Kabanata 37

5.5K 111 0
                                    

Aliyah's POV

Nasa Christmas party ako ng kompanya nila Dad. Sabi nila it's good for me na magkaroon ako ng oras para sa kasiyahan kaysa parati nalang ako nasa shop at walang ginawa kundi mag-asikaso ng mga customer. Hindi nakasama sa akin si Axel because he was busy on his business.

"Excuse me. Pwede bang malaman kung nakita niyo sila Mrs. and Mr. Fuentebella?" I asked the waiter.

"Hindi po, Miss." Umupo ako sa isang table na walang nakaupo.

Hindi ko maiwasan na di mailang dahil mag-isa lang ako.

"And now here's the Bronix Group from the Sales Department. Let's welcome them with a round of applause." Emcee, pumaloob naman ang palakpak sa venue.

Namatay ang mga ilaw at nagsimula na ang sayaw. They wearing a white mask and I think they do a robotic dance. Bumukas na ang mga ilaw at tumapat iyon sa mga contestant. Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin. Kaya napatingin ako ng wala sa oras.

"Ezekiel, what are you doing here?" May kahinaan kong tanong.

He gave me a big smile.

"Don't tell me, you own some big company here?" Tumango naman siya na mas lalo kong ikinagulat.

Pinapapasok lang sa party ito ay mga taong may bahagi sa kompanya. Alam kong hindi ako isa sa kanila but I am the daughter of the CEO.

"Eh ano ka dito? Magsalita ka naman! Puro ka nalang facial expression diyan!" Panenermon ko at natatawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"One of the..." Napahinto siya ng nakatingin siya sa likuran ko.

"Why?"  Napatingin ako sa likuran ko at nagsisi ako kung bakit pa ako lumingon.

"Hi!" Hindi ko maipaliwanag ang mukha niya, umayos ako ng upo at ngumiti sa kanya na parang walang nangyari sa amin noong mga nakaraan.

"Nice to see you again Mr. Venetiz." Inabot niya ang kanyang kamay.

"Me too, Mr. Craig." Ezekiel, inabot niya rin ang kanyang kamay at nakipagkamay

Biglang nag-iba ang tugtog na kung saan for the couple dance.

"Can we dance?" Aya ni Zenon.

"I'm busy." Pagtataray ko.

"Tanga! Kailan ka naging busy? Nakaupo ka lang naman!" Halos gusto kong iumpog ang sarili ko sa sinagot ko sa kanya.

"For what?" Sarkastiko nitong tanong.

"Okay, we will. But before you, nangako ako na makikipagsayaw ako kay Ezekiel. Diba Ezekiel?" Tinaasan ko siya ng kilay para umoo lang.

"Oo, oo naman. Yeah." Tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito at tumungo na space ng sayawan.

"Halata ka masyado." Bulaslas niya.

"Talaga?"

"Yes, buti nalang nasalo kita!" Nakangisi niyang pagmamayabang.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay sa leeg niya at ang mga kamay niya naman ay nilagay niya sa bewang ko.

"Ang yabang." Pagtataray ko.

Bahagya akong napatingin sa lugar kung saan ko iniwan si Zenon pero wala na siya.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now