Chapter 26

8.9K 92 5
                                    

SANDRO

Okay na kami ni Leslie. Buti naman. At least, 'yong tatlong kulugo na lang ang poproblemahin ko. Hindi ko lang alam kung paano ko sila kakausapin. Takte, ang gay naman kasi nito. Ako, hihingi ng dispensa sa kanila?

Technically, I didn't do anything wrong to them. Diba? Bakit, inagrabyado ko ba ang isa sa kanila? Diba hindi?

Pero at least ngayon, alam kong tunay na kaibigan sila. Bakit? Nagalit sila when I kissed Jamie—my cousin—eh. Ibig sabihin, ayaw nilang maligaw ako ng landas. Ibig sabihin, they care for me. Takte! So gay talaga. Kabadtrip.

Maaga na ulit akong gumising ngayon dahil ayos na kami ng bubwit. Wala pang alas seis y media ay bihis na ako and ready for school. Hindi naman halatang masyado akong excited ano? Hindi. Hindi talaga. Tsaka bakit naman ako ma-e-excite pumasok sa school? Tss. Ang labo.

Pababa na ako ng hagdan papuntang kitchen nang madaanan ko ang kwarto ni Leslie. Sakto namang bumukas ang pinto niyon at niluwa ang bagong gising na bubwit. Half-closed pa ang mga mata habang kinukusot iyon ng dalawang kamay niya. Her hair is messed up at may nakatirik pa ngang pailan ilan. Gusot ang pajamas niya and well... hindi mo maipagkakailang kagigising lang talaga niya. Napangiti naman ako nang makita ko siya.

Good morning bubwit!” pagbati ko sa kanya. Natigilan siya sa pagkusot sa mata niya at tinitigan ako. She looked at me from my newly shined shoes up to my perfectly sculptured face. Nang matigil sa mukha ko ang tingin niya ay binigyan ko siya ng isang smug look. Bigla namang nagsalubong ang kilay niya tanda ng pagkaasar niya sa akin. Lumakas ang pagtawa ko sa tinuran niya.

Leslie, umagang umaga nakabusangot ka na naman. Maligo ka na nga, naninimoy ka na oh.” Biro ko sa kanya kahit sa totoo lang ay humahalimuyak pa rin siya. Naliligo yata 'to sa pabango eh. Paano, mas mabango pa siya sa gabi at lalong lalo namang mas mabango siya kapag nanlalagkit na siya sa pawis. 'Yong parang kapag naghalo 'yong sweat niya at 'yong pabango niya? Imbes na disaster ang kalabasan, ang bango pa nga. Pang-asar lang, diba? Pero hindi lahat ng babae ay ganyan. 'Yong iba, mababad lang ng kaunti sa initan, ang angi na ng ulo.

Teka, bakit ba natin pinag-uusapan ang tungkol sa amoy ng bubwit? Tsk. Baliw na nga yata talaga ako.

Excuse me? Ako? Naninimoy? Asa ka!” bumubulusok sa galit na sigaw niya sa akin. Imbes na matakot ako ay mas lalo pa nga akong natawa. Pero dahil ayoko ng gatungan pa ay pinigilan ko na lang ang pagtawa ko.

Alam mo, 'wag ka nang magpigil. Baka mamaya kung ano pang lumabas sa'yo eh. Manimoy ka pa. Ew,” sabi niya pa sa akin nang mahalata niyang nagpipigil lang ako ng tawa ko. Tumikhim naman ako at tumuwid ng tayo. Maya-maya pa ay nag-salute ako sa kanya as if saying, Yes Ma'am Yes! Umirap lang siya at tinalikuran na ako. Bago pa siya tuluyang makapasok sa kwarto niya ay pinahabulan ko pa siya ng isang palo sa pwet niya na siyang nakapagbalik ng tingin niya sa akin. As usual, nanlilisik na sa galit ang mga mata niya. I just ignored it.

'Wag ka nang umarte diyan. Dalian mo nang maligo. Sabay na tayong mag-agahan.” She slammed the door in front of me as a response. Iiling iling na ipinagpatuloy ko na lang ang pagbaba ko ng hagdan.

Dumiretso ako sa sala at in-on 'yong TV. Manonood muna siguro ako. Hmm. Prenteng nakaupo na ako sa couch nang biglang sumulpot si Tita Jen na may gloves pa. Mukhang galing sa garden si Tita and is tending on her babies as she likes to put it. Nakaboots din siya and well... mukha lang talaga siyang hardinera... na maganda.

Mag-best friend talaga sila ni mom. Parehas chickababes eh.

Oh! Baka kung ano na naman ang iniisip ninyo diyan. Baka iniisip ninyong hindi lang ako incest, pumapatol pa ako sa mas matatanda sa akin. Hindi 'no. Masama na bang magandahan kay Tita? Eh maganda naman talaga siya. Namana nga 'yong kagandahan niyang 'yon sa kanya ni Leslie eh. Ang ganda kasi ng bubwit na 'yon. Tinamaan na ako. Joke lang. Asa men.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon