Kabanata 6

6.7K 127 5
                                    

September 7, 2012

Minulat ko ang aking mga mata at unang nakita ko ay ang puting kulay.

"Anong nangyari ba sa akin?" Tanong ko sa akin sarili

Nilibot ko ang mga mata sa lugar kung saan andun ako. Isang puting kwarto na kung saan tahimik at may kung anong mga aparato na panggamit sa panggagamot.

"Bakit ako nandito? Nasa bahay ako at may sakit pero anong nangyari bakit ako nandito?" Pinilit kong tumayo at alisin ang dextrose sa aking kamay

"Aliyah!" Natatarantang lumapit sa akin si Mommy.

"Mommy, ano bang nangyari? Bakit po ako nandito? Sino po ang nagdala sa akin dito?" Naguguluhan kong tanong.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Parang may bagay akong nakalimutan at gusto kong umalis sa kwartong iyon.

"Hinimatay ka anak kagabi. Kaya kailangan mong magpahinga." Halatang nag-aalala siya sa akin.

Hinimatay? Panong nangyaring hinimatay ako? Natutulog lang ako kagabi dahil masakit ang ulo ko. At.......

"Oh, Axel, andyan ka na pala?" Napalingon ako sa pinto na kung saan ang lalaking nakikita ko ang nagpaalala sa akin ng mga nangyari kagabi.

Anong ginagawa niya dito?

"Opo. Dumaan lang po ako dahil malapit lang ang pupuntahan ko dito." Sagot niya kay Mommy.

"Aliyah, ito mansanas. Kainin mo to." Inilapag niya sa lamesa ang dala niyang prutas.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit kong tanong sa kanya.

"Ano ka ba, Aliyah. Si Axel ang nagdala sayo dito kagabi. Kaya dapat magpasalamat ka sa kanya." Nagulat si Mommy sa inasal ko sa harap ni Axel.

"Zenon..." Naibigkas ko.

"Oo nga pala Axel asan na yung Kuya mo? Bakit wala pa siya dito?" Nagtatakang tanong ni Mommy.

Tiningnan ko siya pero wala siyang imik na nagpakaba sa aking dibdib.

Nang marinig ko yun ay nagatunay sa akin na hindi lang isang panaginip ang nangyari kagabi. Kahit sampalin ko ang sarili ko, alam kong walang magbabago.

Pinilit kong makaupo at tinanggal ang dextrose na nasa aking kamay.

"Ano bang nangyayari, Aliyah!" Napatayo si Mommy pagkakaupo dahil sa gonagawa ko.

Hindi ko intindi pa si Mommy. Tumayo ako at kinuha ang bag ni Mommy kahit nanghihina pa aking mga paa pinilit kong lumakad palabas ng pintuan.

"Aliyah, humi...." Hinabol ako ni Axel.

Tinulak ko siya para makaalis ako. Mabilis kong tinahak palabas sa loob ng kwartong iyon.

Nang makakit ako ng nurse ay agad akong nagtanong. "Miss, saan ang labasan ng ospital na to?"

"Dun po sa gawing iyon Ma'am. Pero bawal po ......" Umalis ako ng maituro niya sa akin ang daan.

"ALIYAH!" Hinabol ako ni Mommy at Axel.

Mabilis kong pinindot ang button sa elevator. Nagbukas agad ito.

Pagkalabas ko ng elevator ay pumara agad ako ng taxi.

"Manong sa Fairview. Pakibilisan Manong."

Nang makarating ako ay ibinayad ko ang pera ni Mommy sa loob ng bag niya at mabilis na pumunta sa unit ni Zenon.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now