Kabanata 49

6.4K 114 0
                                    


Zenon's POV

"Can we start again?" Nakatingin ako pwesto kung saan siya nakahiga.

Hindi maganda ang mga nakaraan namin kaya siguro kailangan namin magsimula. Magsimula ng bagong buhay naming dalawa.

Matagal siya bago sumagot at akala ko natutulog na siya kaya binuksan ko ang lampshade na nasa taas na parte ng gilid ng kama ko. Agad na nakita ko siya na nakatitig sa akin na tila naghahanap ng tanong sa aking mga mata. "Do you think that is right?" Inabot ko ang kanyang mukha. Matagal ko ng hindi nagagawa ito sa kanya.

Ang magkatabi kami sa kama ay tila bago sa aming dalawa.

Tumango naman ako bilang sagot. "Pero di madali ang sinasabi mo."

Alam kong alam niya na ang asawa ko ngayon ay si Shin pero sasabihin ko ang lahat sa tamang panahon. Na mali ang nasa isip niya, ni kailanman ay hindi ko siya papalitan sa isip at puso ko.

"Mag-umpisa tayo sa una, gaya nalang nagkakilala tayo. Bigyan muli natin ng isang tsansa ang mga sarili natin." Tumalikod siya sa akin.

"Pero....." Alam ko na isisingit na naman niya si Shin sa usapan naming ito.

"Hindi ko hinihingi ngayon ang sagot mo. Kapag handa ka na sabihin mo lang sa akin."

"Pero di ka ba nagagalit sa akin?" Napangiti ako sa tanong niya. Ganun ba siya kaguilty sa planong paghihiganti sa akin? Oo, masama ang loob ko noong una pero mas nangibabaw parin ang pagmamahal ko para sa kanya.

"Hindi. Wala akong dapat ikagalit sayo dahil mahal kita." Napaharap siya sa akin.

"Malaki ang nagawa kong kasalanan sayo at sa pamilya ko pero bakit ang dali niyo nalang magpatawad?" Alam kong naiiyak na siya dahil kahit ipakita niya kung gano siya katapang ay mahina parin ang puso niya.

Medyo nabigla siya ng yakapin ko siya mula sa likuran. Hindi siya pumalag pero alam kong naguguluhan siya. "Dahil mahal ka namin, Aliyah. Kapag nagmamahal ang isang tao kahit anong nagawa nito sa kanya ay papatawarin niya. Natutunan ko yun bago ka mawala nang iwan kita at handa akong gawin na patawarin ka dahil mahal na mahal kita." Binulong ko sa kanya.

Ramdam ko ang pagpatak ng luha sa aking balat. Pinatahan ko siya hanggang sa nakatulog na siya. Buntis siya kaya mas lalo ko kailangan siyang ingatan.

Iniayos ko siya ng higa sa aking kama. Mula sa aking pagkakaupo ay pinagmasdan ko ang kanyang perpektong mukha. Hindi ko maiwasan na ngumiti nang maisip na tama si Lewi. Mahal parin ako ni Aliyah.

Napatunayan ko ito nang makitang nagseselos siya kay Lyka. Pinsan ko si Lyka at isa siyang doktor. (Si Lyka yung doktor sa Kabanata 4) Hindi ko alam kung bakit siya nandoon sa resto na kasama ni Pau ngunit alam ko na sa mga ngiti ni Pau kung anong ginawa niya. Plinano niya ang lahat, simula sa pagpunta namin sa gallery hanggang sa pagpapahatid niya sa akin kay Aliyah.

Sigurado akong nakiusap si Pau kay Lyka na magkunwari siyang girlfriend ko para pagselosin si Aliyah. Gaya nang inaasahan napaikot nila si Aliyah sa gusto nila. Gusto ko man sabihin ang totoo kanina kay Aliyah, hindi ko nalang tinuloy dahil gusto ko mapatunayan kung mahal niya parin ako.

Gaya ni Aliyah ay inaamin kong nakaramdam ako ng selos nang kausap niya si Ezekiel. Wala akong balak na iuwi si Aliyah dito pero nag-init ang ulo ko nang marinig ko na makikita sila ni Ezekiel sa hotel sa dis oras ng gabi. Kaya wala akong nagawa kundi iuwi siya. Hindi na muli ako papayag na mawala sa akin si Aliyah.

Hinalikan ko sa noo si Aliyah bago umalis sa tabi niya. Gaya nang pinangakong gusto kong magsimula sa kanya. Kahit gaano ko kagusto halikan siya sa kanyang labi ay kailangan kong magtimpi. Naglatag ako sa sahig at doon na ako natulog. Mas maganda nang ganito at nang makita niya na gusto ko talagang mag-umpisa kami sa una.

Better than Revenge (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum