Kabanata 38

5.8K 96 0
                                    

Aliyah's POV

"Pupunta ka ba talaga?" Axel, kanina niya pa kong kinukulit na huwag nalang akong pumunta dahil baka may balak na masama si Zenon.

"Oo. Nakapagdesisyon na ako Axel." Umupo siya sa kama ko at piangmamasdan ako sa ginagawa ko.

"Alam mo naman na wala talagang party magaganap right?" I know but I want to see what he is planning to do.

"Axel, kapag di ako pumunta iba ang iisipin niya at kung may plano man siya laban sa akin. I can manage it. Don't worry." He sighed.

"Call me if there an emergency." Pagsuko niya.

"Okay, I will." At tinapos ko na ang make up ko.

Sinend sa akin ni Zenon ang place na kung saan ay isang restaurant. Nagtaxi lang ako para pumunta sa lugar na yun dahil nakiusap ako kay Axel na wag niya na akong ihatid.

Pagdating ko mabilis akong nagtext sa kanya na naroon na ako dahil nang pumasok ako sa resto wala siyang bakas roon. Nagreply siya na lumabas ako at dun ko siya antayin.

Ilang minuto ang lumipas ay pumarada ang isang mercedez benz na sasakyan na pagmamay-ari ni Zenon pero nang bumababa ang driver ay hindi siya ang nakita ko kundi isang lalaki nasa edad 35-40 at binuksan ang pinto nito. Nang makasakay ako ay may mga tanong ang bumabagabag sa utak ko ngayon.

Di ko alam kung anong plano niya. Mahigpit kong hinawakan ang regalo ko para kay Shin ang asawa niya.

Tila alam ko ang lugar na papatunguhan ng sasakyan na sakay ako ngayon ngunit bakit hindi ko sigurado kung anong dahilan kung bakit sa lugar na iyon pa.

Huminto ang sasakyan sa isang may di kalakihang ampunan. Nag-aantay sila Sister Joy at Sister Grace sa gate, kilala ko sila dahil dito napupunta lahat ng kinikita ko sa pagpapaint.

"Good morning po Sister." Nagbless ako sa kanilang dalawa.

"Good morning din Stacey, kanina pa may nag-aantay sayo sa loob." Sister Joy

"Pasensya na po Sister, medyo natagalan po." Kahit wala akong ideya na mapupunta ako dito ngayon.

"Oh siya, dumeretso ka na." Binigyan ako ng matamis na ngiti ni Sister Grace.

"Opo." Magalang kong sagot.

Naglakad na ako papasok ng gate pumasok ako sa mismong bahay ampunan at inisa isa kong hinanap sa mga kwarto si Zenon ngunit wala. Nagpatuloy pa rin ako hanggang sa unti unti kong nasilayan ang hardin. Maraming bata ang nandun ngunit ang umagaw ng atensyon ko ay si Zenon, halos hindi na ako nakaalis sa pwesto ko dahil sa nakikita ko. Bitbit niya ang isang batang lalaki na nakaabang sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil ang pigura niyang yun at ng batang hawak hawak niya ay nagpapaalala sa akin ng pinapangarap kong pamilya noon na kasama siya.

Nakangiti siyang habang pinagmamasdan ako na palapit sa kanya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Panandalian lang kaming nagkakatitigan ng bigla akong yakapin ng mga batang naroon.

"Ate Stacey!" Carmela, isang bata nasa edad 5 na taon.

"Ate Stacey." Sigaw nilang lahat at nagkumpulan silang lumapit sa akin.

"Sorry kung ngayon nalang ulit ako nakadalaw si Ate Stacey ah." Saglit akong umupo para makita ko sila ng harapan.

Hindi ko maintindihan kung anong nararamdan ko ngayon pero alam kong masaya ako na makita ang mga bata.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now