Kabanata 44

5.7K 92 0
                                    

Aliyah's POV

5 days before the wedding

"Hi!" Bati ko kay Rannlie. Kararating ko lang sa may coffee shop na pinag-usapan. Ito ang hiniling kong pakiusap kay Ezekiel bilang kapalit na pagpapanggap ko bilang girlfriend niya.

"Hello." Bati niya rin.

"Let's have a drink first." Yaya ko.

Sa tindig ng lalaking kaharap ko masasabi kong di siya basta bastang tao. Malakas ang dating niya sa mga babae, gwapo, may good manner at marami pang katangian na maganda kaya siguro nasabi ni Kath na matutunan niya rin itong mahalin.

"Yeah, we should." Umorder na siya at pagbalik niya.

"May gusto ka raw sabihin sa akin?" Diretsahan niyang tanong.

"Gusto ko sanang makiusap sayo na umatras ka sa kasal." Alam kong tila bastos ako pero ayun naman talaga ang tunay na pakay ko, unang una palang.

"Diretso ka pala talagang magsalita." Ngumiti siya sa akin at bahagyang uminom ng inorder niya. Di ko alam kung saan ko huhugutin ang dapat sabihin sa kanya.

"Mr. Hermes I don't know kung ano ka bang klaseng tao. Di ko alam kung ano talagang nararamdaman mo para sa kaibigan ko pero gaya niya nagmamahal ka rin. Kaya alam mo kung anong pakiramdam na ipagpilitan sa taong di mo mahal. Si Kath may mahal siyang iba at dahil sa akin nasira ko ang pagmamahalang yun. Kaya sana tulungan mo ako para silang dalawa na ang maging para sa isa't isa." Tuloy tuloy kong salita. Malalim ang mga tingin niya na medyo nakakatakot dahil inuunawa niya ang mga narinig niya.

"Si Kath siya na mismo ang pumayag. Wala na akong magagawa dun dahil may sarili na siyang desisyon." Matigas niyang sagot.

"Pero sa mga desisyon ni Kath inaalala niya ang nararamdaman mo para sa kanya. Sana katulad ng mga ginagawang desisyon ni Kath ang gagawin mong desisyon ngayon." Ngumiti siya sa akin na tila may nakakatawa sa sinabi ko.

"Tell me, why do you do this?" Malalim ang mga mata niya na may kung anong atraksyon kang makikita.

"Gaya nga nang sabi ko, ako ang naging dahilan kung bakit sila nagkaganito. Pangalawa mahal ni Kath si Axel at gaya ng nangyari sayo ang nangyari sa akin. Ako naman ang nagmahal noon at ipinakasal ako sa taong di ako mahal, taong may malaking galit sa akin dahil akala niya ay sinira ko ang tiwalang binigay niya sa akin. Sobrang hirap dahil lahat ng atensyon ng taong mahal ko na di naman ako mahal ay gusto kong makuha but in the very end all my time was wasted. Dahil akala ko pwede pa naming maibalik lahat sa dati pero kasal na pala siya sa mahal niya at ginawa niya pa akong kerida. The most funny of it, all of things that I can't never imagine I can do is now I'm doing but I'm still broke until the end." Hindi ko alam kung bakit ko nga ba sinasabi ang mga to sa lalaking ang tanging pangalan lang ang alam ko.

"Here I am now. Sira ang buhay, tanging paghihiganti ang nasa isip at walang ginawa kundi magplano ng masama para sa taong pinakasalan ako noon. Hindi ko gustong mangyari sa inyo ng kaibigan ko ang nangyari sa akin noon. Nandito ako hindi bilang kaibigan ni Kath pero andito ako bilang kagaya mo Mr. Hermes." Panandalian na uminom siya ng kape at tinitigan ako. Ilang minuto ng katahimikan ang bumalot sa amin at halatang kinakalkula niya ang mga pwedeng mangyari.

"Pero gaya nga ng sinasabi mo posible rin naman si Kath ang maging kagaya natin kapag pinayagan kita na hindi ko ituloy ang kasal dahil alam kong di mahal ni Axel si Kath dahil kung mahal niya talaga si Kath sigurado akong hindi ako ang papakasalan ni Kath pero I will consider your effort for doing this and also my love for her. Let's make a deal." Gusto kong magsisigaw sa tuwa dahil sa sinabi niya.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now