Kabanata 45

6.1K 111 1
                                    


Aliyah's POV

Hindi parin ako makatulog sa pangambang baka tama ang nasa isip ko ngayon. Hindi ko nagawang tumungo sa botika para bumili ng PT o sa doktor man sa takot na baka magkaroon sa akin ng suspentiya ang aking mga magulang at higit sa lahat ayaw kong magulat sa aking malalaman.

"One month, give me one more month to decide." Pangungumbinsi ko sa aking sarili pero tila nakapagdesisyon na ang utak ko na gusto kong malaman ang katotohanan. Hindi ko maiwasan na matakot kung anong pwedeng malaman ko. Kung magkakaanak ako ay ikakatuwa ko pero ang ama ng dinadala ko ang taong pumatay sa akin at sa aking baby noon, magiging anak sa labas ang ipapanganak kong sanggol pagnagkataon gaya nung muntik na mangyari sa akin noon at ngayon magkakaanak na naman ako sa kanya?

Bakit di ko ba naisip lahat ng ito bago ako pumayag na ipaubaya ang aking sarili sa kanya?

Iniumpog ko ang aking ulo sa unan na wala namang nagiging epekto sa akin dahil napakalambot nito. Anong gagawin ko ngayon?

Paikot ikot ako sa aking kama halos tatlong oras na rin akong ganito. Lumabas nalang ako ng kwarto at tumungo ng art room. Tatapusin ko nalang ang pinapaint ko nung nakaraan.

Ilang oras na akong pagpapaint ay natapos ko na rin ang aking regalo para sa aking anak. Matagal ko na ring napagdesisyunan habang ginagawa ito na ilagay sa exhibit at ibenta upang makatulong sa iba. Iniayos ko na ang mga painting na isasama ko sa exhibit sa susunod na araw. Hindi ako nagtatabi ng mga painting para sa aking sarili, gusto kong ibahagi sa iba ang natatamasa ko ngayon. Kahit sa bagay na yun lang.

Alas-singko na rin ako ng umaga natapos sa pag-aayos. Hindi na ako natulog pa dahil ayaw kong hindi na ako makapasok dahil sa antok. Kailangan ko rin maagang pumasok dahil nag-uumpisa palang ng pagbebenta ng bagong produkto.

Ramdam ko pa ang dampi ng simoy ng hangin sa aking balat habang ipinapasok ang susi ng kandado ng aking shop. Maingat kong itinaas ang harang at binuksan ang pintuan. Napansin kong bukas na rin ang nasa kabilang shop na pagmamay-ari ni Zenon. Naglilinis siya sa shop na siya lang. Napailing nalang ako sa aking sarili at pumasok na at binuksan ang mga ilaw. Pumasok ako sa aking opisina at naghanap ng pwede kong gawin pero naayos ko na pala lahat, naicheck ko na ang lahat nung nakaraan. Lumabas ako sa opisina at nagmasid ako kung anong pwede kong gawin. Hanggang sa napunta nalang ako sa paglilinis at pag-aayos ng mga upuan. Pagkatapos ng paglilinis ay wala na naman akong magawa kaya napagdesisyunan ko na nalang munang umupo at hintayin ang mga tauhan ko. Mula sa aking kinauupuan napansin kong patuloy parin sa pag-aasikaso si Zenon sa shop niya.

Sa pagtingin ko sa kanya, hindi ko maiwaksi sa aking sarili na kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong kalungkutan na hindi ko dapat nadarama dahil higit sa lahat ako lang naman ang dapat sisihin sa mga ginawa kong pagkakamali.

"Good morning Miss Stacey, ang aga niyo ngayon ah." Nakangiting bati ni Lewi. Ilang buwan na rin na nagtratrabaho sa akin si Lewi.

"Morning." Bati ko rin, nararamdaman ko na ang antok na dapat dinalaw ako nito kagabi.

"Ma'am parang wala pa kayong tulog." Ngumiti ako sa kanya at umiling.

"Akala mo lang pero mahaba ang tulog ko." Pagsisinungaling ko.

"Oh bakit ang aga mo ngayon? Usually ikaw ang parating late." Pag-iiba ko ng usapan.

"Pumunta po kasi ako diyan sa cathedral." Sagot niya.

"Bakit parang masyadong maaga ata para pumunta dun?" Hindi ko alam na relihiyoso pala siyang tao.

"Sinadya ko po kasi talaga yung pari dun. Maaga lang po kasi siya nandun at supergaling niyang magpayo." Hindi ko alam kung bakit tila sumagi sa isipan ko na subukan pumunta sa sinasabi ni Lewi.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now