Chapter 54

3.9K 79 9
                                    

THE FINAL CHAPTER! OHMYGOD.

PS, WAG SAKIN MAGAGALIT. KAY SANDRO NA LANG. XD 

**

                                 SANDRO

Bumalik lang si Denver, nawala na lahat ng pinaghirapan ko.

First day na first day ng klase, may professor na agad na nagpakita sa amin. Ang masaklap pa, nagpaquiz pa agad tungkol sa mga natatandaan daw naming lesson noong previous sem. Ang sisipag ng mga professor namin ngayon ah? Ramdam ko na tuloy na isang taon na lang ay gagraduate na rin kami. Medyo napressure naman ako sa isiping ‘yon.

At dahil nga simula na ng klase namin, hindi ko tuloy nasilayan ang bubwit ko. Wala kasi kaming lunch break eh. Hanggang 12:30 kasi ang klase namin ngayong araw na ‘to pero pagkatapos naman noon ay wala na kaming kasunod na subject pa. Pero dahil may klase si bubwit ng 1:00 ay hindi ko rin siya makakasama ngayon. Hihintayin ko na lang pala siyang matapos ‘yong klase niya. Hay, saan kaya muna makatambay?

Dismissal na namin at tumakbo agad kami ng dalawang ugok na si Miguel at Charlie sa cafeteria upang makaabot sa lutong ulam. Kung minsan kasi ay nauubusan kami ng ulam lalo na’t bandang hapon na rin kami nakakakain last sem. At ngayong hanggang 12:30 nga kami ay mukhang makakapagbaon na lang ako ng kakainin ko sa tanghalian.

But luckily for us, may tira pa namang ulam sa cafeteria. Ang sabi ni Aling Minda ay pinagtira niya raw talaga kami ng ulam. Kung paano nila nalamang late na ang dismissal namin ay hindi ko na alam. Ang mahalaga ay may kakainin pa pala kami. Gutom na gutom na ako eh. First day pa lang pero drained na drained na agad ako. Kung ‘yong mga frosh ay relax pa dahil wala pa masyadong gagawin, kami namang juniors ay haggard na. Daig pa namin ang nagsisimulang gumawa ng thesis eh.

Naghambugan lang kaming tatlo habang kumakain kami ngunit hindi ko maiwasang isipin ang bubwit. Mas masaya sigurong kumain lalo ngayong first day ng klase kung kasama ko siya ano? Hay. I guess I just have to get used to this set up from now on. Di bale, isang buong sem lang naman siguro ‘to. Kaya ko namang magtiis. At isa pa, araw araw ko naman siyang kasama sa bahay. Gasino na ang isang oras na lunch na hindi siya kasama, hindi ba? Okay din ‘yong paminsan minsang nagpapamiss kami sa isa’t isa.

Napansin ng dalawang ugok ang pagkatamlay ko dahil binato ako ni Miguel noong butil ng kanin niya. Napakurap naman ako sa kanya dahil doon.

“Anong problema mo Sandro? Miss mo na agad si bubwit? Naka ng!” komento niya matapos niya akong batuhin ng butil ng kanin niya.

“Hayaan mo, dadaanan na lang natin mamaya sa department nila,” sabi naman ni Charlie pagkatapos. Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nagsalita.  Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko hanggang sa matapos na rin.

Naisipan naming maglibot libot muna habang nagpapababa ng kinain namin. Naglakad na kami palabas ng cafeteria patungong school garden. May ilang estudyante kaming nakakasalubong at ‘yong ilan ay weirdong tumitingin sa gawi ko at nagbubulungan pa. Napatingin na lang ako sa kanila pero hindi na ako nagkomento. Ano naman kaya ‘yong bulungang ‘yon?

Napansin din ‘yon ng dalawang ugok at tumingin din sila sa akin. Pare-pareho kaming nagkibit balikat na lang.

Nasa may corner na kami ng hallway nang may mahagip ang pandinig ko.

“Oo nga, andoon nga sila sa garden ngayon eh. Ang sweet sweet nga nila,”

“Alam kaya ni Kuya Sandro ‘yon?”

Natigil ako sa paglalakad dahil doon. Napatingin sa akin ang dalawang estudyanteng nagbubulungan kanina at nanigas sila sa kinatatayuan nila. Bago pa ako makapagsalita ay mabilis silang tumakbo palayo. Hindi ko tuloy naitanong kung ano ‘yong alam ko.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now