Kabanata 30

6.9K 114 3
                                    

Aliyah's POV

Araw ngayon ng Sabado at araw ito para pumunta sa auction house at ipakilala ako na ako ang gumawa ng painting na "Better Than Revenge". Ito rin ang araw na magkakaharap na kami ni Zenon and I know magugulat siya kapag nakita ako. Nabuo ko na rin ang plano kasama sa mga planong iyon si Axel.

"Here the artist of Better than Revenge. Miss Stacey Dela Vega. Please give her a big round of applause." Narinig ko na ang mga palakpakan ng mga tao hudyat para lumabas na ako at pumunta sa stage.

"Get ready, Aliyah. Be proud of yourself. Smile." Pagdedesidido ko sa aking sarili.

Kahit na nagawa na ang lahat ng plano ay hindi ko parin magawang hindi kabahan dahil maraming negative na pumapasok sa utak ko.

Lumabas na ako sa backstage at nakita ko ang mga taong naagawan ko ng mga tingin. They all staring at me.

"Good evening everyone!" Bati ko.

"Good evening din Miss Stacey.Thank you for coming all the way from Italy. We are glad to see you here." Emcee

"Thank you and I'm glad also to be here." Ngiti ko.

"For all we know, Miss Stacey is one of the philanthropist of San Felipe Child Care. Is that true, Miss Stacey?" I nodded.

"Yes I am and I hope this painting will help those children in need to keep warm in their shelter and have food to eat. Please help them." Pinagmamasdan ko ang mga taong nasa harapan ko at nakita ko ang mukha ni Zenon na hindi parin maalis sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Thank you Miss Stacey for your wonderful advocacies." Umupo na ako sa tabi ni Axel.

"Let's now begin for bidding for the Better than Revenge painting. The bidding is now open." Bidder

"100 thousand!" Nagtaas ng kamay ang isang lalaki.

"200 thousand." Babaeng nasa edad 50

"500 thousand!" Napatingin ako sa direksyon ni Zenon.

"500 thousand? Higher than 500 thousand?" Bidder.

"1 million!" Napatingin ako sa likod ko at nagulat ako sa nakita ko

"Ezekiel" Mahina kong nasabi ng makita ko siya.

"1 million? It's now getting to our hot seat. There is anything more? Twice, thr.."

"2" Zenon

Napatingin ako sa kanya at nagtama ang aming mata. Alam ko ang mga titig niyang yun. Para yun sa akin.

"3 million!" Ezekiel, nakangisi niyang itinaas ang number niya.

"3 million? More than 3 million?" Bidder.

"5 million!" Zenon

"5 million? Higher than 5 million?" Bidder.

Ilang segundo lang si Zenon ang nagwagi at natapos ang bidding.

"Congratulation, we have the owner of the Better than Revenge painting. Thank you for all people who join this auction." Bidder

Ilang minuto pa ang nakalipas ay niyaya na akong lumabas ni Axel. Nakahawak siya sa akin bewang habang naglalakad.

"Aliyah..." Nakangiting sabi ni Ezekiel na hindi maalis ang titig sa akin.

"Stacey." Pagtatama ko, kasama ito sa pagpapangap namin ni Axel.

"You know me Aliyah, I'm Ezekiel from Puerto Galera, remember?" Pagpapaalala niya.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now