pananamit hanggang sa mga kilos." Pagpapatuloy ko sa pagitan ng mga luhang walang sawa sa pagbuhos.

"Bakit nagkaganito? Oh Diyos ko, patawarin niyo ang anak ko." Silakbo ni Mom, lumapit si Dad upang yakapin si Mom.

"Aliyah, patawarin mo kami na wala kami sa tabi mo ng mga panahon na nagdurasa ka." Dad, umiling ako sa sinabi niya. Mas lalo akong nakokonsyensya sa naririnig ko sa kanila. Bakit kahit na pagkakamali ko ay sila ang humihingi ng tawad?

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now