Kabanata 5

8K 128 1
                                    

September 6, 2012

Malakas ang hangin at nagbabanta ng darating na malakas na ulan. Halos lahat ng pampublikong sasakyan ay wala ng okupadong upuan.

"Sige una ka na Ara, okay lang ako. Huwag kang mag-alala."

"Okay ka lang ba talaga Girl? Wala ka pa namang payong edi mababasa ka ng ulan yan. Baka magkasakit ka pa yan, patay talaga ako kay Papa Tarzan panigurado." Nag-aalalang sabi nito.

"Okay lang ako. Medyo hihina na rin naman ang ulan, maya maya. Mahirap makasakay kaya bilisan mo na." Pagpapaalis ko sa kanya.

"Sige, Girl. Ingat ka ah." Ara

"Sige, bye. Ingat ka rin."

Dumampi na sa akin ang patak ng ulan. Sa ganitong pagkakataon may mga bagay akong naaalala sa tuwing umuulan.

December 24, 2007

Ito ang araw ng bisperas ng pasko at ikalawang taon namin ni Axel, tumagal kami ng hindi nalalaman ng aking mga magulang. Kasabay ng matagal naming relasyon ay mas lalong nakikilala si Axel sa industriya. Kaya minsanan lang kami magkita dahil ito ang ikalawang taon namin humiling akong magkita kami kahit ngayon lang dahil halos ilang linggo ko na siyang hindi nakikita. Alam kong mali na maging magkasintahn kami pero natatakot lang naman akong malaman nila baka paghiwalayin kami ni Axel. Sa pagkakaalam ko meron pinagkasunduang pamilya ang aking mga magulang para sa kanilang business at kasabay ng pagkakasundo sa kanya kanyang negosyo ay pagpapakasal sa panganay nilang anak at sa akin. Dahil sa nag-iisa akong anak ng mga Fuentebella ay wala akong magagawa kundi sundin yun. Kaya pinagbabawalan nila akong magkaroon ng boyfriend dahil sa bagay na yun. Wala pa akong kaideideya kung sino ang lalaking papakasalan ko sa hinaharap. Wala na rin akong pakialam dahil hindi ako magpapakasal sa kanya dahil kaming dalawa ni Axel ang karapat dapat para sa isa't isa.

Nag-aantay ako kay Axel sa rooftop ng isang kompanya na pagmamay-ari ng magulang ng kaibigan ko. Alas dyis na ng gabi pero inaantay ko parin si Axel. Ang usapan namin ay alas-otso pero walang Axel ang dumating.

Naghanda ako ng isang candle light dinner para sa 2nd anniversary namin. Surprise ko to para sa kanya. Excited na akong makita siya dahil sa tagal naming di nagkita at gusto ko rin sanang makita ang mukha niyang natuwa sa ginawa ko para sa kanya.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko sa tuwa kung anong magiging reaksyon ni Axel kapag nakita niya ang ginawa ko. Tumayo ako at inayos ang mga bulaklak na pulang pula ang mga kulay. May kumaluskos sa pintuan kaya mabilis akong pumunta dun upang kompirmahin kung si Axel na yun.

"Babe? Ikaw ba yan?" Nilibot ko ang tingin sa pintuan.

"Axel?" Dahan dahan akong lumapit sa pintuan.

Malawak ang ngiti ko nang may kumaluskos mula sa pintuan pero napalitan din kaagad ng lungkot ng makita ko ang isang pusa lumabas mula roon.

"Ikaw pusa, pinaasa mo ako." Paninisi ko sa pusa

Umupo muli ako sa upuan at napagdesisyunan muling itext siya, na kung saan pangsiyamnapu't lima ko ng text sa kanya.

10:25 pm

Babe, asan ka na? Alam kong busy ka pero okay lang kahit late ka nang dumating dito sa tagpuan, aantayin parin kita. I love you Babe.

10:46 pm

Babe, ayos ka lang ba? Text ka naman kahit na hi lang basta malaman ko na okay ka lang.

Better than Revenge (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα