Chapter 50

4.2K 95 33
                                    

SANDRO

“Bubwit, date tayo?”

Sabado ngayon at nandito lang kami ni bubwit sa bahay. Medyo wala kaming magawa bukod sa kumain at makipagchat sa isa’t isa kahit na magkatabi lang kami sa couch. Sinusulit lang namin ang internet connection sa bahay. Bihira naman kasi akong makipag-usap sa ibang tao sa Facebook. Kadalasan ay ang tatlong ugok lang ang kausap ko. Pero itong si Leslie, alam kong marami ‘tong kachat. Hindi nga mabitawan ang phone kanina eh. Tinanong ko siya kanina kung anong ginagawa niya at ito ang sagot niya. Siyempre, sa chat ulit.

Bubwit, anong ginagawa mo?

Ssh, nagwawattpad ako.

Wattpad? Ano ‘yun?

Basta. Nagbabasa ako ng story. Astig nga eh. Kapangalan natin ‘yung mga bida. Twisted Happiness ang title.

Tapos nagsend pa siya ng mga Facebook stickers matapos ‘yon.

Kanina ‘yon, ngayon, nandito kami ulit sa kusina at kumakain. Walang katapusan na yata ‘tong pagkain namin kasi simula kaninang paggising namin, lumamon agad kami. Hindi naman masyadong halatang wala nga kaming magawa.

Tumingin sa akin si bubwit dahil sa itinanong ko. Tumaas ang isang kilay niya at ngumiti ng bahagya.

“Date Kuya Sandro?” mapanudyong tanong niya sa akin.

Lumunok ako. Shit. Date ba talaga ‘yong nasabi ko?

“Ah, ano eh, sabi ko labas tayo! Ang boring dito sa bahay eh!” sabi kong hindi makatingin ng diretso sa kanya. Bigla akong pinagpawisan at parang sinisilihan ang pwet na hindi mapalagay sa upo ko. Tumawa na siya ng malakas this time. Tsaka lang naman ako napatingin sa kanya dahil doon. Ang sarap kasing pakinggan ng tawa niya eh. Ang sweet kasi, angelic, ganoon. Parang tawa ng isang mahinhing binibini. Nakakainlove lalo.

“Date it is.” Sabi niya. Ngumiti na lang din ako nang sabihin niya ‘yon.

**

Matapos ang mahigit dalawang oras na paghihintay sa bubwit, tumayo na ako sa couch at iginiya siya palabas ng bahay. Alam n’yo naman ang bubwit na ito, babaeng babae talaga. Sobrang tagal maligo eh. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa nito sa loob ng banyo eh. Ilang minuto kaya ito nagshashampoo ng buhok? Ilang minuto kaya itong naghihilod ng katawan? Hula ko eh kumakanta pa ito sa loob. Nasabi kasi niya noong minsan na feel na feel daw niya ‘yong pag-echo ng boses niya sa loob. Napangiti na lang ako nang sabihin niya iyon. At least diba, gumaganda ang boses niya kapag nasa loob siya ng banyo.

Napatigil ako nang makababa siya ng hagdan. Bagay talaga sa bubwit ang mga summer dress. Naeemphasize kasi ang long and creamy legs niya eh. Pero hindi naman sa bastusing paraan. Sakto lang ang iksi ng dress na suot niya ngayon at lahat ay talagang mapapatigil at mapapatingin sa kanya. Kagaya ko ngayon.

Ngumiti siya sa akin nang makalapit siya.

“Tara na?” ikinawit niya ang braso niya sa braso ko at hinila na ako palabas.

“Mommy! Daddy! Alis pow muna kami ni Kuya Sandrow!” sigaw ng bubwit nang nasa may pinto na kami. Napatawa pa ako sa paggamit niya ng mahabang ow.

Tumatawa pa rin ako kahit nasa may garahe na kami. Umiiling pa ako.

Kinurot ako ng bubwit sa tagiliran ko. Napahiyaw ako kasabay noong dapat ay tawa. Aba’y mahapdi!

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now