Chapter 21

9K 113 9
                                    

SANDRO

How can something so wrong feel so right all along? Catch me, I'm falling for you. How can time be so wrong for love to come along? Catch me, I'm falling for you..."

Umagang umaga, nambubulahaw na naman si Leslie sa sangkatauhan. Umiling na lang ako habang bumababa ng hagdan. Bihis na ako at papunta ng school. Nang makita ko si Leslie sa sala ay napatitig ako sa kanya. Kuntodo emote na naman siya sa pagkanta niya. Oblivious na naman siya sa pangyayari sa paligid niya.

Napangisi ako. 'Bah. Mukhang tinamaan na talaga ang bubwit na ito. At parang alam ko na kung kanino.

Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. Napatigil siya sa pagbirit at napamulat ng mata. Nakapikit pa kasi siya kanina. Loko.

K-Kuya Sandro. M-morning,” Ba't bigla siyang natigilan nang makita niya ako? At tsaka ba't siya nautal? Nakakahalata na talaga ako sa bubwit na ito eh.

Mukhang in love na ang bubwit. Namumula na oh,” panloloko ko pa sa kanya. Automatic namang namula ang tenga niya senyales na nagagalit na naman siya. Ang init ng dugo ng bubwit na ito sa akin. Hindi ko naman siya inaano eh. Well, niloloko ko pala siya. Pero loko nga lang 'yon eh. Masyadong high blood ang isang 'to.

Tse! Umagang umaga, nambubwisit ka na naman!” singhal niya sa akin.

Tse! Umagang umaga, nambububwit ka na naman!” panggagaya ko sa boses niya pero iniba ko 'yong salita. Imbes na nambubwisit ay nambububwit ang sinabi ko. Siyempre, bubwit siya eh.

Problema mo Sandro?” natigilan ako sa sinabi niya. Galit na talaga siya. Pero bakit?

Ah, so Sandro na lang ngayon. Wala kang galang bubwit. Teka nga, diba dapat ikaw 'tong tinatanong ko ng ganyan? Anong problema mo Ate Leslie? Hindi na kita mabiro these past few days.”

Totoo naman eh. Bukod sa bihira ko na nga siyang makasabay kumain sa school, palagi pa siyang galit sa akin sa tuwing lalapit ako sa kanya. 'Yong totoo? Araw-araw na lang na PMS ang bubwit na ito?

Natigilan siya sa sinabi ko. Sapol siya eh. Hindi na talaga uubra sa akin ang pagkabrat niya. Matanda na siya, hindi na dapat siya isip at kilos bata.

Sorry Kuya. Nakakainis ka lang eh! Alam ko namang lalaitin mo na naman ako sa pagkanta ko,” nakangusong sagot niya. Leche. Nawawala ang pagkabadtrip ko sa kanya kapag ginagawa niya 'yon eh. Ang cute niya lang kasi talaga.

Wala akong sinabi. Tsaka improving na kaya ang boses mo. Seryoso ako.” Totoo. Hindi ako nagbibiro. Improving talaga ang boses niya. Pero hindi ibig sabihin no'n na masarap na sa pandinig ang boses niya. Tolerable naman pero 'yon lang 'yon.

Teka nga, bakit hindi ka pa nakabihis? Ma-l-late na naman tayo niyan eh!” puna ko sa kanya pagkaraan. Paano, mag-s-seven na, nakapantulog pa rin ang isang 'to. 7:30 ang first class namin pareho. Kailangan kong pumasok sa school ngayon kahit excused na kami because of the play dahil may quiz kami ngayon. Mahalaga pa rin naman 'yon 'no.

Di ako papasok,” tipid na sagot niya.

WHAT? Eh may practice tayo sa play mamaya ah!” Letsugas na bubwit ito. Ngayon lang ito tinamad pumasok eh. Ang pagkakakilala ko talaga dito ay model student. Matalino na, masipag pang pumasok. Nakakapagtaka, bakit siya a-absent ngayon?

Yari ako kay Tita at Tito nito eh,” dagdag ko pa. Baka kasi makonsensiya ang bubwit na ito at maisipan pang pumasok.

Kalma lang 'te!” sabi niya sa outburst ko. Walanghiya, anong 'te? Gagawin pa akong bakla ng bubwit na 'to eh.

Pwede bang um-absent lang ako sa class ko ngayong umaga pero papasok naman ako sa hapon for the play? Nakakahiya naman kasi sa'yo. Eh konti lang naman 'yong scenes ko sa whole play.” pagpapaliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag no'n. Akala ko talaga tuluyan na siyang a-absent eh.

Pinitik ko lang ang ilong niya.

Sige, see you later bubwit. Papasok na ako,” pagpapaalam ko sa kanya.

“’Ge,” tamad na sagot niya at binuhay ulit 'yong stereo. Habang papalapit ako sa kotse ko, naririnig ko pa ang boses niya. Umiling na lang ako.

How can something so wrong feel so right all along? Catch me...”

Bago ko tuluyang buksan ang pinto sa kotse ko ay natigilan pa ako nang marinig ko ang lyrics ng kinakanta niya.

How can something so wrong feel so right all along?

Bakit bigla kong naisip si Ate Jamie because of the lyrics?

**

Tinapik ako ni Denver nang naglalakad na kami sa corridor. Nilingon ko lang siya. Tapos na 'yong quiz namin sa first subject at papunta na kami sa next subject namin.

Musta?” tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa tanong niyang 'yon.

Bahagya siyang ngumiti. “Wala. Si Leslie, kumusta?” paglilinaw niya sa sinabi niya. Napangiti naman ako sa kanya pagkatapos at tsaka bahagyang sinuntok ang balikat niya.

Ayon, mukhang in love na in love na sa kumpadre ko,” sagot ko. Tumingin ako sa kanya at natigilan siya sa paglalakad. Nakakunot pa ang noo niya. Natatawa tuloy ako sa hitsura niya. Mukha siyang batang lokong walang alam sa buhay.

Gago! Ikaw 'yong tinutukoy ko,” natatawang sabi ko sa kanya at iniwan na siyang nakatayo lang do'n sa gitna. Nakarinig naman ako ng pagsigaw pagkatapos.

HOY! ANONG GAGO 'YAN HA?” paglingon ko, sina Charlie at Miguel lang pala. Lumapit sila kay Denver na pinanindigan ang pagtayo sa gitna ng corridor.

Tinatayo tayo ninyo pa riyan? Tara na, ma-late pa tayo sa next class natin eh. Terror pa mandin si Sir,” pag-aaya ko sa kanila. Sumunod na lang sila sa akin pagkatapos.

**

            Matapos ang uneventful morning ko, nag-lunch na lang kami ng tatlong musketero sa cafeteria. Matapos din 'yon ay dumiretso na kaming lahat sa Music Hall. Wala na naman kaming klase kaya libreng libre ang tatlong musketerong panoorin at laitin ang rehearsal namin.

            Medyo intimate ang scene na papraktisin namin ngayon at medyo kinakabahan na talaga ako.

I knew what I was supposed to do then. I should've kissed her full on her mouth. Pero dahil alam ng lahat na magpinsan kami kaya sa cheeks ko na lang siya hahalikan. ‘Yon ang utos sa akin ni Miss Ong. Ang sagwa nga naman kung hahalikan ko sa labi niya si Jamie diba? Paniguradong magkakagulo ang lahat kapag ginawa ko ‘yon. Kaya dapat na sa cheeks ko lang siya hahalikan.

But since I am Ace Sandro Salvacion, I did otherwise.

Tumitig ako sa mukha ni Jamie. Sobrang tagal because I'm still contemplating on what to do. What if I do it? Ano kayang magiging reaksyon niya? What if I don't? Manghihinayang naman ako. This is what I like kaya dapat lang na ito ang gawin ko.

Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

In just a matter of seconds, I felt my lips on her lips. I felt her stiffen. Damn. Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan si Jamie. So... fulfilling. I didn't feel anything bad or wrong while my lips are on her lips. I just felt pure bliss.

Nang matigilan siya ay naramdaman ko namang lumambot siya. Nagulat na lang ako ng maramdaman kong gumalaw ang labi niya sa labi ko. Damn! She's kissing me back! Holy sizzles!

I smiled habang hinahalikan pa rin siya.

Kung gaano kasarap ang halik na ibinigay niya sa akin, ganoon naman kasakit ang sampal na ipinadapo niya sa pisngi ko matapos 'yon. It was short-lived. Itinulak niya ako at tumayo. Umalis siya sa Music Room pagkatapos no'n.

I looked around. They're all looking at me with disgust. Even Leslie did. Shit.

What did I just do?

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now