Kabanata 15

6.8K 120 1
                                    

January 6, 2015

Nagising ako sa sikat ng araw. Napatingin ako sa paligid at naalala ang mga nangyari kagabi. Nasa bahay pala ako ng mga magulang ko. Tiningnan ko ang katabi ko na mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko ang mukha niya.

Simula nang bumalik siya ay ang unang beses naming nagkatabi sa kama. Kahit na hindi ganun kaganda ang nangyari sa akin kagabi, masaya ako ngayong araw dahil sa unang araw ang mukha niya ang una kong nakita.

Ilang minuto na pinagmasdan ko siya. Napagdesisyunan kong mag-asikaso na baka malate pa ako sa trabaho. Nang tipong paalis na ako, nagulat ako ng bigla siyang yumakap.

"Zenon?" Mahina ang boses ko.

Pero hindi siya umimik. Siguro ay tulog na tulog siya. Hindi ko maiwasan na hindi matuwa dahil yakap niya ako. Hindi ganun kabig deal pero napakabig deal na nun para sa akin. Inayos ko ang magulo niyang buhok habang ngiting ngiti ako sa tuwa. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng hindi niya binubuksan ang kanyang mata.

"Shin....." Sa narinig kong yun ay bigla akong napahawak sa aking bibig at mabilis na tumayo.

"Kaya niya ba ako niyakap dahil akala niya ako si Shin? Hindi dahil ako si Aliyah?" Napaupo ako likod ng pintuan ng banyo at pinilit na alisin ang sakit na nararamdaman ko.

"Akala ko ako na ang iniisip niya. Akala ko okay na. Akala ko pwede na kaming bumalik sa dati pero lahat pala talaga ay hanggang akala lang." Marahas kong pinunasan ang aking mga luha na patuloy na umaagos.

Ilang minuto kong pinahupa ang sakit ng aking nararamdaman.

"Mali pala ang nararamdaman ko kanina dahil hindi iyon para sa akin." Biglang bumalik sa utak ko ang sinabi ni Shin sa akin at kahit kala ko magiging okay ang lahat ay hindi pala.  Kahit masakit isipin pero siya ang mahal ni Zenon sa ngayon.

Lumabas ako ng kwarto at napansing wala na si Zenon doon.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba ako sa sala. Nakita ko sila Mom at Dad kasama ang mga magulang ni Zenon, sa tingin ko ay sa bahay sila natulog. Umiinom ng kape habang nag-uusap. Habang nasa hagdan hindi ko maiwasan na di matanong ang aking sarili.

"Hanggang kailan ba ako tatagal sa piling ni Zenon? Wala na ba akong karapatang sumaya gaya ng mga magulang ko?"

"Good Morning po." Pilit akong ngumiti.

"Good Morning din Aliyah." Sabay sabay nilang bati.

"Aliyah, maaga pa." Mom

"May trabaho pa po ako Mom." Pilit kong iniiwas ang aking mukha sa kanila dahil sa aking maga na mga mata.

"Good Morning Zenon." Dad

Napalingon ako sa kanya at iniwas ang tingin.

"Hindi ba dapat nagpapahinga ka nalang sana Aliyah. Lalo na sitwasyon mo." Pag-ungkat na naman ni Mom.

Alam ko ang ibig sabihin ni Mom.

"Mom at Dad mali po kayo ng iniisip hindi po ako buntis o kung anuman." Diretso kong sabi na halata namang ikinagulat nila.

"Alis na po ako, pupunta nalang po ako sa susunod na araw para ihatid sa inyo ang regalo. Sorry po kung namisinterpret niyo ang inasal ko kagabi." Dumiretso na ako palabas ng bahay.

Hindi ko na inantay pa si Zenon dahil alam kong wala siyang pakialam sa akin kaya ano pang kailangan kong asahan sa kanya?

Habang palabas ng gate ng bahay ay nagulat ako ng may humila sa akin at nakita kong si Zenon yun.

"Ano bang gusto mo?" Galit kong tanong sa kanya.

