Kabanata 12

6.6K 117 1
                                    

December 23, 2014

All things went well in the wedding. Hindi kami ikinasal ni Zenon sa church gaya ng unang plano dati kundi we have a wedding ceremony lang sa city hall. Special ang wedding ceremony namin dahil dapat walang tao sa city hall pero malapit na kaibigan yun nila tito at tita. Pirmahan ng mga papel at kunting handaan and done. Hindi gaya ng inaasahang kasal na pinapangarap ko  pero kahit ganun ay masaya parin ako. Mahal ko siya kahit anong kasal pa yan ang importante ay papakasalan niya ako. Matagal kong pinag-isipan na kailangan makuha ko muli ang tiwala niya kahit na alam kong mali ang pagkakaintindi niya sa lahat ay kailangan ko munang makuha ang tiwala niya bago sabihin ang totoo dahil kapag di ko ginawa yun ay hindi niya ako papakinggan kahit anong mangyari. Ang kanya kanyang mga magulang namin ay nagbigay ng regalo at yun yung ticket namin papuntang Puerto Galera which doon gaganapin ang honeymoon. Pero hindi namin ginamit yun ni Zenon at sinabi sa kanyang mga magulang na masyado siya ngayon busy sa kompanya. He's one of board of director of the company kaya wala raw siyang oras para magsaya at kakakuha lang niya ng titulo na yun dahil sa pagpapakasal namin. Kahit sino naman ang tanungin hindi valid ang reason ni Zenon that was first night namin pero pinili niya ang trabaho kaysa sa akin. Ito ang napapatunay na hindi niya talaga gusto ang kasal namin.

Pagkatapos ng kasal dumeretso kami sa condo unit niya na mayroong isang kwarto. Ipinasok ko ang mga gamit ko, hindi man lang niya ako tinulungan at hinayaang magbuhat mag-isa. Mas nauna siyang pumasok. Inilagay ko ang dalawang maleta na dala ko sa gilid ng upuan sa sala at panandaliang upuan sa pagod. Habang si Zenon ay dumiretso ng kanyang kwarto.

"Ganitong buhay ba ang gusto mo Aliyah?" Tanong ko sa aking sarili.

"Kahit anong buhay basta kasama ko siya." Pagsagot ko naman sa isang side ko. Tumayo ako at kinuha ang maleta ko at ipinasok sa kwarto ni Zenon.

Pagpasok ko ng makita ko siyang nakaupo sa kanyang kama. Binuksan ko ang kabinet na kung saan pinaglalagyan niya ng mga damit niya. Malaki yun at maluwag pa kaya pwede pang lagyan ng mga damit ko.

"Anong gagawin mo?" Nagulat ako ng magsalita siya.

"Ilalagay ko ang mga damit ko." Binuksan ko ang maleta ko.

"Walang space diyan para sa mga gamit mo." Madiin niyang sabi.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Alam kong wala rin akong space para sa bahay niya pero pati ba naman ito ay ipagdadamot niya sa akin? Izinipper ko muli ang maleta at tumayo at lumabas sa kwarto tumungo ako pabalik sa sala at inilagay muli ang aking gamit sa gilid. Kung sa cabinet nga wala akong space eh pano na yung mismong higaan niya?

December 24, 2014

12:07 am

Halos dalawang oras na akong nakaupo kaya inaantok na ako pero anong magagawa ko. Alam kong hindi niya rin akong gusto makatabi. Kumuha ako ng pera at lumabas para bumili ng gamit panligo. May mga bukas na 24 hours store sa labas. Baka kahit na pati ang mga gamit niya ay bawal kong galawin.

1:37 am

Natapos akong mamili ng gamit ko. Alam ko na ang pagsscode ng condo ni Zenon kaya nakapasok naman agad ako. Pagkarating ko kinuha ko na ang damit kong pantulog at dumiretso sa kwarto niya na kung saan andun ang banyo. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Hindi ko napigilan ang aking sarili at pinuntahan siya. Saglit lang naman kaya hindi niya malalaman. Nakatayo ako sa gilid niya at pinagmasdan siya. Sa tuwing natutulog siya mas lalo mong makikita ang kakisigan ng kanyang mukha. Bahagya kong inayos ang buhok na nagtatakip sa kanyang mga mata at inayos din ang kumot niya.

