Chapter 32

8.2K 92 13
                                    

LESLIE

Okay. Just what the hell is going on here?”

Napatayo ako sa pagkakaupo ko at napatingin sa dalawang babaeng itinuturing ko ng ate—Ate Jamie and Ate Sam. Nandito kami ngayon sa cafeteria at himalang kumpleto kami. Idagdag mo pa si Ate Sam na nakakagulat na sumabay sa amin kahit na nandito si Kuya Charlie, ang kanyang pinakamamahal na kambal.

Kaninang bago mag-lunch ay nagkita kita pa muna kaming anim. Sinundo nila ako sa department namin at nagulat akong kabuntot na naman ni Kuya Charlie si Ate Sam. Okay lang naman. Natuwa pa nga ako eh. Kaya lang diba no'ng minsan, sabi ni Kuya Miguel, naasar na raw si Ate Sam sa school namin kaya hindi na raw siya babalik? Ayon.

Hindi namin kasabay si Ate Jamie papuntang cafeteria dahil may inoovertime siya. We were about to wait for her pero tumanggi na siya. Susunod na lang daw siya sa amin. So ang ending, si Kuya Charlie na lang ang nagtiyagang maghintay sa kanya. Aba, dapat lang 'no. Sino ba itong nanliligaw kay Ate Jamie, ako ba? Ako ba?

Nakaorder na kami at nakahanap na rin ng pwesto. Kuntodo reklamo naman si Ate Sam na kesyo ang cheap daw no'ng mga ulam and all. Napaisip na lang ako, hindi naman cheap ah. Mga lutong bahay lang 'yong style ng tinitinda dito sa cafeteria namin.

Napabuntong hininga ako. Mas lumala pa yata ang pagiging brat ni Ate Sam ngayon ah. Kasi noong high school pa lang naman siya, brat na talaga siya, pero tolerable naman. Unlike ngayon. Napatingin na lang ako sa mga lalaking kasama namin sa table at nakita kong umiling na lang sila sa mga sinasabi ni Ate Sam. Si Kuya Sandro naman, walang kibo. Nakatingin lang din siya sa kawalan. Parang wala siyang paki kung magdadaldal ba ng magdadaldal si Ate Sam sa table namin.

Gosh. Napagtitiyagaan ninyo itong mga ganitong luto? Ano bang klaseng sikmura meron kayo?” banat na naman ni Ate Sam.

This is the Philippines Shar, not the States. What do you expect?” natigil sa pagrereklamo si Ate Sam nang magsalita mula sa likod niya si Kuya Charlie. Napaangat na lang din ang tingin ko sa kanya. Nasa likod naman niya si Ate Jamie. I simply waved at her. She waved back.

Nilingon ni Ate Shar si Kuya Charlie. Nang makita niya ito ay tumaas na naman ang kilay niya.

Oh? It's you, my beloved brother.”

Hindi siya pinansin ni Kuya Charlie at umupo na sa bakanteng upuan. Sinundan lang naman siya ng tingin ng butihing kambal niya.

Bakit kaya hindi mo muna tikman Shar? Two years ka lang nawala, kung umasta ka, daig mo pa ang malansang isda,” panenermon naman ni Kuya Charlie kay Ate Sam. Ate Sam ignored it at imbes na makonsensiya, umirap pa siya ng husay. Nagkatinginan na lang ulit kaming lahat.

She continued that act until mapadako ang tingin niya sa bagong dating na si Ate Jamie. Nagkatinginan silang dalawa nang biglang ituro ni Ate Sam si Ate Jamie.

You bitch! What are you doing here?” singhal niya kay Ate Jamie. Natigil kami sa pagsubo noon at napatitig sa ngayon ay nagngingitngit na sa galit na si Ate Sam. Si Ate Jamie naman, nanatiling cool ang composure. Hindi man lang siya nabahala sa pagtawag ng bitch sa kanya ni Ate Sam.

Instead, Ate Jamie shrugged. “Eating my lunch, perhaps. What about you, whore?”

What's with the calling of names? Sobrang nagulat talaga ako kaya bigla naman akong napatayo. Napatitig sa akin ang mga kuya ko.

Okay. Just what the hell is going on here?” tanong ko habang nililipat lipat ang tingin ko sa dalawang babaeng itinuturing ko ng ate. Nagpapataasan ang dalawa.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now