Kabanata 52

6.3K 97 0
                                    


Aliyah's POV

Nagdaan na ang pasko at bagong taon. Sa kabila ng mga araw na ito ay busy kami ni Zenon sa inaasikaso naming kasal. Isang buwan na lamang ang hinihintay para dito.

Nandito kami ngayon sa lobby at hinihintay ang wedding planner namin ni Zenon. Ilang saglit pa ay dumating na ito bitbit ang iba't ibang album na may litrato ng plano sa kasal.

"Good morning Mr. and Mrs. Craig, I'm Leila De Guzman. Your wedding planner." Nakipagkamay ito sa aming dalawa at umupo sa harapan namin.

"Because this is your second wedding and you want to have a memorable wedding than you did before. I have here some sample of wedding that we could give you." Ipinakita niya ang iba't ibang picture na pwedeng pagpilian gaya nalang beach wedding, church wedding, underwater wedding, at iba pa.

"The casual one, church wedding." Zenon

Napag-usapan na namin to. Gusto kong ikasal sa simbahan gaya ng pinapangarap ko noon and this is one of my way para ibigay ang sarili ko sa Kanya, napapagkumbaba ako upang tanggapin niya muli ako.

"Where did you want to do your wedding, Mr. and Mrs. Craig?" Leila

"Santo Domingo Church." Sabay naming sagot.

"That is good choice, so here are some sample of our church wedding design. You can look for it." Leila, inabot niya ang ilang litrato.

Ilang sandali nang pamimili ay nakapagdesisyon na kami ni Zenon. Pero bago pa namin masabi kay Leila ay may pamilyar na hubog ng katawan akong nakita sa ibaba na papasok sa building kung saan kami.

"Axel..." Naibuka nalang ito ng aking bibig ng makompirma na siya nga ang taong yun.

Naagaw naman ito ang atensyon ni Zenon ng marinig sa akin ang pangalan ng kakambal niya.

"Let's take this meeting adjourn. Sorry, please excuse us." Pagpaumanhin ni Zenon kay Leila na ngayon ay wala nang nagawa pa. Hinawak ako ni Zenon sa kamay at sabay kaming bumaba sa hagdan.

"Axel." Pagkakita na pagkita ni Zenon kay Axel na ngayon ay kasama na si Kath

"Zenon, ito nga pala ang matalik kong kaibigan na si Kath at kasintahan ni Axel." Pagpapakilala ko kay Kath kay Zenon.

"Kath, siya naman si Zenon." Maikli kong pagpapaliwanag.

"Kamusta na kayo?" Pag-uumpisa ko pagkaupo na pagkaupo namin sa upuan.

"Good, kayo?" Nakangiting sagot ni Kath.

"We're getting married." Nakangiti kong sagot habang tiningnan si Zenon na ngumiti rin.

"Congratulation." Masaya niyang sabi.

"So how about you? Why you are here? Are you planning to get married?" Pang-iintriga ko. Tumango si Kath habang si Axel ay nanatiling tahimik.

Inaasahan ko na yun dahil nang itanan ni Axel si Kath, ibig sabihin lang nun ay itatali niya na ito sa kanya.

"Congratulation! What a great news." Abot tenga kong ngiti.

"Thank you." Kath, wala na namang nagsalita.

Tila may gusto sabihin ang magkakambal sa bawat isa at hindi lang nila ito masabi sa bawat isa dahil andito kaming dalawa ni Kath.

"Kath, can you go with me?" Gusto kong malayo kaming dalawa sa magkambal.

"Of course." Tumayo na ito at wala nang tinanong dahil naramdaman niya na rin siguro kailangan ng dalawa ng mag-usap ng sarilinan.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now