Chapter 12

10.3K 127 11
                                    

SANDRO

I can't believe it.

Hindi ko alam na nagagawa pa palang mainsecure ng isang Leslie Ortega. Kasasabi ko lang sa previous chapter kung gaano siya kaconfident sa sarili niya diba? Tapos ito, ito pa ang mababalitaan kong problema niya? Insecure siya kay Jamie?

Of all people kay Jamie pa siya nainsecure? Tsk. Pambihira.

Bakit daw siya nainsecure kay Jamie pare?” Natatawang tanong ko kay Denver. Tumawa rin siya.

Ewan doon. Akala kasi niya ay si Jamie na raw 'yong kukuning lead role eh. So ano, siya nga ba ang kukuning lead role? Base sa napanood ko parang hindi naman,” sagot naman niya sa akin.

Ewan ko pa p’re. Sa Monday pa ang release noong results,” balewalang sagot ko na lang.

Sa totoo lang, I wasn't impressed by Jamie's audition. She could've done more than that, you know? A Thousand Miles? Peste! Hindi ko talaga inasahang 'yon ang tutugtugin niya. Takte eh, piano buddy ko 'yang si Jamie before at tinatawanan niya lang ako sa tuwing tutugtugin ko ang kantang 'yon. Ang gay daw kasi at parang hindi raw akma sa level ng kagalingan ko ang tugtugin 'yong kantang 'yon. Eh anong magagawa niya eh sa gusto ko 'yong kantang 'yon diba?

Hindi ko tuloy maiwasang isiping kaya 'yoon ang tinugtog niya ay dahil sa gusto niya akong maimpress. Dahil alam niyang favorite ko ang kantang 'yon.

But of course, why would she do that, right? Hindi lang naman ako ang judge ng mga panahong 'yon. Pero siguro inisip na rin niyang mapapabilib pa rin niya ang audience with her audition dahil mga wala namang alam sa pagtugtog ang karamihan sa mga estudyante ng school namin. She opted for a popular song at alam niyang sasabayan lang siya ng mga manonood. Maski ako, napaindak na lang ako sa pagtugtog niya. But that doesn't mean I'm impressed. Basta ang nasa isip ko lang ng mga panahong 'yon eh: Nagagalingan na kayo diyan? Panoorin ninyo 'yong audition ni Leslie at tiyak na mas magagalingan kayo doon.

Totoo. Kulang na nga lang eh ipagmalaki ko si Leslie eh. Siyempre 'no. Sino ba kasing nagturo doon? Diba ako? Ang gwapong ako. Ang galing ko talagang magturo kahit kailan. De joke lang. Mabilis lang kasing matuto ang bubwit na 'yon. Kaya proud ako sa kanya.

Ipinasa ko naman si Jamie sa first part ng audition niya dahil no doubt, magaling naman siyang tumugtog. Plus, angelic ang voice niya. 'Yon lang 'yong advantage niya kay Leslie. 'Yong quality ng boses. But aside from that, taob na taob na siya ni Leslie. Nag-expect lang kasi siguro ako ng operatic kind of audition from her. 'Yon ang forte niya eh. Pang-opera kasi ang boses niya.

But when she did the second part of her audition? Patay na tayo. Kahit naman gusto ko si Jamie at nag-aasam din akong siya itong makakapartner ko if ever na sumablay si Leslie, wala eh. Si Leslie lang talaga ang naisip ko ng mga panahong 'yon. Kung gaano kagaling umarte ang bubwit na 'yon. 'Yong mga expression sa mukha niya, clean. She can play with her face anytime. Masyadong flexible ang mukha ng bubwit na 'yon. At 'yung boses niya. Nakakapagtaka talaga. She can play with her voice as well, from tremble and horror, to happy and giddy. She's a flexible performer. Madali pati siyang mag-adjust. In short, magaling.

Dahil sa sobrang pag-iisip ko sa bubwit na 'yon, di ko na namalayang mataas pala 'yong naibigay kong grade kay Jamie. Well, pabor din naman 'yon kung sakali dahil siya itong makakapartner ko. Pero hindi, nang tawagin nila 'yong name ni Leslie, bigla akong naexcite. Gusto kong mapanood ang audition niya. Kung paano niya idedeliver 'yong mga itinuro ko sa kanya.

Pero bumagsak 'yong mga balikat ko nang ayon nga... alam ninyo na.

Takte p’re. Sayang lang 'yong lahat. Proud pa mandin ako sa bubwit na 'yon. Tapos... bigla siyang mag-b-back out? Tapos iiwasan pa ako? Sobrang saklap lang talaga.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora