Chapter 4

14.3K 186 23
                                    

SANDRO

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, simula pa lang ng bakasyon. Ngayon, pasukan na naman. Welcome back to hell! Sleepless nights na naman ito. Grabe. Ang hirap maging estudyante. Pero uy hindi naman ako nagrereklamo. I'm just stating the fact na mahirap ang buhay estudyante kaya hindi ka dapat paeasy easy lang at inaaksaya ang pera ng mga magulang mo. Learn to be grateful paminsan minsan. Buti nga kayo may mga magulang pa eh. Ako ba? Meron naman. Nasa heaven na nga lang sila.

Teka, anong nangyayari sa akin? Nagiging man of wisdom na ba ako? Ay mali, boy of wisdom pala. Teenager pa lang ako eh.

Kung tinatanong ninyo naman sa akin kung kumusta si Leslie? Ayon, nakapasa naman siya. Sabi sa inyo eh, makakapasa lang 'yon duoon. Ang dali namang makapasok sa school ko eh. Ang mahirap lang talaga ay ‘yong mamaintain mo nga ang stay mo doon. Kaya aral aral din nang hindi mapalayas sa school na 'yon.

Topnotcher nga si Leslie doon sa entrance exam. Hindi naman na 'yoon kataka taka. Matalinong bata 'yon eh. Nakakatawa nga kasi right after mapost 'yong result noong exam, nagpadala agad si Denver ng roses sa bahay. Congratulatory gift daw. Ako nga 'yong pinaulanan ng mga tanong nina Tita Jen at Tito Gio eh. Sabi ko na lang, bakit hindi si Tito Raymer at Tita Phoebe ang tanungin nila? Tutal anak naman ng mga 'yon si Denver. Kaibigan naman nila ang mga magulang ng isang ‘yon. Kaya nga naging magkaibigan din kami eh. Kasi magkaibigan ang mga magulang namin.

Mana raw talaga ng kagaguhan niya kay Tito Raymer si Denver. I have to agree on that. Carbon copy talaga si Denver ng ama niya. At namana naman daw niya ang kanyang kakulitan sa mom niya. Si Tita Phoebe. Medyo bata pa si Tita Phoebe. Mga around 30+ pa lang yata. Si Tito Raymer ay mga 40+ na eh. Oy ha. Wala akong sinasabi. Alam ko naman ang story nila eh. K-in-wento na sa akin minsan ni Tito Raymer. Maging 'yong unrequited love niya for mom? Nakwento na rin niya. 'Yon ang dirty little secret namin. Ang baliw ni Tito Raymer.

Bago pa humaba ang usapan, naramdaman kong may humihila sa kumot ko. Hinila ko naman 'yon pabalik pero hinila ulit ng kung sinumang demonyong iyon. Naiinis na nagmulat ako ng mga mata ko at nabungaran ko ang nakabungisngis na aura ng bubwit. Grabe, ngiting ngiti. Ano kayang meron?

“Leslie,” medyo inis sabi ko sa kanya. Hindi naman nawala ang pagkangisi sa labi niya.

“Kuya Sandro! Good morning! Breakfast na raw!” at iniwan na niya ako sa kwarto ko. Langya. Ginising lang pala ako ng bubwit na 'yon para sabihing kakain na. Nakakabwisit ng bahagya.

Kamot ang ulong nagtungo ako sa banyo ng kwarto ko upang magmumog. Nag-ayos lang din ako ng sarili ko at bumaba na nga sa kitchen. Naabutan ko doon si Leslie na ngiting ngiti pa ring nakaupo na sa isa sa mga upuan habang si Tita Jen naman ay abala sa pagluluto ng kung anuman 'yon sa harap ng stove. Sana naman ay hindi pancakes 'yon this time. Medyo purga na ako eh. Hindi naman sa nagrereklamo pero masama naman na inaaraw araw ang pancakes kahit aminado akong sobrang sarap noon.

Pinitik ko ang ilong ng bungisngis na bubwit bago umupo sa upuang katapat niya. Napasigaw naman siya sa ginawa ko. Ewan, habit ko na ang pitikin siya sa ilong kapag nakukyutan ako sa kanya.

“Ouch kuya! Dadali ka na naman eh.”

Ngumisi ako. Ang cute niya talaga kapag nakabugnot ang mukha niya

 “Bungisngis ka kasi eh.”

Humarap sa amin noon si Tita Jen at nginitian ako.

“Oh Sandro. Good morning!”

“Good morning din Tita. Ano po 'yang niluluto ninyo?” Pasimple pa ako. Gusto ko lang naman malaman kung pancakes ba 'yon o hindi.

Tipid na ngumiti sa akin si Tita Jen. Siguro ay nasense niya ang ibig kong iparating.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now