CRAPS

3.6K 56 15
                                    

Hi, Cute Readers who Appreciate this Story! :D 

Nais kong ipaabot sa inyo ang taos puso kong pasasalamat dahil umabot kayo hanggang dito sa Thank You note ko sa inyong lahat. Kung old readers ko na kayo, malalaman n’yong CRAPS talaga ang title ng Thank You note ko. At hindi lang ‘to basta Thank You note dahil kadalasan ay may announcement akong ibinibigay. Kagaya ngayon, may announcement na naman ako. Actually, nasabi ko na ‘to sa dalawa kong readers dito na friends ko na rin sa Facebook (ataters kasi sila e). Gusto ko na rin talaga ‘tong sabihin sa status/message board ko noong minsan kaso pinigilan ko ang sarili ko. Wala na kasing sense ‘tong Thank You note kung ganoon. At tsaka diba? Para mas may thrill ang epilogue. Hahaha.

Ngunit bago ko sabihin ang aking several announcements, oo, several. Marami kasi eh. Nais ko munang magpasalamat sa inyong lahat. Natutuwa ako dahil ‘yong iba kong readers from Twisted Marriage ay patuloy pa ring nagbabasa nitong baluktot na kwento ng anak ng baluktot na mag-asawa. Patuloy n’yo pa rin akong sinusuportahan. Kahit hindi kayo nag-c-comment ay nagpapasalamat pa rin ako dahil nag-v-vote naman kayo. Haha. Naipararamdam n’yo pa rin ang presensiya n’yo sa akin and with that, sobrang nagpapasalamat talaga ako. Baka hindi n’yo pa alam, tanda ko kayong lahat! Pero kung nagbago kayo ng username, ay siya, limot ko na kayo siyempre. Tanda ko lang naman ‘yong mga username n’yo noong panahon ng Twisted Marriage eh. Nakakakilig lang kapag may notification ako from you guys tapos sinusuportahan n’yo pa rin ‘tong Twisted Happiness. Maraming thank you talaga.

Pero siyempre, hindi lang naman ako nagpapasalamat sa old readers ko. Feeling ko naman ay may new readers din ako dito sa Twisted Happiness, pero hindi rin ako sure. Kasi alam ko namang kaya n’yo ‘to binabasa ngayon ay dahil nabanggit kong ito ang sequel ng Twisted Marriage. Hahaha!

Pero nonetheless, to all my new readers out there, maraming salamat din kasi umabot kayo dito sa puntong ito. Mahigit isang taon ang nilakbay ng kwentong ito at sobrang laki ng pasasalamat ko at matatapos na rin siya sa wakas! Makakamove on na ako sa mga bago kong storya! Promise, magiging madalas na talaga ang pag-update ko matapos ito. Promise talaga ‘yan.

Okay, dahil wala na akong masyadong masabi, let’s now proceed to my several announcements. Kapit na tayo mga CRAPS! Heto na… Heto na… Heto na… Ahhhhhhhh!

First, TWISTED HAPPINESS WILL HAVE ITS SEASON TWO. Craps, ‘wag muna kayong magtanong kung bakit may Season 2. Sa epilogue ko na lang siya i-e-expound, okay?

Second, I’LL FINISH TWISTED PAST NEXT. So ibig sabihin, may Season 2 ang Twisted Happiness pero mas priority ko ang pagtapos sa Twisted Past kasi last year pa rin ang kwentong ‘yon. Ayokong abutin ng two years in the making ang kwento ni Raymer at Phoebe, lol.

Third, MAY MAMAMATAY, MAY DARATING, MAY MANUNUMBALIK SA EPILOGUE NG TH. Hahaha. Joke lang!

Fourth, narito na po ang final list ng mga storya sa TWISTED CHRONICLES:

TWISTED CHRONICLES FIRST GENERATION:

Twisted Marriage – Ace and Cassandra’s Story

*Twisted Past – Cassandra, Raymer, and Phoebe’s Story

**Twisted Secrets – Jennifer and Gio’s Story (Oo, binago ko siya. Di kasi appealing ‘yong The Mask at Mahal Kita ‘Te eh, lol)

TWISTED CHRONICLES SECOND GENERATION:

Twisted Happiness Season 1 – Sandro’s Story

*Twisted Happiness Season 2 – Sandro and Leslie’s Story

**Twisted Hearts – Denver and Ashley’s Story

**Life’s Twists and Turns – Charlie and Jamie’s Story

* - Ongoing

** - Coming Soon

Subject to change pa rin ang title ng mga coming soon story hanggang hindi ko pa siya napopost dito sa Wattpad. Keep on supporting my twisted mind and hope to see you in the epilogue and the season 2 and in the coming stories! Lol. I love you all CRAPS! <3

PS, wait tomorrow or the following days. Ipopost ko na ang epilogue ng season 1. Ciao!

Z, The Twisted Writer

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon