Chapter 10

10.8K 135 26
                                    

LESLIE

Maaga akong pumasok ngayon sa school. Friday na, ibig sabihin, dalawang araw ko nang iniiwasan si Kuya Sandro. Ang hirap nga eh, kasi sa iisang bubong lang naman kami nakatira. Kailangan kong gumising ng sobrang aga para hindi niya ako maabutan sa bahay. Sa school naman, nagdadala na lang ako ng lunch ko at imbes na sa cafeteria kumain ay humahanap na lang ako ng tahimik na lugar na pwedeng pagkainan. Nakaya ko naman. Pero alam kong hindi ko naman habambuhay na mapagtataguan si Kuya Sandro, alam kong magkakaharap at magkakaharap din kami. Pero sinisigurado kong kapag nakapag-usap na kami ay alam ko na ang mga sasabihin ko. Hindi pa kasi ako handa ngayon eh. Baka sa Monday ay harapin ko na siya. Nag-iipon pa kasi ako ng lakas ng loob. At siyempre, ng maganda at effective na excuse na rin.

Ilang beses na niya akong kinatok sa kwarto ko pero never ko siyang pinagbuksan. Kahit may spare key siya ay wala rin iyong nagawa dahil sa loob ko na nilock 'yong pinto. Aaminin ko, namimiss ko na si Kuya Sandro. Pero wala eh. Baka kasi magkabistuhan agad kung haharapin ko siya ngayon. Mahirap na.

Alam ko naman kasing alam niyang may mas malalim na dahilan kung bakit nagback out ako sa pag-au-audition ko. 'Yon pa. Mas kilala pa niya ako kesa sa sarili niya.

Malalim nga ba 'yong dahilan ko o mababaw?

Mababaw.

Dahil nainsecure lang talaga ako kay Ate Jamie noon. I felt threatened eh. Nahanap ko na kasi ang greatest opponent ko. Akala ko, ako na 'yong pinakamagaling. 'Yon pala, meron pang mas magaling sa akin. Oo, mas magaling pa rin naman akong umarte kesa kay ate pero hindi mo maipagkakailang mas angat pa rin siya sa akin sa mas maraming bagay. Lalo na pagdating sa pagtugtog ng instrumento at pagkanta.

Mas maganda siya, mas maputi, mas mature, mas matalino(?), basta...

Aish. Ano ba ito! Tama bang ganito ang nararamdaman ko towards Ate Jamie? Siyempre hindi. Alam kong mali 'tong inaasal ko. Wala namang ginagawang masama sa akin 'yong tao. Kung ano pa man, mabait pa nga siya sa akin eh. Itinuturing pa nga niya akong younger sister. Aminado ako, hindi na kami masyadong nakakapagbonding dahil nga sa pag-iwas ko sa kanya. Namimiss ko na rin 'yong pag-s-shopping namin eh. Nagkakasundo kasi kami sa halos lahat ng bagay. Binibigyan pa niya ako ng fashion tips at masaya lang talaga siyang kasama.

Nakakamiss 'yong panlilibre niya sa akin. Pati 'yong pantotolerate niya ng pagkain ko ng sweets. Lalo na ng ice cream. Pinagbabawalan kasi ako ng ganoon sa bahay eh. Nakakataba raw kasi. Nagdadalaga na raw ako kaya dapat daw na conscious na ako sa figure ko. May baby fats pa raw kasi ako eh. Ewan ko ba sa kanila. Ang sarap kaya ng ice cream! Ano naman kung may baby fats ako? Hindi naman ako mataba eh. Ipagpapalit ko pa ba ang favorite ko para lang maging sexy ako? Sus. Di na ano.

Although isa pa sa nakakainsecure tungkol kay Ate Jamie ay 'yong figure niya. Kasi mas matakaw pa talaga siya sa akin pero ang payat payat pa rin niya. I mean, slim. Sexy. Ganoon. Hindi ko alam kung saan niya sinisiksik lahat ng kinakain niya. Mabilis lang talaga ng sobra ang metabolism niya. Abnormal.

Corny pero ang dami pala talagang kainsecure insecure na bagay tungkol kay Ate Jamie ano? At ngayon ko nga lang 'yun lahat napansin. Simula nang... alam ninyo na.

Ganito ba talaga kapag naiinlove? Lahat na lang ng babaeng mapapansin noong taong mahal mo ay kinaiinsecuran mo na? Ganoon kasi ang nararamdaman ko ngayon eh. Feeling ko pag-aari ko si Kuya Sandro when in truth, hindi naman. Feeler lang talaga siguro ako masyado.

Nagising ako sa pagkatulala ko nang may mabunggo ako. Sheesh. Nakakahiya ako. Nasa gitna ako ng hallway tapos tulala pa ako. May mabubunggo talaga ako. Buti na lang at hindi professor ang nabunggo ko, kundi lagot ako.

Hinawakan ako sa magkabilang balikat noong nakabunggo sa akin.

“Les, okay ka lang?” napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang concern sa mga mata niya. Tipid na nginitian ko lang siya.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora