Prologue

71.1K 560 168
                                    

A/N: Hi, I'm not expecting you to like this Book Two. Hindi ko kayo pinipilit suportahan ito. I know may mga nasamaan sa ending ng Twisted Marriage pero may dahilan naman ako kung bakit ko 'yun ginawa. Tanungin ninyo na lang ako ayokong mag-explain dito eh.

Pero sa mga susubaybay nito... Thank you in advance! Promise, hindi na tragic ending nito. <3

**

PROLOGUE

I was ten when that incident happened. The incident that took away our happiness.

Nagising ako ng umagang iyon dahil kumakalam ang sikmura ko. Kahit antok na antok pa ako ay pinilit kong bumangon sa kama at pumunta sa katabing silid ng kwarto ko-ang silid ng mommy at daddy ko. Nang nasa tapat na ako ay narinig ko ang marahang paghagikgik ni mommy. Hindi ko naman maintindihan kung bakit dahil bukod sa antok na antok pa ako ay nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Mamee... Dadee," tawag ko sa kanilang dalawa. Agad silang napalayo sa isa't isa. Kahit sampung taong gulang pa lang ako ay naiintindihan ko na kung ano ang ginagawa nila. Napangisi ako dahil doon. Tinawag ako ni mommy at kumandong ako sa kandungan niya. Tinanong niya ako kung anong problema ko. Sinabi ko na lang na breakfast. Naintindihan 'yon agad ni mommy at sinabihan akong mauna na ako sa kitchen. Bago ako tuluyang umalis sa kwarto nila ay narinig ko pa ang mahinang pag-usal ni daddy ng "Aish. Istorbo oh." Napangisi na lang ako.

Masiglang kumain kami pagkatapos noon. Alam kong medyo badtrip pa rin si daddy dahil sa pag-istorbo ko sa kanilang dalawa pero magkaganoon pa man ay ramdam kong masaya pa rin kami. Manghang napatitig na lang ako sa kanilang dalawa. God, I'm so proud to be their child. Alam kong bunga ako ng isang masayang couple. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa pagitan nilang dalawa eh.

My mom left after that blissful breakfast. Mag-b-bonding daw sila nina Tita Jen at Tito Gio. Isa pa 'yon sa nakakaproud eh. After all these years, mag-b-best friends pa rin sila. Nakakatuwa kung paanong isinalaysay ni mommy sa akin ang bagay na 'yon. Simula sa pagkabading ni Tito Gio hanggang sa kung paano sila nag-end up together ni Tita Jen.

Nag-lunch lang kami ni dad at noong medyo hapon na ay pinapunta na niya ako sa music room. 'Yon ang bonding place namin nina mom eh. Natuwa kasi ako noong unang beses kong narinig si dad na tumugtog ng piano. He played their theme song. 'Yong Through The Years. I fell in love with the song after he played that to me and mom. Full of love and adoration kasi. Parang gusto ko na rin tuloy mainlove kahit sampung taong gulang pa lang ako.

Actually, hindi pa ako ganoon kagaling tumugtog ng piano. Mas pinagtuunan ko kasi ang gitara eh. Ang adik ko nga. Dapat kasi ay mas una kong pinag-aralan ang piano para madali na para sa aking tumugtog ng gitara. Pero ewan, mas nahalina ako sa gitara. Ang astig kasing tingnan lalo kapag nakasabit sa balikat ko 'yung strap. Rakista ang dating. Bad boy. Astig. Mga ganoon.

Alam kong another session na naman ito. Tuturuan na naman ako ni dad tumugtog. Pero tinatamad ako noon kaya nagdabog ako. Sabi ko, maglalaro na lang ako sa kwarto ko. But he insisted. At noon ko nalamang anniversary pala nila ni mom and he wanted me to play their theme song for them. Bigla akong nabuhayan ng dugo ng panahong 'yon. Just by merely thinking na ako ang tutugtog ng theme song nila? Nakakaproud. Kaya ayon, tuwang tuwang pinag-aralan ko 'yong kanta. Marunong naman na akong bumasa ng notes kaya lang ay medyo hindi pa rin ako familiar sa pagtipa doon sa mga kumplikadong notes. Buti na lang at medyo madali ang chords ng Through The Years.

My dad told me his plan. Since alam niyang medyo gabi pa ang dating ni mom, nag-set up na lang kami sa mansion. Hindi naman ganoon kagara dahil wala namang ka-art art sa katawan si dad pero romantic naman. He'll text me kapag cue ko na para tumugtog at pagkatapos noon ay tsaka siya eentrada at sosorpresahin si mom.

And then... that phone call... that one phone call that changed our lives.

Dali dali kaming nag-rush papuntang ospital. Noong una ay hindi ko maintindihan kung anong gagawin namin sa ospital at kung bakit kami nagmamadali. Ang gulo kasing kausap ni mommy eh. Nag-h-hysteria siya at walang sense ang mga sinasabi niya. I tried calling dad's phone but he's not answering, so in the end, I called Tito Raymer. Tinulungan niya kami papuntang ospital. Buti pa si Tito Raymer naintindihan si mommy. Ganoon yata talaga 'pag matatanda. Nagkakaintindihan.

At the hospital... Doon ko lang narealize ang mga nangyayari.

My dad...

He passed away in just a blink of an eye.

Wala akong maramdaman ng mga panahong 'yon. Kanina lang, ang saya-saya pa namin habang pinaghahandaan ang anniversary night nila ni mom. Wala akong napansing kakaibang bagay na mangyayari. It's too sudden. Bakit hindi man lang na-coma muna si dad diba? Bakit kailangang dead on arrival? Ang hirap tanggapin eh.

After that night? My mom has changed. Hindi na siya 'yong dating ang sigla sigla at pinaliligiran ng good vibes. I barely had the chance to talk to her. Kapag naman kakausapin ko siya, she always ends up reminiscing of the times she had together with my dad. Minsan, makikita ko na lang na umiiyak siya mag-isa. I tried comforting her but to no avail. She pushed me away. She just wanted dad. Sinisisi niya ang sarili niya kahit hindi naman dapat.

Me? I stopped playing any kind of instrument. Pinasara ko na kay mom ang music room. I don't want to have any recollections of my painful past. Everytime na makikita ko ang grand piano na huling ginalaw ko? Naiiyak lang ako. I remember all those sessions I had with dad. I miss him terribly.

Buti na lang at nandito si Tito Raymer para tulungan kami. Buti na lang din at medyo napapasaya niya si mom. Naging panatag naman ng kaunti ang loob ko. Everytime na nandito si Tito Raymer, naiisip kong para siyang si dad. May sag ago rin siya eh. Palagi siyang nag-j-joke tungkol sa kagaguhan ni dad before and I admit, masayang isipin ang mga iyon. At least, may isang taong nagpapaalala sa amin ng masasayang past about my dad. Kapag kasi si mom ang magrereminisce, madrama eh.

Little by little, alam kong nakakamove on na kami. Pero hindi mawawala sa amin 'yong alaala ni dad. Of course. Pero kailangan lang talaga naming mag-move on. Alam kong hindi matutuwa si dad kung ilalaan namin ang buong buhay naming nagluluksa sa pagkawala niya.

Everything is slowly getting back to what it was before.

Nang akala ko ay okay na...

Tsaka naman Niya kinuha si Mom.

Before I turned thirteen? My mom died. Wow. Ang gandang gift nito sa pagbibinata ko. Grabe. 'Yong totoo? Dapat talaga mangyari ang mga ito sa mga espesyal na okasyon sa buhay ko ano?

God, can I ask?

What did I do to deserve these things?

Kailan ba ako tunay na sasaya ha?

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now