Kabanata 8

7.3K 130 1
                                    

September 24, 2014

Halos dalawang taon na ang lumipas nang iwan ako ni Zenon. Kahit na isang balita wala akong natanggap mula sa kanya. Kahit na isang gabi ay wala akong tulog na maayos.

"Girl, baka dun dumaan si Mr. Rival kaya itaas mo yang cartolina nang mabasa niya." Ara

"Tulungan mo kaya ako dito." Inis kong sumbat sa kanya.

"Ano ka ba, exercise rin yan Girl. Tapos mas matangkad ka sa akin kaya mas makikita niya yan!"

"Tsk."

Itinaas ko ang cartolina ng pagkataas taas. Buti nalang di pawisin ang kilikili ko.

Welcome to the Philippines Mr. Calvin Klein Rival!

-Golden Corporation

"Bakit ba kasi tayo pa ang inatasan sa ganitong gawain. Hindi naman kasama to sa pagtratrabaho natin!" Inis kong pagrereklamo kay Ara.

"Huwag ka na diyan magreklamo. Ayusin mo nalang ang pagtaas diyan." Paninita na naman niya.

Naglalabasan na ang mga taong nasa airport. Sa totoo lang wala kaming ideya kung anong itsura ni Mr. Calvin Klein Rival dahil biglaang pinasundo lang siya sa amin ng Head namin.

Isa isa kong tinitingnan ang mga taong naglalabasan at iba iba ang reaksyon nila paglabas nila. May mga masaya, malungkot at ang iba naman ay walang reaksyon. Sa nakikita ko sa kanila, naisip ko kung ano kaya magiging reaksyon ko kapag nakita ko si Zenon? Magiging masaya ba ako dahil umuwi na siya o magiging malungkot dahil galit parin siya sa akin. Pero alam ko sa sarili ko ang magiging unang reaksyon ko magiging masaya ako dahil bumalik na siya.

Isa isang dumating at isa isang nawawala ang mga tao, ganun din ang nangyayari sa totoong buhay. May mga taong dumadating ng biglaan pero may tao ring aalis ng di mo nalalaman.

Isang matangkad na nasa 25-30 ang edad, gwapo, maganda ang ayos, halatang mayaman at nakasuot ng isang damit na hindi mo aakalain na isang business man ang magsusuot dahil suot ay isang casual at usong usong damit na sinusuot ng mga kabataan.

"Excuse me Miss, from Golden Corporation?" Lumapit ito sa amin ni Ara.

"Yes. Why?"

"Ano ba tong lalaking to? Di naman ata siya si Mr. Rival, bakit nagtatanong pa siya? Kainis! Nahihirapan na kaya ako sa pagdadala ng cartolinang to! Kung pwede lang sabihin sa kanya huwag siyang makulit sinabi ko na!"

"Girl, baka siya na si Mr. Rival?" Ara whispered.

"Sira, imposibleng siya yun. I'm sure na si Mr. Rival isang lalaking matanda, puro wrinkles at business man. Kaya imposibleng siya!" Nilakasan ko pa, sure kasi akong di naman niya naiintindihan, mukha naman kasing nakatira sa ibang bansa meaning isa siya foreigner kaya di niya maiintindihan ang lenguahe natin.

"Excuse me, Mr. . Don't disturb us." Inis kong pagapatabi sa kanya.

Wala ako sa mood dahil unang una, buwanang dalaw ko ngayon at pangalawa pinagtaas pa ako ng kartolina ni Ara. Kainis! Tapos manggulo pa siya!

"Oww. Sorry. Don't you know, na kahit ilang oras mo pa itaas yang cartolinang hawak mo wala ng Calvin Klein Rival na darating." Halata sa boses niya na pinipilit niyang magtagalog.

"Sh*t! Marunong siyang magtagalog? Pano nangyari yun? At bakit alam niyang wala ng Mr. Rival na darating? Hindi kaya siya talaga si Mr. Rival? Di kaya? Sh*t kung siya nga! Patay ako nito!"

Better than Revenge (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora