Kabanata 28

6.9K 121 2
                                    

Zenon's POV

2 years later

"May balita ka na ba?" Tanong ko kay Nelson, detective na matagal ko ng hinire para hanapin si Aliyah.

"Ginawa ko na lahat boss pero hindi ko parin siya makita. Sa tingin ko ay gumamit siya ng bagong pangalan. Mahirap maghanap ng taong ayaw magpakita." Hindi ko alam kung worth it pa ang pagbabayad ko sa taong to sa tagal niya ng hinahanap si Aliyah ay hindi niya parin mahanap.

"Dalawang taon at kalahating buwan mo na siyang hinahanap pero wala ka paring balita." Napahawak ako sa aking sentido dahil sa inis sa trabaho niya.

"Hanapin mo siya kahit anong gawin mong paraan! Basta mahanap mo lang siya!" Galit kong utos sa kanya.

Tumayo na nga siya at nagpaalam na.

"Aliyah, where are you now?" Napahawak ako nang mariin sa aking sentido sa sobrang pagkabalisa sa narinig kong balita.

Wala akong ginawa kundi hanapin ng hanapin si Aliyah pero hindi ko pa rin siya mahanap dahil ito na mismo ang ayaw magpahanap.

Dalawang taon at kalahating buwan na simula ng umalis siya pero sa mga panahong iyon ay halos hindi ko na rin kilala ang aking sarili dahil sa lungkot na bumabalot sa akin. Hindi siya matanggal sa aking isipan. Kahit na mismo ang trabaho ko ay naapektuhan na. Hindi ko kayang wala siya. Siya ang buhay ko, siya ang taong pinakaingat-ingatan ko pero napakatanga ko para sayangin iyong mga panahon na dapat ay magkasama kami.

May kumatok sa pinto. "Mr. Craig." Boses ng secretary ko.

"Yes. Come in." Umayos ako ng pagkakaupo at pinilit na hindi muna isipin si Aliyah.

"Pakisign nalang po ito." Ibinigay niya sa akin ang folder ng market strategy for this year.

"Thank you, Sir." Tumango naman ako at muling tumutok sa binabasa kong report.

"Meron po kayong meeting sa new investor ng 4 o'clock at pagkatapos nun ay kailangan niyong bisitahin ang branch sa Novaliches."

"Okay, thanks!" Lumabas naman agad ito.

***************

Tumunog ang phone ko at mabilis ko namang sinagot.

"Hello, anong kailangan mo?" Batid sa akin boses ang pagkainis.

"Kuya naman, beast mode ka na naman." Natatawang sagot ni Pauline sa kabilang linya.

"What do you want? Pauline, I don't have time for your..." Hindi niya na pinatapos ang sinasabi ko.

"On Wednesday is my birthday Kuya." Excited niyang pagbabalita.

Nakalimutan ko na buti nalang at pinaalala niya.

"I know and?" Pasisinungaling ko.

"Please samahan mo naman ako sa gallery." Pangungulit niya na naman sa akin.

"Sa boyfriend mo nalang ka magpasama, walang akong time, baby." Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakanguso na siya sa narinig niya sa akin.

"Kuya naman eh. Your one and only little sister wanted to be your date? Tatanggihan mo ba ako? Sige ka, isusumbong talaga kita kay Ate Aliyah...." Huminto siya sa pagsasalita ng marealize niya ang sinasabi niya.

"Okay, okay. I will not go to work tomorrow for you, baby. Happy?"

"Yes! Thank you Kuya! Da Best ka talaga! I love you, no more cancellation, okay? Bye." Ibinababa ko na ang tawag.

Better than Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now