Special Chapter

9.1K 104 13
                                    

SPECIAL CHAPTER: CHARMIE AND CHARSAN

CHARLIE

Aren't you going to wait for me!?” Sigaw ng babae sa likod ko. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kotse ko. Kung sasabay siya sa akin, hindi ko naman na kailangang sabayan pa siya sa paglalakad niya—na sobrang bagal—not unless gusto niya talagang magsabay kami sa paglalakad. That would be so irritating.

I was about to turn on the engine when I heard her shout “Mom! Dad! Si Carlito oh!” I mentally rolled my eyes at that. Seriously, when is she going to grow up? She's not a kid anymore. Tumira na nga siya sa US at lahat, ang childish pa rin niya. Walang pinagbago. She's like what she was two years ago.

Yep, she—Charlene Samantha Mercado. Does the name ring a bell? Probably not.

Binaba ko ang bintana ng kotse ko at dinungaw siya. Nakatayo siya sa entrada ng garahe, entirely blocking my way. Nakakairita.

Get in the car Shar. We'd be late for school,” maawtoridad na sabi ko sa kanya. Pinanlisikan niya muna ako ng mata bago lumapit sa kotse at sumakay. Pabagsak na sinara naman niya ang pinto on her way in.

This isn't your car Shar. 'Wag kang padabog dabog diyan,” may balak pa yata siyang sirain ang kotse ko.

It's okay. May insurance naman 'to eh,” she replied blandly. She didn't even look at me—her gaze fixed in front—her arms are crossed, so are her eyes.

Napatitig na lang ako sa kanya.

You are indeed a girl. Such a handful,” naiiling na komento ko. She looked at me for a split second bago ako irapan muli.

I don't care what you say. Akala ko ba malelate na tayo sa school? Why don't you start driving na kaya?”

Tss. Conyo,” mahinang usal ko sa sarili ko bago paandarin ang kotse. Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan patungong school. Makaraan ang ilang minuto—I'm guessing seven—naiparke ko na ang kotse ko sa usual place nito sa tabi ng kotse ni Miguel. Teritoryo namin 'to kaya siguro napapansin ninyong sa iisang hanay lang nakaparke ang mga kotse naming apat.

Nang patayin ko na ang makina ay inikot ni Charlene—or Shar as I'd call her—ang kanyang paningin sa kabuuan ng parking lot.

So... this is your school,” sabi niya habang nililibot ang paningin. When she said the last word, sumakto namang sa mukha ko iyon napahinto. Tinaasan pa niya ako ng kilay. I shrugged while my hand is on the steering wheel.

No, technically, this isn't. This is our parking space,” paglilinaw ko sa sinabi niya. Lalakad pa siya palabas ng parking space na ito bago niya makita ang mismong school namin.

Umasim na naman ang mukha niya at pinanlisikan ako ng mata.

Jerk,” she muttered before opening the door and making her way out. Walang nagawang bumaba na rin ako ng kotse ko.

What's jerk about what I said? C'mon Shar. Wouldn't you treat me a bit sweeter? For once?” I asked when I got out of my car. Nagkatinginan lang kami nang saktong dumating naman ang kotse ni Miguel na sinundan pa ng kotse ni Denver at huli ang kotse ni Sandro.

Bumaba na si Miguel sa kotse niya at lumapit sa akin. Nakipagfist to fist pa siya bago mapansin ang babaeng nasa harap namin.

Charlene?” tanong niya dito pagkaraan. Tinaasan lang siya ng kilay ng butihing kambal ko.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon