Kabanata 18

6.6K 134 0
                                    

January 8, 2015

Mahigpit ang hawak niya sa akin at kinuha ang t-shirt na kakahubad ko lang. Mabilis niyang isunuot sa akin yun na para akong bata nang suutan niya. Hinila niya ako papunta sa kwarto namin. Ramdam ko ang itim na aura na nakapalibot sa kanya. Mas lalo akong natatakot dahil wala siyang imik. Kadalasan kapag nagagalit siya sa akin ay puro salitang masakit ang lalabas sa bibig niya pero tahimik niya akong hinihila papunta sa may kwarto. Hindi ko rin tinangkang magsalita pa.

Mabilis niyang hinalungkat ang bagahe ko. Habang ako ay naguguluhan sa ginagawa niya. Hinawak ko ang kamay niya at humarap sa kanya.

"Ano bang nangyayari? Anong gagawin mo sa mga gamit ko?" Pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko at patuloy na inayos ang mga bagahe namin pagpunta dito sa Puerto Galera.

"Ano ba? Hindi ka ba magsasalita?" Tumaas ang boses ko dahil ni ha o ni ho ay walang lumalabas sa kanyang bibig.

Dahil wala na rin naman akong magagawa ay nagback-out nalang ako dahil na rin sa hindi niya ako pinakikinggan. Bago ako makalabas ng pintuan ay agad naman siyang sumalubong sa akin. Ramdam ko ang aura niya gaya ng aura na naramdaman ko sa paghigit niya sa akin kanina.

"Where are you going?" Malalim ang boses niya habang nanlilisik ang mga mata sa akin.

Nagpatuloy parin ako sa pagbukas ng pinto pero hinawakan niya ako ng madiin sa aking kanang braso.

"I said where are you going?!" Madiin niyang tanong.

"Eh anong saysay pa sayo kung saan ako pupunta? Wala ka namang pakialam sa akin diba? Gaya nalang ng mga ginawa mo sa akin? Kaya para saan pa?" Inis kong sagot sa kanya.

"Asawa mo ako! Kaya kahit saan ka pumunta o kung anong gagawin mo ay may karapatan akong malaman yun!" Tumaas ang boses niya sa akin.

Narindi ang tenga ko sa narinig ko. Dahil sinasabi niyang may karapatan siya sa akin pero akong walang karapatan sa kanya.

"Asawa? Asawa nga ba? Asawa nga ba Zenon? Hahaha! Ako asawa mo?!"(itunuro ko pa ang sarili ko) "Diba ikaw na mismo at ng babae mo ang nagpamukha sa akin na ASAWA MO LANG AKO SA PAPEL! Hanggang doon lang! Tapos ngayon tinatanong mo ako kung saan ako pupunta? Bakit ikaw ba sa tuwing tinatanong kita kung saan ka nanggaling o kung saan lupalop ka ng mundo tutungo nagrereklamo ba ako? Kaya wag kang umasta diyan na parang nag-aalala ka para sa akin!" Lumabas na ako ng pinto at agad na sinara.

Nag-uunahang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayaw kong makita niya na mahina ako, na napakahina ko pagdating sa kanya.

Madiin kong pinunasan ang mga luhang patuloy na pumapatak sa akin mga mata.

"Tama na, tama na Aliyah!" Pagpapatigil ko sa aking sarili.

Isinuot ko ang sunglass at patuloy na naglakad. Habang naglalakad sa dalampasigan ay nakita ko si Ezekiel. Mabilis siyang lumapit sa akin.

"Anong nangyari sayo?" Agad niyang tanong.

"Wala." Tipid kong sagot dahil wala ako sa mood dahil sa nangyari.

"Weh? Di nga? Patingin nga." Di ko namalayan na tinanggal niya agad ang sunglass ko at bumalandar ang namumula kong mata.

Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya at kinuha muli ang salamin sa kanya.

"Gusto kong mapag-isa." Agad kong sabi.

Ramdam ko ang mga titig niya sa akin dahil sa nakita niya. Hindi siya nagsalita pero patuloy niya parin akong sinusundan. Tumalikod ako para harapin siya.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now