Naligo na ako at dumiretso sa sala dahil alam kong pati sa kama niya ay wala akong karapatan para tumabi sa kanya. Ang sofa nalang ang tangi kong higaan na pwede.

6: 24 am

Nagising ako at ang masasabi kong masakit ang buong katawan ko dahil hindi ako maayos na nakatulog sa sofa. Tatlong oras lang ako nakatulog kaya sobrang antok ko. Tumayo na ako para maagang magluto ng pagkain na aalmusalin namin. Halos lahat ay prito lang ginawa ko dahil hindi ako magaling sa kusina pero kailangan kong pag-aralan yun sa tingin ko.

7:46 am

Nagising si Zenon. Kaya naman mabilis kong hinanda ang mga pagkain sa mesa.

"Zenon, kumain ka na."

Ngunit para akong isang hangin na hindi niya narinig. Ilang sandali pa ay dala niya ang kanyang susi at lumabas na siya na walang sinabi. Lahat ng niluto ko ay walang silbi sa bandang huli. Kinain ko nalang iba at inilagay sa fridge ang iba. Inaasahan ko na ganun ang magiging asal niya sa akin at ganun din sa susunod na araw pa pero kahit ganun bakit iba talaga kapag ginawa na yun sa harapan ko?

Nag-ayos ako ng buong condo niya at nilinis iyon. Namili ako ng pwedeng ihanda mamaya dahil bisperas na ng pasko. Cake, chicken at wine. Inihanda ko lahat yun sa mesa.

10:56 pm

Kanina pa ako nag-aantay kay Zenon pero hindi siya dumating. Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

Tumunog ang phone at agad na sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan kung sinong tumawag dahil baka si Zenon na ang tumatawag.

"Hello... Zenon.."

"Oh anak?" Boses yun ni Mom.

Bahagya akong nalungkot ng malamang si Mommy ang tumawag.

"Merry Christmas anak." Masayang bati ni Mommy.

"Merry Christ~~mas Mom." I stuttered and my teardrops are starting to fall.

"Oh Aliyah? Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Mom sa kabilang linya.

"No Mom. I miss you so much Mom." Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Ako rin anak. Miss ka na namin ng Dad mo. Ano ka ba, naiiyak tuloy ako. Isang araw palang tayong di nagkikita umiiyak ka na ng ganyan. May asawa ka na anak kaya be strong. Oo nga pala, asan si Zenon?"

Bahagya akong nag-isip ng isasagot dahil kapag nalaman niyang wala si Zenon buong araw na hindi ako kasama baka mag-alala siya sa akin.

"Nasa banyo po."-I lied

"Ganun ba? Diyan na ba kayo magpapasko?"-Mommy

"Opo. Pakisabi nalang kay Dad, Mom. Merry Christmas and I miss him a lot."

"Okay, I will tell him. Enjoy your Christmas anak. Be good to Zenon."

Tumango ako kahit hindi ni Mom nakikita. I ended the call. Nauunahang tumulo ang luha ko. Ito ba ang parusa ko dahil hindi ko sinunod ang mga magulang ko noon? Ganun ba talaga?

Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili. Ayaw kong makita akong ganito ni Zenon dahil baka sabihin niyang nagpapaawa ako sa kanya.

11:58 pm

Kumaluskos ang pintuan at bumungad sa akin si Zenon. Hindi ko maialis ang tuwa sa aking mga mata ng makita siya pero nawala rin agad yun ng mapansin kong hindi siya normal ngayon dahil sa amoy ng alak na bumabalot sa kanya at sa di niya maayos na paglakad. Lumapit ako sa kanya para alalayan siya pero mabilis niyang tinabig ako palayo sa kanya.

To be continue...

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now