Patuloy niya akong hinihila at pinapasok niya ako sa kanyang kotse. Gusto kong lumabas dahil alam kong wala namang katuturan ang mangyayari kung mag-uusap kami dahil alam kong mag-aaway lang din kami sa huli.

"Ano ba tong pakulo mo, Zenon?!" Pagkasakay na pagkasakay niya.

Nanatili siyang tahimik at pinaandar ang sasakyan. Wala na akong nagawa kundi manahimik nalang dahil hindi niya rin ako pakikinggan. Pumunta kami sa condo niya. Pagpasok na pagpasok namin ay pumunta siya sa kwarto niya at nilabas ang mga damit niya.

"Ano bang nangyayari?" Naguguluhan ako sa ginagawa niya.

Ipinasok niya iyon sa isang maleta at kahit na pati gamit ko ay dinala niya.

"Ano bang gusto mo mangyari Zenon? Anong ibig sabihin ng mga to?" Ngunit hindi parin siya sumagot kundi hawak hawak niya parin ako at kasama ang mga maleta.

"Malelate ako sa ginagawa mo! Ano bang gagawin mo sa mga gamit ko!"  Inis kong sabi sa kanya.

Pasado alas-nuwebe na. Alas dyis ang pasok ko sa opisina.

"Ano ba! Magsalita ka! Mapapagalitan ako sa ginagawa mo!" Pilit kong tinanggal ang hawak niya sa akin.

Huminto siya ng bahagya at nakatingin sa akin ng tingin na gaya ng tingin na ipinukol niya sa akin kagabi. Pero kahit ganon ay hindi ako nagpatinag dahil sa inis na rin ako at siguro nga dapat unti unti ko na rin tanggapin ang katotohanan na wala na talaga kaming pag-asang dalawa na magsama pa.

"Hindi ako sasama sayo ng hindi mo sinasabi ang tunay na nangyayari!" Matapang kong sabi sa kanya.

Pero gaya ng nauna hindi rin siya nagpatinag at mas hinawakan ako ng mahigpit. Bumaba kami gamit ang elevator, sa parking lot. Pinapasok niya ako muli sa saksakyan at hindi na rin ako nakalabas pa.

"San tayo pupunta?" Halos naghehesterical kong tanong sa kanya dahil papunta kami ngayon sa airport.

Hindi niya na naman ako sinagot at wala na naman akong nagawa. May kinausap siya sa telepono at sa tingin ko yun ay ang kanyang sekretarya.

Pagdating namin sa airport ay may sumalubong sa aming isang lalaki na nasa edad 30-35 taong gulang. Ibinigay ni Zenon ang susi ng kotse at may inabot sa kanya ang lalaki na isang sobre.

Sa loob ng eroplano

"Ano ba tong nangyayari?!" Mahina pero galit kong sabi sa kanya dahil ayaw ko gumawa ng eskandalo sa harap ng mga tao.

Hindi siya nagsalita at pinikit ang kanya mga mata.

"Bwisit!" Gusto kong sabihin sa kanya pero nahiya ako ng nakatingin sa amin ang ibang pasahero.

Ilang oras ng biyahe sa eroplano ay bumababa kami at sumakay naman kami ng barko na sa tingin ko ay sasakyan namin papuntang lugar kung san niya ako dadalhin.

Pagkababa namin ng barko. Sa labas ay may nag-aantay na Mercedes Benz. Pumasok kami roon at kahit na inis ako kanina ay biglang nawala sa ganda ng paligid na aking nakikita. Sobrang ganda. Bumungad sa amin ang malawak na dagat na kulay asul. Napakaganda. Hindi ko napansin ang aking sarili na ngiting ngiti sa aking mga nakikita. Unang beses kong magpunta sa ganito kagandang lugar at kapayapa.

Bumaba kami sa harap ng inn na sa tingin ko ay isang hotel. Pero hindi ko napagilang tumakbo papunta sa maputing buhangin

"NICE TO MEET YOU PUERTO GALERA!" Ubos lakas kong sigaw at napahiga ako sa tuwa.

Bahagya kong nakalimutan ang mga problema ko sa Maynila. Eenjoyin ko muna ang pamamalagi ko rito kahit ngayon lang.

To be continue...

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now