Epilogue: HAPPINESS

7.9K 142 38
                                    

Epilogue: HAPPINESS

Like father, like son?

Click on the external link for Season 2 -->

EVER ENOUGH po ang title ng Season 2 :)

**

SANDRO

What is happiness?

For some, happiness might mean a good book and a cup of coffee; or a box of chocolates; or seeing your favorite band in person; or seeing your mother/father smiling; or seeing your crush smiling at you; or having good grades; or going to Disneyland; or endless shopping;

The list is endless. We can have our own meaning of happiness based on our interpretation of the word.

But if you're asking me, happiness simply means Leslie.

Happiness is hearing Leslie's voice; seeing her first thing in the morning with her hair sticking out in every direction; seeing her with her pajamas on; hearing her say my name; seeing her golden smile; tasting her pancakes;

Happiness is being with Leslie.

But I can't do that anymore. Ibinigay ko na siya kay Denver. She may be my happiness but sadly, I'm not hers.

Kung may isa man akong natutunan sa buhay ko ngayon, iyon ay ang tunay na kahulugan ng happiness. Akala ko dati, magiging masaya lang ako kapag nakilala ko na 'yong babaeng makakasama ko habambuhay. Akala ko ay magiging masaya lang ako kung naging kami. At nangyari 'yon diba? Naging kami noong happiness ko. But it was short-lived. Pinakawalan ko na rin ang happiness kong 'yon dahil akala ko'y hindi ko siya mapapasaya. Akala ko'y hindi ako nararapat sa kanya. That she deserved someone else. Someone better. Palagi namang ganoon diba? We always think that we're not good enough that's why when we decide to leave them, we give them to someone better. Para guilt-free. Para kahit iwan natin sila, alam naman nating mapapapunta sila sa mabubuting kamay.

I thought I did what's best for her. I was wrong.

Sabi nila, you made the right decision when your heart is at peace. Pero bakit nang pakawalan ko si Leslie ay bumigat ang pakiramdam ko? Bakit nanghinayang ako? Bakit nasaktan ako?

Was it really wrong letting her go?

Should I have listened to her explanations first?

Ngayon ko lang napag-isip isip na immature nga 'yong ginawa ko sa school garden last week. I shouldn't have attacked Denver just like that. Pinakinggan ko sana muna ang paliwanag ni Leslie. But there's no point for that now. Leslie loathes me. Diba nga ang sabi pa niya ay lumayas na raw ako sa pamamahay nila? I did that, of course. Nagtaka nga sina Tita Jen at Tito Gio nang madatnan nila akong nag-iimpake eh. Sinabi ko na lang sa kanilang lilipat na muna ako pansamantala sa mansion. Ayoko kasing sabihin ang totoong dahilan sa kanila dahil alam kong mabubugbog lang ako ni Tito Gio. Nangako ako sa kanilang hindi ko sasaktan si Leslie pero nasaktan ko pa rin siya. Wala talaga akong kwentang tao. Palagi ko na lang sinasaktan ang mga taong nagmamahal sa akin.

They begged me to stay pero sinabi ko sa kanilang kailangan ko 'tong gawin. Nagpasalamat na lang ako sa kanila sa lahat ng taong pag-aaruga nila sa akin at sa pagturing nila sa akin bilang anak na rin nila. Sinabi ko sa kanilang kailangan kong maging independent at ngayon na nga magsisimula iyon. Nagpaumanhin na lang ako sa kanila dahil naging biglaan itong desisyon ko. Hindi ko naman kasi inaasahang mag-aaway kami ng ganito ni Leslie, hindi ba?

Nakaalis ako ng bahay bago pa man dumating si Leslie. Gusto ko pa sana siyang masilayan sa huling pagkakataon ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong galit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero galit din ako sa kanya dahil sa nakita kong ginawa nila ni Denver sa school garden last week.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz