Chapter 25

8.8K 100 9
                                    

SANDRO

Ilang araw na ba akong iniiwasan ni Leslie? One? Two? A week? Two weeks, perhaps? Ewan. Hindi ko na matandaan eh. Basta ang alam ko, ilang linggo na akong malungkot dahil pakiramdam ko, unti unti nang nag-i-slip away from me ang mga taong mahahalaga sa akin. Ang mga taong tanging karamay ko sa mundo matapos akong maging ulila sa mundong ito.

Pakiramdam ko, naiwan ulit ako. Katulad noong twelve years old ako. Ganoong ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Only, this time, mas matindi. At least sina dad, alam kong andiyan lang at nagmamasid sa akin mula sa kung saan mang lupalop sila naroon. Pero ang mga tao sa paligid ko? Andito lang sila, so close yet so far dahil alam kong kahit andito lang sila sa paligid ko ay hindi ko maramdaman ang presensiya nila. I'm really alone in this world.

I should be happy, right? Kasi at least ngayon naiparamdam ko na sa kanya itong pagmamahal na pilit kong itinatago sa sarili ko. I should be more happy to know that she feels the same way for me. Pero bakit hindi ko magawang maging lubusang masaya? Simple. Dahil alam kong mali. Dahil alam kong maraming naaapektuhan. Dahil alam kong kasalanan 'to.

They're probably thinking how crazy I am to fall in love with my cousin. Well maybe I am. Ni hindi ko magawang isipin kung ano ba ang tama sa mali. Pakiramdam ko, with Jamie, everything is right kahit na obvious na obvious na kabaligtaran noon ang talaga.

Kung andito siguro sina mom and dad ngayon, ano kayang sasabihin nila sa akin? Would dad beat the shit out of me o iintindihin ako ni mom? I wouldn't fall for Ate Jamie in the first place siguro kung nangyari 'yon.

Things would've been so much better if they're still alive. Too bad they're already six feet under.

I didn't bother waking up early this time dahil wala naman na akong ihahatid sa school. Leslie found a new bodyguard sa katauhan ni Denver. Why is that a part of me gets irritated at that thought? I should be happy for them, too, right? Pero bakit ayokong maging masaya sa kanilang dalawa?

Kasi unfair... sila masaya tapos ako ano? Nagdurusa? No way, man!

Alas siyete na ako gumising and was expecting to find only Tita Jen in the kitchen. 'Yon pala, ako pa 'yong masosorpresa dahil kumakain pa lang si Leslie. Our gaze locked for a few seconds bago niya iniwas ang tingin sa akin. Just like the first time na sinabi niyang ihahatid na siya ni Denver sa school from then on. I get it. Hindi na niya kailangang ipamukha sa akin. Ayaw niya akong makasama o makalapit man lang. Daig ko pa ang ketongin nito eh.

Umupo na ako sa usual seat ko sa tapat niya and was expecting her to hop in her seat and put her half-eaten food on the sink but she never did. Instead, she remained on her seat, gaze fixed on her food. I guess, medyo immune na siya sa presence ko at hindi na niya kailangang umiwas iwas pa parati. I shrugged and ate in silence.

Halos sabay pa kaming tumayo para impisin ang kinainan namin. Pinabayaan ko na at basta na lang ipinatong sa sink 'yong plato ko. Pagkatapos no'n ay dire-diretso na akong umakyat sa kwarto ko para maligo. I really took my time bathing and I didn't mind kung ma-late ba ako for school today. Wala naman akong ibang aalalahanin kundi ang sarili ko lang eh. Matapos ang hindi ko na inorasan kung ilang sandali, bihis na ako at handa na sa school. I grabbed my car keys sa study table ko, pati 'yong bag ko and headed downstairs. Natigil ako sa pagbaba when I saw Leslie na prenteng nakaupo sa couch. Hindi ba papasok ang bubwit na ito? Pero bihis na siya at nakaupo katabi niya sa couch 'yong nagmamagandang bag niya.

When she felt my presence, tumingin siya sa direksyon ko. Unable to say anything, tumango na lang ako sa kanya at hinanap si Tita Jen para makapagpaalam. Nang nasa may front door na ako, hindi ako nakatiis, hinarap ko siya.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now