Kabanata 7

6.9K 129 1
                                    

October 20, 2012

Kada araw, linggo at buwan ang lumilipas. Mas lalo akong nilalamot ng lungkot kahit na pagpasok sa trabaho hindi ko magawa, ni pagkain at paglabas ko sa aking kwarto.

Bumabalik ang mga araw na hiniwalayan ako ni Axel, ganito rin ang nararamdaman ko ng iwan ako ni Axel pero mas lalo akong nawawalan ng pag-asa kay Zenon. Kahit na isang tawag at text ay wala akong natanggap mula sa kanya.

Maraming gumulo sa aking isipan.

Masaya kaya siya kahit na wala ako sa tabi niya?

Galit na galit parin ba siya sa akin?

Bakit di niya muna ako pinagpaliwanag at tinanggap lahat ng sinabi ng kapatid niya kahit hindi niya pa nalalaman ang totoo mula sa akin?

Asan kaya siya?

Di niya ba ako mahal?

Babalik kaya siya kapag nagkasakit ako?

O babalik kaya siya pagpatay na ako?

Nasa may terrace ako ng condo ko habang tinatanaw ang mga tila mga langgam na mga sasakyan at tao.

"Babalik kaya siya?" Muli kong tanong sa aking sarili.

Kumuha ako ng isang upuan at inilagay sa tapat ng pader na nagiging harang sa terrace. Tumayo ako mula roon at pinagmasdan ang lahat.

"Patawarin niyo ako Mom at Dad. Patawarin niyo ako na naging masama akong anak. Patawarin niyo po ako. Patawarin mo rin ako Zenon...."

Inihakbang ko ang aking kaliwang paa sa padre na kung saan isang iglap lang ay mawawala na ako sa mundo ito. At nang....

"Aliyah!"

Tumingin ako sa likod na kung saan narinig ko ang boses ng aking ina.

"Aliyah, anak." Nanginginig ang boses ni Mommy habang nakatingin sa akin na halatang hihimatayin na siya.

Nakikita ko ang pagdaloy ng kanyang luha. Kasama niya si Daddy na nakatingin sa akin.

Ito na ang huling mga segundo na makikita ko sila. Ito na ang pagkakataon sabihin kong mahal ko sila.

"Mommy, Daddy. Huwag niyong kakalimutan na mahal na mahal ko po kayo. Patawarin niyo po sana ako sa gagawin ko." Ihahakbang ko na sana ang aking isang paa nang magsalita si Daddy.

"Aliyah, wag mong gagawin yan." Malakas na sigaw ni Dad.

"Pero Dad, nahihirapan na ako. Sobra na akong nahihirapan. Patawarin niyo ako Dad pero ito lang ang tanging solusyon para matapos na ang paghihirap ko." Nakangiti kong sabi sa kanila dahil gusto ko kahit sa huling pagkakataon ay nakita nila akong nakangiti.

"Anak. Please wag mong gawin yan. Tutulungan ka namin para malagpasan mo yan pero wag mong gawin yan." Humahagulhol na si Mommy.

Hindi ko na sila pinangkinggan pa. Ihahakbang ko na ang aking isang pang paa....

"Aliyah kapag ginawa mo yan, magpapakamatay din ako. Ano pang kwenta ng buhay ko kung wala ka sa tabi ng Mommy mo. Nabubuhay kami para sayo anak. Maawa ka anak. Nagmamakaawa kami sayo." Muli kong binigyan ng pansin ang aking ama.

Nagulat ako ng makita siyang nakaluhod sa aking harapan. Bakit? Bakit nagawa yun ni Dad? Ganun ba talaga ako kasama para magmakaawa na sa akin aking mga magulang? Bakit ko to nagagawa sa kanila?

Nawalan ako ng lakas para ituloy pa ang binabalak ko at napaupo ako sa upuan. At nawala sa aking sarili. Wala akong ginawa kundi umiyak.

"Shhhh. Thanks God." Mom said while hugging me.

"Sorry Mom and Dad. It's all my fault." Panay ang pagluha ko.

"Shhh. Don't do that again coz I don't know what will happen." Mahinahon na sabi ni Dad.

I hug them. All I wanted to do is to cry.

