Kabanata 50

6.8K 91 2
                                    

Aliyah's POV

Halos isang buwan na ang nakakalipas at ilang araw nalang ay magpapasko na, araw araw parin ang pagpapadala ni Zenon ng mga bulaklak at pati na rin ng mga prutas. Hindi ko alam kung anong espirito ang sumanib sa kanya para gawin ang mga to?!

Medyo lumalaki na ang tiyan ko dahil halos magtatatlong buwan na rin akong buntis. Marami akong kinaayawan at gustong kainin. Hindi naman ako nagkaganito nung unang pagbubuntis ko kaya bago para sa aking mga nangyayari.

"Miss Stacey, pinabibigay po sa inyo ni Sir." Dumating si Lewi at ibinagay ang isang bouquet of flowers na naglalaman ng sulat.

"Thank you." Ngiti ko at tinanggap ko ang mga pinabibigay ni Zenon.

"So Ma'am kailan niyo po sasagutin si Sir Zenon?" Mapang-asar na tanong nito.

"Stop mocking, Lewi." Sinenyasan ko na siyang lumabas pero kaysa lumabas ay umupo pa ito sa harapan ng table ko.

"You know what, Miss Stacey. Hindi ako nangingialam pero ganun na rin. Mahal talaga kayo ni Sir, ramdam ko yun kasi lalaki rin ako. Kaya sana wag mo na siyang pahirapan pa. Sige ka, kapag nagsawa yan ipagpalit ka pa yan." Pagbabanta niya at lumabas na ng opisina ko.

Napailing nalang ako sa narinig. Pansin ko lang masyado niyang kinakampihan si Zenon kaysa sa sarili niyang boss. Ano bang meron at ganun siya kaboto sa lalaking yun?

Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Ipagpapalit ako ni Zenon? Bigla akong naguilt dun dahil alam kong hindi niya magagawa yun. Matagal niya ng napatunayan yun.

Binuksan ko ang sulat na nakapaloob sa bulaklak. 'Let's have a date. 6pm, I will fetch you.' Napangiti nalang ako nang mabasa ko ang nasa sulat.

Bigla akong napatayo dahil gusto kong tingnan ang itsura ko sa salamin. Medyo huggard kasi ako ngayong mga nakaraang araw. Hindi ito ang unang date namin pero unang date namin ngayong niyaya niya akong magsimula muli. Tila bago ang ganito sa akin ngayon dahil ilang taon na rin kaming hindi nakapagdate.

"Hi!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya.

"Andito ka na pala." Halatang naglalaro sa gwapo niyang mukha ang ngiti sa nakita niya.

"Yes, should we go?" Inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa akin. At tinanggap ko naman ito.

Sumakay na kami ng kotse niya. Walang nagsalita sa amin sa buong biyahe. Nagulat ako nang hindi niya ako dalhin sa isang resto kundi sa bahay ampunan.

"What are we doing here?" Gabi na para pumunta kami dito.

Hindi siya nagsalita, tuloy tuloy siya lumabas sa kotse at mabilis na inilalayan ako palabas ng kotse. Nanatili akong hindi nagsalita dahil alam kong hindi niya ako sasagutin.

Napansin kong nakapatay ang ilaw sa bahay ampunan. Hindi ko maiwasan maitanong sa aking sarili kung kulang pa ba ang donasyon ko na naibigay nung nakaraan kaya nagtitipid sila ng kuryente?

Naglakad ako papasok ng bahay ampunan. Kakaiba dahil walang mga bata na nag-aaligid sa mga hallway at kahit na mga madre. Pagdating namin sa garden ay biglang bumukas ang ilaw na pumapalibot sa mga puno at bumungad sa akin ang isang mesa na may pagkahaba haba. Sobrang dami ng pagkain ang nandito. Hindi naman ako ganun katakaw para ipakain niya sa akin lahat yan diba?

Unti unti naglabasan ang mga bata at may dala silang mga bulaklak. Pinagbibigay nila ito sa akin. Hindi ko alam kung anong okasyon ang meron ngayon kaya naguguluhan ako. Nasa gitna ng garden sila Sister Grace at Sister Joy. Nagmano kami ni Zenon sa kanila.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now