Kabanata 10

7K 120 0
                                    

October 20, 2014

"Ano tong mga balak mo?" Nanggagalaiti niyang pagkomporta sa akin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Zenon." Pagtanggi ko sa pagbibintang niya.

"Hahaha! Hindi alam? Huwag ka ngang magpainosente, naloko mo na ako dati kaya di na yun mauulit pa." Halata sa mukha niya ang galit habang sinasabi ang mga salitang yun.

"Kasal? Matagal mo na tong binabalak ng makita mo palang ako sa airport, alam kong may gagawin kang di kaaya aya!" Mahina pero madiin niyang sabi.

"Wala akong binabalak Zenon. Alam yun ng Diyos." Pagiging totoo ko sa kanya.

"Huwag mo ngang idamay ang Diyos dito! Kasi kasumpa sumpa yang pagsisinungaling mo!" Galit na galit niyang sabi sa akin.

Hinawakan niya ako ng madiin sa aking kanan braso habang matatalim ang titig niya sa akin, pinipilit kong di tumulo ang mga luhang nagbabadya na unting tabig nalang ay tutulo na.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, babae ka!" Matapang niyang sabi sa akin.

Nanlilisik ang kanyang mata sa galit na parang binabaon niya ako ng buhay sa kanyang isipan.

"Zenon, maniwala ka sa akin. Di ko alam ang sinasabi mo." Pilit ko parin iniiwasan na hindi umiyak sa harapan niya.

"Do you think na maniniwala ako sa kasinungalingang yan? Aliyah? Akala mo maloloko mo ako ulit gaya ng dati? Pagkatapos mong pagsawaan ang kakambal ko, ano? Ako naman ang gusto mong makuha?" Nanggagalaiti niyang sinasabi ang mga salitang yun sa akin, mas dumidiin ang hawak niya sa aking braso.

Sa mga sinabi niyang yun ay unti unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero kahit isang salita ay walang lumabas sa aking bibig na tila umurong sa mga sinabi niya.

"Ano?! Ikaw pa ang biktima ngayon?! Ang galing mo talagang magpanggap no?" Nakangisi niyang sabi.

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang umaagos ang aking luha.

"Sabi ko huwag mo akong titingnan ng ganyan!" Mas lalong dumiin ang hawak niya sa aking kanang braso at hinawakan niya rin ang kaliwa kong braso at itulak ako sa pader. Di parin ako nagpabuwag sa ginawa niya mas lalo ko siyang tinitigan.

"Bakit ba tayo nagkaganito Zenon? Bakit? Maniwala ka, kahit ngayon lang Zenon, minahal kita ng higit sa buhay ko." Buong puso kong sinabi ang mga yun sa kanya.

Unti unting lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa akin. Sa pagkakataong yun ay di ko pinalampas ang pagkakataong yakapin ang lalaking minahal ko ng higit dalawang taon kong hinintay at minahal kong higit sa buhay ko.

Ngunit walang limang segundo ang lumipas ay itulak niya ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya na dahilan para mapaupo ako sa sahig. Tumalikod siya akin, inilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon na ngayon ko lang nakitang ginawa niya simula ng makilala ko siya.

"Anong mahal? Alam mo ba ang lumalabas sa bibig mo, Aliyah? Mahal? Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Kada makikita kita, alam mo ba kung anong tingin ko sayo? Isa kang basura, Aliyah! Kaya wag kang umasa na babalik ang dating ako na winalang hiya mo!" Nakatalikod niyang sinasabi ang mga salitang yun.

Unting unti nadudurog ang puso ko sa sinasabi niya. Sobrang sakit!

"Kausapin mo ang mga magulang mo tungkol sa kasal at sabihing hindi ka pumapayag. Kung hindi mo gagawin yan, magiging impyerno ang buhay mo. Siguro di mo naman gugustuhin yun." Tuluyang unti unti na siyang nawala gaya ng pagkawala niya noon sa harapan ko.

Naiwan akong nakatulala na kung saan may bumabalik na alaala mula sa nakaraan.

Umuwi ako ng bahay upang makausap sila Mommy at Daddy. Naabutan ko sila sa sala na nag-uusap.

"Oh, Aliyah. Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.

"May nangyari bang masama?" Maging si Daddy ay nag-aalala na.

"Mom, Dad bakit niyo ginawa yun?" Nanghihina kong tanong sa kanila.

"Ang ano anak?" Di nila alam kung anong tinutukoy ko.

"Ang kasal, bakit nagdesisyon kayo ng hindi ako kinakausap!" Halos pasigaw na ako ng sabihin yun sa kanila.

Alam kong mali ang ginagawa ko pero nadadala ako ng galit.

"Diba matagal na kayong engage anak? Kaya naman napagdesisyunan ng pamilya niya na ipakasal na kayong dalawa at alam namin ang pinagdaanan mo anak kaya nagawa namin yun. It's the best for us." Pagpapaliwanag ni Mommy.

Best nga para sa akin pero hindi kay Zenon.

"Sa tingin niyo po talaga magiging masaya po ako ngayon? Alam niyo po ba kung gano kalaki ang galit niya sa akin ngayon? Mom, Dad please itigil niyo na ang plano niyo. Please, let me handle this." Pagmamakaawa ko sa kanila.

"Hindi pwede! Napag-usapan na ito ng buong pamilya!" Pagmamatigas ni Dad.

"Aliyah, babalik din kayo sa dati ni Zenon kaya wag kang mag-alala. Ginagawa namin sayo ito anak para sa kabutihan mo. Inantay ka naming magsalita na andito na si Zenon pero hindi ka nagsalita so we decided na kailangan na naming gumawa ng hakbang para sa inyo. Ayaw na naming makita kang gaya ng dati. Natatakot kami balang araw ay saktan mo muli ang sarili mo." Mommy

"Pero pano kung hindi niya ako mahal?" Isipin palang yun ay gusto ko ng magwala dahil sobrang sakit.

"Don't be so pessimistic, all things will be alright, Aliyah" Niyakap ako ni Mom.

What should I do now? Si Mom at Dad gusto lang nilang akong muling sumaya pero anong magagawa ko, marami na akong nagawang pagkakamali sa kanila. Pati ba naman ngayon, iniisip lang nila ang kabutihan ko ay bibiguin ko parin ba sila?

To be continue...

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now