"I missed him a lot, I almost die with it. Please Mom and Dad please help me to back Zenon. Please..." I cried

"Aliyah, he will come back when he find for an answer. All you wanna do is to wait for him." Pagpapayo ni Dad.

Find for an answer? For what answer? How long he will search for that answer?

December 24, 2012

Bisperas ng pasko at kasama ko ang pamilya ko at ang pamilya ni Zenon. Kahit na ang pamilya niya ay walang alam sa nangyari sa amin ni Zenon, they don't have an idea. Me and Axel decided to not tell to their family on what happened on that day.

Kasama ni Axel ang pamilya. Tita, Tito, Axel and their youngest sister Paulene. While my parents chatting with Tito and Tita, I was on the garden and try to accumulate the evening while drinking wine.

"Aliyah." Lumapit sa akin si Axel.

"Bakit ka nandito?" Iritable kong tanong sa kanya.

Hindi ko parin magawang patawarin siya sa ginawa niya.

"Can we talk?" Mahinahon niyang tanong sa akin.

"Kapag humindi ako hindi ka rin naman aalis so ano pang kwenta ng pagtatanong mo?" Inis kong sabi.

Umupo siya malapit sa akin.

"Alam kong di mo ako mapapatawad sa ginawa ko at hindi ako humihingi rin ng tawad sayo." Baliw ba siya?

So anong ibig niyang sabihin? Na natutuwa pa siya sa sitwasyon ko? Na tuwang tuwang pa siya na halos mamatay na ako?
"Alam mo....."

"Gusto ko lang maging kaibigan mo ulit. Gaya nang una nating pagkikita. Do you remember that? Alam kong nasaktan kita pati na rin ang kakambal ko but I was so jealous. Alam kong hindi tama ang mga ginawa ko sa inyo pero sana tanggapin mo ulit ako kahit na isang kaibigan lang." Gusto kong sampalin siya at paulit ulit na saktan pero di ko magawa.

Kahit na ganun ang ginawa niya sa akin at kay Zenon. Hindi siya umaalis sa tabi ko. He always in my side whenever I need someone. Kahit na ilang beses ko siya sinaktan at pinagtabuyan parati niya parin akong iniintindi. Di ko alam kung isang palabas lang ba ang lahat ng ito o nag-aalala ba talaga siya sa akin. Sa tuwing nakikita ko siya ay gusto kong magwala sa harap niya at sisihin siya ng sisihin. Gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano niya ako sinira at kung gaano niya ako pinapatay. Pero bakit ganun? Bakit di ko magawa siyang sisihin? Dahil alam ko bang kahit paano ay may kasalanan ako. Dahil hindi ko sinabi kay Zenon dati na may naging relasyon kami ng kakambal o dahil takot akong malaman ng lahat na bukod kay Zenon ay may minahal ako?

"Kapag saktan kita, papayag ka ba? Kung ipagtabuyan at bastusin kita sa harap ng iba, papayag ka ba? Kung sabihin ko sayo na gawin mo ang mga bagay na gugustuhin kong ipagawa sayo, susunod ka ba sa akin? Kapag may hinanakit ako, papakinggan mo ba ako at sasabihin mo sa akin na okay lang ang lahat, magagawa mo ba yun? Lahat ng yun, gagawin mo ba?"

Inantay ko siyang makasagot pero walang sagot akong natanggap. Tumayo ako at ramdam ko na ang tama ng iniinom ko.

"Kasi kung hindi, wala kang karapatan para maging kaibigan ng isang Aliyah Fuentebella!" Tumalikod ako sa kanya at naglakad na.

"OO gagawin ko! Kahit na saktan, bastusin, ipagtabuyan at kahit anong gusto mong ipagawa mo sa akin gagawin ko para lang maging kaibigan ng isang Aliyah Fuentebella!"

Humarap at ngumisi ako sa mga sinabi niya.

"Kung ganun, GET. LOSE.!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad. At hinayaan siya. Lumayo siya sa akin ayun ang gusto ko. Bumabalik na naman ang pagiging tunay na Aliyah Fuentebella sa mga ginagawa niya sa akin. Kung gusto niya ng laro, bibigyan ko siya ng katuwaan!

To be continue...

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now