Kabanata 3

9.3K 156 2
                                    

August 25, 2012

Kumuha kami ni Zenon ng wedding planner para sa kasal namin. We've decided na traditional wedding ang gagawin na kasalan, simple but elegant at sa January 7 ang kasal, ang araw na nagkakilala kami. We have four and a half months preparation.

I decided to give him a gift, a handmade one. Dahil sa ma-art akong tao, gumawa ako ng painting na kung saan siya ay nag-aantay sa akin sa dambana habang ako ay naglalakad with my Dad palapit sa kanya.

In our house, I have my own room for my arts because my parents know that I love arts, it was my past time and also my hobby. Tinapos ko ang gustong kurso ng parents ko about sa business pero ang talaga gusto ko ay Fine Arts. Kapag may pagkakataon ako ay mag-aaral talaga ako ng Fine Arts. In my unit, I don't have a lot of space for my arts because it's not too big, not like in my parents' house.

Nasa loob ako ng sala sa tapat ng bintana na kung san makikita mo ang naglalakihan mga estraktura ng mga buildings habang nasisinagan ng araw kong napili para magpinta. Maganda ang araw na ito dahil walang banta na anumang kalimadad na mangyayari. Sa kalagitnaan ng aking pagpipinta biglang may nagtakip ng aking mga mata.

"Zenon?" Hula ko.

Nakakapasok siya sa unit ko kahit na hindi ko na buksan pa dahil alam niya ang passcode ng pintuan.

"You know me very well." Tinanggal niya ang pagkakatakip niya sa aking mga mata and he hug me on my back.

"Bakit ka nandito?" Habang hawak hawak ang kanyang mga kamay na nakayakap sa akin.

"Ano yang ipinipinta mo?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Surprise gift ko sana para sayo pero sinira mo ang diskarte ko."
Kunwari inis kong sabi.

"Wow! Thank you, Mmy. Ang ganda!" Lumapit siya painting na ginagawa ko

"Welcome Ddy, pero di na yan magiging surprise gift dahil nakita mo na." Pagtatampo ko kunwari.

"Edi isuprise mo ako kapag tapos mo na." Nakangiti niyang abot tenga.

"Tsk. Kasi bakit ka pumunta dito ngayon? Kapag pumupunta ka naman dito nagtetext ka pero bakit ngayon di ka man lang nagtext, edi sana di mo ako naabutan na ginagawa yan." Inis kong sabi niya na tila bata.

"Eto naman nagtatampo agad (lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilang bewang habang nakatapat sa akin) Sorry na po Mmy. Gusto sana kitang isurprise pero parang ako pa ang nasurpresa." Natatawa niyang sabi

"Talaga? Nasurprise ba talaga kita?" Natutuwa kong tanong sa kanya.

Gusto ko sana bago kami ikasal mabigyan ko man lang siya kahit isang regalo na mula sa sarili kong gawa at isurpresa siya, kadalasan kasi siya ang nagbibigay at parating may surpresa sa akin.

"Opo, Mmy." Malawak ang kanyang ngiti, sa tuwing ginagawa niya yun ay di ko maiwasan na di maalala ang kanyang kakambal sa kanya.

"Talaga sure yan ah!" Di ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Oo nga, Mmy." Nakangiti niyang sabi.

Sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya dahil alam ko sa sarili ko na may nagawa na rin ako para sa kanya.

"Mmy, meron nga pala akong kasama." Bulong niya.

"Huh? Sino?" Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

Natataranta ako dahil wala akong ayos. Nakaclip ang buhok ko na tila pusod, with my pink apron na puro pintura, at nakamaikling short at sando lang ako na kadalasang suot kapag mag-isa ako sa bahay. Di na ako nahihiya na makita ni Zenon sa ganitong sitwasyon pero kapag iba ang nakakakita nakakahiya. Hindi ako mahilig magshort o kahit anong maiksing damit kapag nasa labas ako ng bahay kaya kapag nasa labas ako ay formal o pants ang suot ko. Kapag nasa bahay kasi ako mas komportable ako kapag ganito ang suot ko dahil di gaanong mainit.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now