Kabanata 24

6.2K 104 2
                                    

March 30, 2015

Alam na lahat ng buong pamilya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Gaya ng inaasahan halos lahat ay natuwa. Sila Mom and Dad excited na maging Lolo at Lola. Marami na akong pinagcracrave na pagkain pero hindi ko naman nakakain. Ewan ko ba sa tuwing andyan na wala na akong ganang kumain. Si Zenon ayun kawawa sa akin dahil wala akong ginawa kundi utusan. Ang hirap pala magbuntis akala ko madali lang. Akala ko magdadala lang ako ng baby sa tiyan ko pero mali pala ako. Ganito pala kahirap maging babae.

May kumatok sa pintuan at madali ko naman iyong binuksan.

"Mr. Zenon Craig po?" Humarap sa akin ang isang mail boy.

"Asawa niya ako. Ano yun?" Nakangiti kong tugon.

"Padala po, pwede po bang makahingi ng id at pakisign na rin po."

"Wait lang." Kinuha ko ang id ko at agad na bumalik sa mailboy. Ipinakita ko sa kanya ang id at agad naman niyang nakompirma at binigay niya sa akin yung maliit na kahon.

"Okay thanks." Kinuha ko na ang kahon.

Nang tingin ko ang nagpadala ay walang pangalan at tanging pangalan lang ni Zenon ang naroon.

"Sino kaya ang nagpadala nito?" Inilagay ko sa mesa yung kahon at biglang nagring ang phone ko. Unknown number.

"Hello, who's this?" Matagal siyang sumagot kaya ibaba ko na sana nang bigla siyang nagsalita.

"Natanggap mo na ba? Sayang wala ata ang asawa mo diyan." First kong marinig ang boses niya pero feeling ko ay kilalang kilala niya ako.

Kinabahan naman ako ng maiisip kong si Calvin ang nasa kabilang linya.

"Sino to? Anong natanggap? Kilala ba kita?" Tumataas na ang boses ko dahil alam kong hindi ko lang siya kakilala.

"Oh, oh, oh easy. You know who I am, Ali." Napaupo ako sa kaba.

"Calvin...?" I know he feels how afraid I am right now.

"You got the right answer!" Masigla ang boses niya na halatang natutuwa siya kung gaano ako katakot ngayon. Halos mabitawan ko ang phone ko sa takot ng oras na ito.

"Anong kailangan mo?" Nanghihina kong tanong.

"Hindi mo ba man lang ako kakamustahin, matagal na rin di tayo...." Di ko na siya pinatapos pa dahil alam kong gusto niya lang na mas takutin ako.

"Wala akong oras sa kabaliwan mo, Calvin! Tell me, what do you want to stop this!" Sumisigaw na ako sag alit.

"Before all, buksan mo muna yang nasa harapan mo. Para exciting diba?" Siya ba ang sender ng kahon ito?

Mabilis kong binuksan ang kahon na nasa harapan ko. Hindi ako makakilos sa nakita kong mga litrato mula roon.

"Do you like it?" Nanginginig ako sa mga nakikita ko.

"HINDI TO TOTOO!" Tuluyan kong nabitawan ang phone ko pero madali ko rin itong kinuha ng medyo naiintindihan ko na ang mga nangyayari.

"That's the reality, Ali." I feel his smirked on his face.

"No, this is not real! How dare you to do this to me?" Unti unting nababasag ang boses ko sa nakikita ko at naririnig ko sa kanya.

"It's not just my fault, Ali. It's our fault. In just a minute Zenon will find out, one, two..." Nagising ang diwa ko at mabilis kong tinago ang lahat.

Better than Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon