Chapter 8

11.3K 130 6
                                    

LESLIE

Naramdaman kong may kumikiliti sa binti ko. Pinipigilan ko lang ang mapangiti dahil antok na antok pa rin ako. Kapag kasi ngumiti ako ay diretso gising na rin ako.

Hindi pa rin tumitinag ang kung anumang kumikiliti sa binti ko. Inisip ko na lang na pinasok ako ng mga langgam dito sa kwarto ko dahil sa sobrang sweetness ko. Okay, anong connect noon? Anyway, umakyat hanggang sa hita ko 'yong kiliti hanggang sa nag-stop iyon di kalayuan sa singit ko. Oh my! Kakagatin pa yata ng mga langgam ang singit ko! Pambihirang buhay 'to oh.

Pero nadismaya naman ako nang tumigil sa pagkiliti sa akin 'yong mga langgam. Leche! Sinimulan na nga nila hindi pa nila tapusin! Pinasabik lang nila ako eh!

Bumalik na lang ako sa pagtulog ko nang matapos ang ilang minuto ay wala pa ring nangyayari. Ngunit nagulat naman ako ng biglang may tumusok sa tagiliran ko.

Pakshet! 'Wag diyan! May kiliti ako diyan eh!

Nasundan ang pagtusok sa tagiliran ko ng ilang pagtusok pang muli. Shit. Napapakislot na lang ako sa sobrang kiliti eh. Hindi ko na kaya, nagmulat na ako ng mata ko.

“Pakshet! Ano 'y–” natigil ako sa pagsasalita ko when I came face to face with the guy of my dreams. Ang lalaking kinababaliwan ko at ang lalaking mahal na mahal ko.

Ngiting ngiting tinitigan niya lang ako.

“Anong ginagawa mo dito ha  Kuya Sandro?” namumula sa galit na tanong ko sa kanya. No, scratch that. Namumula sa hiya palang tanong ko sa kanya. Bwisit 'to oh! Ibig sabihin hindi pala mga langgam 'yong gumagapang sa binti ko up to my thighs? Fingers pala niya? Leche! Nakakahiya! Eh sarap na sarap pa ako doon sa kiliting dulot ng mga daliri niya eh! Kulang na lang eh umungol ako. Buti na lang pala at hindi ako umungol.

At hala, anong ungol ang pinagsasabi ko? Leche! Ke bata bata ko pa kung ano anong kalandian na ang naiisip ko. Pesteng buhay naman 'to oh.

Eh leche kasi si Kuya Sandro eh. Bakit ba kasi ginawa pa niya 'yon? Nakakawala siya ng ulirat, akala ba niya.

Sa inis ko ay ngumisi lang ulit siya. Inirapan ko lang siya.

“Bumangon ka na. Malamig na 'yong breakfast mo sa baba,” sabi niya matapos niya akong ngisian at tawanan.

“Ang aga aga pa eh! Bwisit ka, alam mo 'yon?” pagdadabog ko pa. Humiga na lang ulit ako at nagtalukbong noong kumot ko. 5 minutes na lang talaga at babangon na ako. Ang sarap sarap pang matulog oh. Umulan kasi kagabi. Ang lamig lamig tuloy. Tapos on pa 'yong air conditioner ko sa kwarto ko. Oh diba? Pantanga lang. Mas masarap kasing matulog kapag ganoon.

Tinanggal naman niya ang talukbong ng kumot ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakasideview kasi ako sa kanya. Bigla akong nanigas sa ginawa niyang 'yon. Peste, ang malisyosa ko naman.

Inginuso niya 'yong alarm clock ko. Ang kcute ng nguso niya. Parang ang sarap halikan. Ma-try nga. Minsan. Uy, joke ko lang ‘yon.

“Tingnan mo nga 'tong oras sa alarm clock mo at tsaka mo sabihin sa aking maaga pa.”

Sinunod ko naman siya at tiningala 'yong alarm clock ko sa bedside table ko at nanlaki ang mga mata ko. Automatic na napabangon naman ako sa kama dahilan upang magtama ang aming mga noo. Sa sobrang lakas noong impact ay pakiramdam ko'y makakalog na 'yong utak ko. Siyet. Napasapo naman ako sa noo ko. Ang sakit.

“Aw,” impit na sigaw ko.

“Langya Leslie. Magsabi ka naman kung babangon ka na. Hindi itong ginugulat mo ako,” reklamo niya. Aba ha! At ako pa nga ang may kasalanan? Kawasa siya, lapit siya ng lapit sa akin eh. Ayan, napapala.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin