Epilogue

11.3K 202 26
                                    

Aliyah's POV

5 years ago......

Kinasal kami nang sabay nila Axel at Kath at gaya ko meron na ring silang dalawa anak. Ang pagpapalaki namin sa aming mga anak ay tila magkakapatid sila.

Minerge namin ang business namin ni Axel kaya mas lumaki at mas nakilala ng maraming tao. Nagkaroon ito ng ilang branch at mas nakilala kami sa larangan ng negosyo. Kahit na ganun ay hindi namin pinabayaan ang buhay namin bilang isang pamilya.

Gaya ng pinangako namin ni Zenon sa isa't isa naging maayos ang aming pamilya at mas naging masaya ito nang dumating sa amin ang aming mga munting anghel. Ang panganay ay ipinangalan namin ay Stacey upang mas maging maganda ang imahe ng pangalan na iyon sa pamamagitan ng aming anak at pangalawa naman ay si Zeniel.

"Thank you po." Nakangiting pasasalamat ng isang bata sa aking binigay.

Patuloy parin naming tinutulungan ang mga bata sa bahay ampunan bilang paalaala na rin sa aming unang anak ni Zenon. Kaarawan ngayon ni Stacey kaya dito namin ipinagdiriwang ang kaarawan niya.

"You're welcome. Magpakabait ka ah." Tumango naman ito bilang sagot.

"May itutulong ba ako sayo?" Tanong ni Zenon habang bitbit si Zeniel. Si Zeniel ay nagmana sa akin habang si Stacey naman ay sa kanyang ama.

"I'm okay. Just continue what you're doing." Muli akong naglagay ng pasta sa plato ng batang lalaki.

"Salamat po."

"You're welcome."

Hanggang matapos ko ang paglagay ng pagkain sa mga bata. Hindi matutumbasan ng anumang bagay ang kasiyahan ko ngayon ng makita silang masaya. Nagpalaro at namigay kami ng mga regalo sa kanila.

"Maraming salamat po." Sabay sabay na pasasalamat ng mga ito.

"Welcome." Sabay na sabay naming sabi ng pamilya ko

"Magpapakabait kayo ah." Sabi ko sa kanila.

"Opo." Sabay sabay muli nilang sagot.

Palabas na kami ng bahay ampunan ng muling nagsalita sila Sister Grace at Sister Joy.

"Maraming salamat at dito niyo napili na icelebrate ang kaarawan ni Stacey." Sister Joy

"Walang anuman po. Masaya kami at naging masaya ang mga bata." Zenon

"Happy birthday Stacey. Ito nga pala ang regalo sayo naming lahat sana magustuhan mo." Inabot ni Sister Grace ang regalo

"Thank you po." Inabot naman ito ni Stacey at tuwang tuwa sa nakuha niya.

"Oh sige po, alis na po kami." Pamaalam ko.

"Sige mag-ingat kayo sa byahe." Sabay nilang sabi.

Sumakay na kami sa sasakyan. Habang nasa biyahe ay binuksan ni Stacey ang regalo sa kanya.

"Wow, it's so cool." Tuwang tuwa nitong sabi habang ipinapakita ang isang libro.

"You like it?" Tiningnan ko siya sa pamamagitan ng rear mirror.

"Opo." Binuksan niya ang ilaw sa sasakyan upang basahin.

Dumating kami sa bahay ng gabi na. Nang mapatulog na namin si Stacey at Zeniel ay tumungo na rin kami sa aming kwarto para magpahinga.

Minasahe ako ni Zenon sa likuran na parati niyang ginagawa kapag alam niyang pagod ako. Pagkatapos ay tumabi na rin siya sa aking tabi.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now