Kabanata 35

5.9K 103 0
                                    

Zenon's POV

"Sorry mister, do I know you?" Halos mawalan ako ng hininga ng marinig ko yun sa kanya kaya kahit na ayaw kong bumitaw ay kusang natanggal ang mga kamay ko sa pagkakapit sa kanya.

Naiwan akong nakatingin sa taong mahal ko na palayo sa akin.

"Zenon!" Lumapit sa akin si Shin at hinila ako paalis sa ulan.

"Zenon, baliw ka ba? Magkakasakit ka sa ginagawa mo!" Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa nangyari sa amin ni Aliyah.

Baliw na nga talaga ata ako! Malaki ang nawala sa akin. I'm a successful business man but I'm failure in my own family. I lost my child and also my wife. This is all my fault!

"Zenon, ano ka ba kanina pa kita kinakausap." Shin

Si Axel! Tama si Axel kailangan ko siyang makausap.

"Si Axel? Saan siya?" agad na tanong ko ng mahimasmasan siya.

"Sa parking lot, uuwi...." Mabilis kong tinakbo papunta sa parking lot at mabilis kong nakita si Axel na pasakay na sa kotse niya

Mabilis na dumapo ang aking kamao sa kanyang mukha sa sobrang galit ko sa kanya. Bumagsak siya pero mabilis din nakatayo at ngumisi sa akin na tila nang-aasar pa.

"Walang hiya ka!" Gigil na gigil kong kinuwelyuhan siya pero hindi parin maalis ang mapanlinlang niyang ngiti sa kanyang labi.

"Do it, kung ayan ang magpapaligaya sayo. Do it!" Mas lalo niyang pinapainit ang ulo ko.

"She never come back to you Zenon. Do it, para quits na tayo." Mas lalo lumalaki ang ngisi niya sa akin na mas lalo kong kinakainisan.

Sinapak ko siya ng sinapak hanggang nakahiga na siya sa may sahig ng parking lot habang nakaibabaw ako sa kanya at tumigil nalang ako ng mahimasmasan ako sa ginagawa ko. Hindi siya lumalaban hanggang dumugo na ang kanyang labi at nakita ko nalang ang namumuong mga pasa sa kanya mukha. Inagaw niya sa akin si Aliyah and now Aliyah didn't know me.

"Huwag kang lalapit kay Aliyah, she is mine Axel. SHE IS MINE!" Paulit ulit na sigaw ko sa kanya.

"She was never your own, Twinbro. She is mine before you do. Don't tell me who own Aliyah." Pagmamatigas niya.

"Sa akin siya at ibabalik ko ang para sa akin!" Tumayo ako at tuluyan na akong umalis.

Sa akin siya, sa akin lang siya! Hindi siya mapupunta kahit kanino pa! She is mine! No other man owns her but me!

******************************

Aliyah's POV


"Baby, sorry ngayon lang nakadalaw si Mommy ah." Inilagay ko ang bouquet of flowers sa puntod niya

"Miss na miss ka na ni Mommy, I'm sorry kung ngayon lang ako nakadalaw." Pilit kong hindi tumulo ang aking luha dahil ayaw kong makita niya na umiiyak ako.

"Baby, sorry kung di ko pa natatapos ang pinangako ko sayo. Alam mo ba nakita ko ang dad mo, ang taong may kasalanan ng lahat...." Hindi ko na napigilan na tumulo ang luha ko.

Kahit na dalawang buwan ko lang siyang dinala sa aking sinapupunan ay hindi ko parin maalis ang pagiging ina ko. Lubos ko siya iningatan pero bakit siya nawala?

"Are you okay?" Napatingin ako sa taong nakatayo sa aking harapan.

"Ezekiel." Muntik ko ng masabi pero hindi niya dapat malaman na kilala ko siya.

Better than Revenge (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt