Kabanata 31

6.5K 108 1
                                    

Zenon's POV

"Kuya! I love you talaga!" Sigaw ni Pauline habang nakayakap sa akin sa opisina.

"I told you stop that act!" Pagsasaway ko sa kanya.

"Eto naman si Kuya, minsan nalang maglambing ang little sister mo. Ginaganito mo pa. Pero thank you talaga ah. I love this work of art a lot!" Tuwang tuwa nitong sabi.

"Pauline?" Bigla kong napagtanto na kilala niya kaya si Stacey, I mean is Aliyah ang artist ng painting na to.

"Yes, Kuya?" Napatingin siya sa akin.

"Do you know Stacey Dela Vega?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"A little bit." Ipinorma pa niya iyon sa mga daliri niya.

"Then, tell me about her." Halata naman na nagtaka siya dahil ngayon lang ako nagtanong sa kanya ng about sa isang artist.

"She is an artist, a great one in Italy but I don't know how she look like dahil ayaw niya makilala siya sa physical na itsura kundi ang nga gawa niya. Kaya swerte mo kung makita mo siya sa personal." Muli niyang pinagmamasdan ang painting na nasa harap niya.

"Nakita ko na siya at nakausap." Muli ko na naman nakuha ang atensyon niya at lumapit sa akin sa pagkabigla.

Nakita ko siya pero hindi niya ako kilala. How lucky I am? At nakausap ko siya pero hindi niya ako inentertain dahil sinapak ko ang kakambal ko na boyfriend niya raw ngayon? Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa pero I want to meet her and tell her about us. Pero paano?

"Is that true Kuya?" Nakangiting tanong nito sa akin.

"Yes." I simply answered.

"Is she pretty?" Curious little one.

"Yes." Hindi ko maitatanggi na mas naging maganda siya ngayon at nakakaakit. Headturner siya ng lahat ng makakakita sa kanya.

"Sa nakikita ko parang may ipapalit ka na ata kay Ate Aliyah? I am right, Kuya?" Mestikulong nakatitig siya sa akin na halatang di nagugustuhan ang nakikita niyang pagkainteres ko sa isang tao.

"We will see." I don't mean na papalitan ko si Aliyah but Stacey and Aliyah is the same so what should I bothered?

"Can we meet her? I want to meet her, gusto ko lang makilala ang artist ng painting na to and thank her. And gusto kong makita kung sino ang ipapalit mo kay Ate Aliyah para masumbong kita sa kanya pagbalik niya. Pwede naman yun Kuya diba?" Bigla naman akong nagkaideya sa narinig ko.

"It's a good idea!" Napatayo ako sa sobrang tuwa na makikita ko siya pero sa kabila nun ay takot na baka ibang tao talaga siya.

Imposibleng matatanggihan niya ang pakikipagmeet namin sa kanya dahil ako ang nakakuha ng painting niya. It's an improfessional, if she do. Ito lang ang tanging paraan para magkita kami.

Mabilis akong tumawag sa gallery at hiningi ang number ni Stacey/Aliyah nung una ayaw nila ibigay pero I told her na may problema sa painting na nakuha ko sa kanila and I want to meet her about that. And finally they give it.

"Bakit naman nagsinungaling ka Kuya?" Nagtatakang tanong ni Pauline.

"It's none of your business, Pauline. Pahiram muna ako ng painting na to."

"Kuya! That's mine na, bakit mo kinukuha yan?! Wala nang bawian kasi binigay mo na yan sa akin" Inagaw niya sa akin ang painting buti nalang ay hindi nasira.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now