Chapter 9

11.1K 134 10
                                    

LESLIE

The moment na natapos kong sulatan 'yong form ay tsaka ko lang naisip 'yong consequence ng naging desisyon ko.

Pak. So Monday ang audition ko. Ano naman ang ipang-au-audition ko kung sakali? Walanghiya. Padalos dalos kasi ako eh. Na-consume kasi ako noong galit ko noong nalaman kong parte ng play si Kuya Sandro. Hindi kasi matanggap ng sistema ko eh. Pasensiya na, ako talaga'y mapanibughuing nilalang.

Ah! Peste. Hayaan na nga. Monday pa naman 'yon. I still have a weekend para paghandaan ang piece na tutugtugin ko. Ang arte kasi, ang audition ay isang scene sa napili kong play tapos 'yong bonus pa doon ay tutugtog pa ng kahit isang instrumento raw. Required daw 'yon eh. Okay fine! Grrr. Parang ipinapamukha talaga sa aking hindi na dapat ako mag-audition dahil wala naman akong alam tugtuging instrumento.

Nauna na akong umuwi sa bahay hindi dahil bitter pa rin ako kay Kuya Sandro at Ate Jamie kundi dahil trip ko lang. Bad mood nga pati ako kaya wala na akong lakas para hintayin pa si Ate Jamie. Maiintindihan naman noon 'yon. Nagtext na lang ako kay Kuya Sandro na uuna na ako at pumayag naman siya. Sus. If I know, payag na payag lang talaga siya. Nakakabarino. Tss okay, I really do sound bitter here but no, I'm not. I'm just bitter of the fact that he got the place in that musical play! Super big deal talaga 'yon para sa akin. Buhay ko na kasi ang pag-arte.

Nagmeryenda na lang ako at umakyat na agad sa kwarto ko. I still have lots of homeworks to attend to. Plus, 'yong reporting pa nga namin. Nakakastress ang buhay ko. Talaga nga naman.

Nasa kasarapan ako nang pag-s-solve ng isang Math problem nang marinig kong bumukas 'yong pinto ng kwarto ko. Hindi uso ang katok katok sa kung sinumang pumasok sa loob ng kwarto ko.

Kung sinuman meaning si Kuya Sandro. Siya lang naman itong nakakapasok sa kwarto ko nang walang paalam eh. Diba nga, ginising pa niya ako kanina? Kahit naman pati i-lock ko 'yon ay mabubuksan pa rin niya. 'Yon pa, miyembro ng akyat bahay gang 'yon eh. Hindi joke lang, may spare key kasi siya.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko dito sa study table ko. Hindi ko siya pinansin dahil busy nga ako sa pagsasagot nitong pesteng Math problem na ito. Isang step na lang at makukuha ko na 'yong final answer.

“Anong naisipan mo't nag-audition ka?” Walang intro introng tanong niya sa akin. Oh diba? Ganyan 'yan eh. Hindi uso ang pasakalye sa kanya, kapag may kailangan siya, straight to the point na sasabihin niya 'yon sa'yo. Gaya ngayon.

Napatigil ako sa pagsosolve ko dahil sa tinanong niya. Hindi ko inaasahan eh. Hindi naman sa tinatago ko sa kanyang mag-au-audition ako pero balak ko lang sana siyang sorpresahin. 'Yong tipong bigla na lang akong bubulaga sa harap niya sa Music Hall at dahil shocked pa rin siya at hindi pa nakakabawi sa gulat niya ay wala na siyang ibang magagawa kundi ang ipasok ako sa play. Oh diba bongga? Hindi naman sa wala akong bilib sa kakayahan ko pero medyo tagilid talaga ako. Lalo't music na ang pinag-uusapan dito.

Hinarap ko siya at poker-faced na tinitigan lang siya.

“Mag-au-audition. Be careful of your tenses kuya,” sagot ko sa tanong niya. In-emphasize ko pa 'yong “mag” para maintindihan niya. Loko kasi eh, sabihan ba akong nag-audition eh mag-au-audition pa nga lang ako. Atat much si Kuya Sandro? Ibinalik ko naman ang atensyon ko sa problem na sinosolve ko. I heard him sigh afterwards.

“Nevermind. Bakit ka nga mag-au-audition?”

Ang kulit ng lahi ni Kuya Sandro. Ano naman kung mag-au-audition ako? Eh sa gusto ko eh. Bakit? Hindi na ba ako pwedeng mag-audition ngayon? Nakakainis ha. Ang dami niyang tanong. Daig pa niya si mommy kung mag-interrogate. And hello? Ayokong siya lang itong parte ng play na 'yon 'no! Gusto ko ako rin! Para mabantayan ko siya if ever.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now