Chapter 15

10.4K 118 30
                                    

LESLIE

Sige na Miss Ortega, you may go now. See you next week for the rehearsals.” pagtataboy sa akin ni Miss Ong. Tuluyan na siyang tumalikod sa akin habang ako'y naiwang tulala sa gitna ng Music Hall.

Hindi pa rin kasi nagsisink in sa utak ko ang mga pangyayari eh. Artista nga talaga ako, ang OA ko eh. Para namang big deal na nakasali ako sa play eh magaling naman talaga akong umarte. Tss. But seriously speaking, big deal ito sa akin dahil ngayon ko lang napagtantong ang galing galing ko nga talaga. Kasi, p-in-rioritize nila ako. Kung tutuusin, pwede naman silang pumili doon sa mga nag-audition pero bakit ako pa 'yong napili ni Ma'am? Eh nagback out pa nga ako sa audition ko diba? Naging duwag pa nga ako dahil lang kay Ate Jamie.

Wala sa sariling humakbang na lang ako palabas ng Music Hall. Ewan ko nga kung paano ko 'yon nagawa eh. Lutang naman ang isip ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat pa ako dahil nabungaran ko pa ang imahe ng dalawang taong nakangisi. Napaatras tuloy ako ng wala sa oras. Lalo namang ngumisi 'yong dalawang impakta sa harapan ko.

Ang tagal mo naman bubwit. Ano pa bang ginawa mo sa loob?” Tanong sa akin ni Kuya Sandro. Yep. Si Kuya Sandro at Ate Jamie nga ang nabungaran ko sa labas ng Music Hall. Mukhang ligayang ligaya pa nga silang dalawa eh. Edi sila na nga!

Wala ka na doon. Ano pang ginagawa ninyo dito Ate Jamie?” sinadya kong ibaling 'yong tanong ko kay Ate Jamie para asarin si Kuya Sandro. Ayon, effective naman. Nakita kong nanghaba 'yong nguso niya eh. Muntanga siya. Hindi ko tuloy napigilan ang pagngisi ko. Sa pagsisikap kong itago ang pagtawa ko, lalo tuloy akong nabuko. Ano ba 'to.

Hinintay ka namin,” Si Ate Jamie 'yong tinanong ko pero siya pa rin ang sumagot. Wala eh. Epal talaga 'tong si Kuya Sandro kahit kailan. Gusto ko ngang isiping nagpapapansin lang talaga siya sa akin eh. Pero asa pa ako.

Bakit?”Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila. Duh? Sa Arts and Sciences pa ako, sa kabilang dulo 'yon ng daigdig. 'Yong department naman nila ay sa kabilang parte pa rin. Kumbaga, parang North and South pole ang departments namin. Tuwing umaga lang naman nila ako hinahatid kasi sabay-sabay naman kami pero 'pag in between periods, kaya ko namang mag-isa.

Hindi nila ako sinagot dahil hinila na lang ako basta ni Kuya Sandro. Mukhang aburido na siya kaya nagpatangay na lang ako. Binitbit na naman niya 'yong bag namin ni Ate Jamie. Uto uto talaga as ever ang Sandrong ito.

Habang naglalandas kami patungo sa department ko, hinarap naman ako ni Ate Jamie na all smiles pa. Nakakahawa 'tong babaeng 'to eh kaya napangiti na lang din ako automatic. Parang sira.

Congrats nga pala Leslie! Yee. Ikaw na! Kahit hindi nag-audition eh nakapasok pa rin. Iba na talaga ang may talent,” bakas sa tono ng boses niyang inaasar niya ako. Ngumiti na lang ako ulit sa kanya. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Iba na talaga ang may talent? Wow. Nahiya naman ako sa talent niya.

Ako, kailangan ko pang mag-audition para makapasok lang. Well, ganoon naman talaga 'yon diba? Sorry, medyo bano lang ako. First time ko kasing sasali sa isang musical play eh,” patuloy pa rin niya sa pagsasalita. Nakikinig lang kami parehas ni Kuya Sandro. Ang pagkakaiba lang namin, ako, nakatingin sa kung saan habang siya, titig na titig naman sa mukha ni Ate Jamie habang nagkukwento ang huli. I wonder kung napapansin ba 'yon ni Ate Jamie or what. Parang deadma lang kasi siya eh. Aba dapat lang 'no. Magpinsan kaya sila. Alangan namang mag-isip ng kung ano si Ate Jamie. Pero anong malay ko, diba?

Halata ngang first time pa lang ni Ate Jamie. Sobrang excited kasi siya noong nalaman niyang siya 'yong lead role eh. Which leads me to a question, kung siya ang lead role... Ano palang role ko?

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now