Chapter 29

8.8K 112 8
                                    

CHARLIE

Natapos na at lahat ang lunch namin ni Jamie pero hindi pa rin niya sinasagot 'yong tanong ko. Is it that hard answering? Yes or No lang naman ah. I promise not to get hurt kapag no ang sinagot niya. Okay, I'm lying but I promise not to show her that I'll get hurt if her answer would be no. At kung no man ang maging sagot niya, wala akong paki. I would still court her. Tigas ng bungo ko ano?

This is my chance. My only chance. You think I'll just blow it off? Of course not.

Lalo pa ngayong graduating na siya. I heard from Leslie that after graduation, Jamie will be flying back to US. Ang saklap diba? Iiwan niya akong hindi ko man lang naiparamdam sa kanyang mahal ko siya. Gusto kong sumubok. After this semester, may isang buong semester pa akong gugugulin para maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. It's okay if she won't reciprocate it but it will be better if she will. Ayokong maunahan. Sure, walang umaaligid sa kanya ngayon but who knows? Sa susunod na semester ay may magparamdam na rin sa kanya? Hindi 'yon pwede.

Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan patungong Music Hall. Wala na kaming klase kaya magpapakalat kalat lang ulit kami nina Denver at Miguel sa loob ng Music Hall. Okay lang naman 'yon kay Miss Ong. Hindi naman niya alintana. Isa pa, hindi naman namin iniistorbo ang rehearsal. Nakikipanood lang kami at pagkatapos, tsaka lang kami manlalait. Kay Sandro lang naman na wala talagang muwang sa pag-arte. Natatawa na nga lang kaming tatlo sa t'wing may sweet moments dapat eh. Simpleng simple, hindi niya magawa ng tama. Wala na talagang pag-asa ang lalaking 'yon. Tama ng magmusika na lang siya habambuhay. At least 'yon nagagawa niya ng tama.

Nasa tapat na kami ng pinto ng Music Hall ngunit imbes na pumasok na ay huminto pa si Jamie at humarap sa akin. Napaatras naman ako sa sudden contact naming dalawa. Agad agad na nagrambulan ang mga daga sa loob ko. Naka naman 'to oh.

Tipid na ngumiti si Jamie sa akin. Naramdaman siguro niya kung gaano kalakas ang epekto niya sa akin. Walanghiya.

Um... thanks for the lunch Charlie,” nahihiyang sambit niya. Tumango lang ako at tumango rin siya. Tinalikuran na niya ako at nagdiretso papasok. Bago ko pa siya masundan sa loob ay nakarinig pa ako ng pagtawag mula sa hallway.

Charlie baby!” boses iyon ng isang lalaki. Paglingon ko, walanghiya. Si Denver ang tumatawag sa akin. Kabuntot na niya si Leslie at Sandro.

Lul. Charlie baby ka diyan. Si Miguel?” pagpuna ko sa nawawala. Tumawa naman si Denver sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

Talaga namang. Mas hinanap mo pa 'yong hindi mo kadugo eh? Tinawagan noong girlfriend niya. Ayon, sumama naman si Shar sa kanya. It turned out na kilala pala noong girlfriend ni Miguel si Shar. Wow, your twinsis is quite popular, huh,” at talagang sinuntok pa ni Denver ang braso ko. Anong mabuti ang maidudulot sa akin ng kasikatan ng butihing kambal ko? Wala.

Yeah, right,” sagot ko while rolling my eyes. Tumawa na naman si Denver sa akin.

Ang bakla mo p’re. Ganyan ba kapag may kikay na kambal?”

Tigilan mo ako Dember!” sabi ko na lang at tsaka bumaling kay Sandro na kanina pa walang imik. Mukhang nasa malalim na pag-iisip din siya dahil napansin ko ang paglipad ng isip niya sa kung saan. Gawain ko rin 'yon eh kaya alam ko. I'm guessing it has something to do with my twinsis' appearance. Nagulat siguro siya. Actually, halos lahat naman sila ay nagulat eh. Pero ibang pagkagulat 'yong kay Sandro. Parang pagkagulat na hindi siya natuwang nagbalik na 'yong twinsis ko.

Twinsis. Gago, ang bakla noong tunog.

Are you okay Sandro?” tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin, startled. Kitams? Lumilipad talaga ang isip nito. Kung hindi ko pa siya tinanong ay baka dinala na siya sa kung saan ng isip niya.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now