Chapter 34

8.3K 108 24
                                    

SANDRO

Ako lang ba ito pero ang ganda ganda talaga ng bubwit ngayon?

'Yong mahaba niyang buhok na effortless sa pagkakalugay. 'Yong labi niyang medyo pouty. 'Yong mahaba at mapilantik na mga pilik niya. 'Yong mga mata niyang nangungusap. 'Yong natural na rosy cheeks niya. 'Yong curves niya. Peste! Ang sexy pala ng bubwit?

Langya Sandro. Anong nangyayari sa'yo?

Maaga akong nagising ngayon. Well, what's new? Lagi naman akong maagang gumising. Maaga ang pasok eh. Natural lang 'yon.

Nag-unat-unat muna ako ng buto buto bago bumaba ng kama. Dumiretso ako agad sa banyo ng kwarto ko at nagmumog. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nadaanan ko pa ang kwarto ng bubwit on my way downstairs.

Saktong pagdaan ko sa kwarto niya ay siyang pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon ang bagong gising na bubwit. Natigilan ako at napatitig sa kanya.

Langya. Namamaligno na ba ako? Bakit parang sobrang ganda ng bubwit ngayon?

Bagong gising siya. Medyo gulo 'yong mahabang buhok niya. Medyo maga 'yong pouty lips niya. Joke. Medyo nagulo rin 'yong mahaba at mapilantik na pilik niya. Antok na antok pa 'yong talukap ng mga mata niya. Flushed na flushed din ang pisngi niya. Naka-loose pajamas siya pero pansin na pansin ko 'yong umbok sa bandang unahan niya. Bumaba 'yong tingin ko sa may bewang niya. Peste.

Napalunok ako.

Narinig ko siyang tumikhim kaya napakurap ako sa sarili ko at tsaka umangat ang tingin sa mukha niya. Pagtingin ko sa kanya, nagpipigil siya ng ngiti niya. Peste. Busted ako roon ah. Ano bang sumapi sa akin at natigilan ako sa kagandahan ng bubwit ngayon?

Anim na taon na kaming magkasama ngunit iba ngayon. Hay ewan. Hindi ko maipaliwanag. Nababaliw na ako.

Tumikhim din ako bago magsalita.

Oh. Bubwit,” tawag ko sa kanya sabay pitik sa ilong niya at paggulo sa buhok niya. Agad naman siyang umiwas nang gawin ko 'yon.

Aish,” reklamo pa niya habang sambakol ang hitsura. Weird, I still found her pretty when she did that. Heeell.

Ngumiti ako ng malawak sa kanya. “Good morning bubwit!” masiglang bati ko pa sa kanya. Labas pa 'yong kumpletong set ng white teeth ko.

Morning,” tipid at walang ganang sagot naman niya. Naka naman 'tong bubwit na 'to. Umagang umaga, badtrip?

Smile ka na. Baba na tayo,” sabi ko pa sa kanya. Nagmake a face na lang siya bago ako unahan sa pagbaba. Naiiling na sinundan ko na lang siya.

When we reached the kitchen, agad na sumalampak si Leslie sa isa sa mga upuan roon. Natigil pa ako sa paglakad ko para panoorin siya sa pag-upo niya. Nasa tapat naman ng stove si Tita Jen at nagluluto. Wala sa huwisyong umupo na lang ako sa silyang katapat ng bubwit. Nang makaupo ako roon ay tinaasan niya ako ng kilay.

What?” I mouthed to her. She just rolled her eyes at me. I sighed in defeat.

Wala pang ilang minuto ay hinanda na ni Tita Jen 'yong pagkain sa amin. Bira naman agad 'tong bubwit na 'to sa pagkain. Halos maubusan pa ako noong kanin.

Looking at her figure now... makes me want to wonder kung saan ba niya inilalagay ang lahat ng kinakain niya. Ganito rin si Ate Jamie eh. Sobrang lakas kumain pero hindi halata sa katawan. Same goes with... Samantha. Napailing na lang ako. I don't want to think about Sam now. Sumasakit lang ang ulo ko sa pag-intindi ko sa kanya. Isa siyang puzzle piece na ang hirap hirap buuin.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon