Chapter 45

6.9K 126 50
                                    

SANDRO

Agad kong hinawakan ang braso ng bubwit. Napatigil siya sa paglalakad niya at napaharap sa aming dalawa ni Miguel. Dahil gaya ko, humawak din ang gago sa braso ng bubwit. Pero alam kong nauna ako.

Mag-uusap kami ni Leslie, p're.” mariing sabi ko sabay tingin ng matalim kay Miguel. Tumawang nagtaas na lang siya ng mga kamay niya. Matapos 'yon ay umalis na rin siya. Natira na lang kaming dalawa ni Leslie sa gitna ng hallway.

Nagkatitigan kaming dalawa. 'Yong mga mata niya, ang lungkot. Hindi ko alam kung bakit ganito siya. Nahihirapan din kaya siya sa mga pangyayari gaya ko? Hindi rin kaya siya makatulog sa gabi kaiisip sa pwedeng mangyari sa hinaharap? O baka naman si Denver lang palagi ang laman ng puso't isipan niya? Nakakagago 'yon ah!

Bumuntong hininga ako.

Tara na.” mahinang pag-aya ko sa kanya. Tahimik na tumango na lang siya at nagpatianod sa akin.

Walang umiimik sa aming dalawa hanggang sa marating namin ang kotse ko. Marahas ko siyang itinulak sa may passenger seat at iikot na ako sa driver's seat nang yakapin niya ako bigla. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil doon. Hindi ko siya magawang yakapin pabalik. Kasi aminin ko man o hindi, galit ako sa kanya. Kasi pakiramdam ko ay pinapaasa niya rin ako. Kasi hindi niya ako magawang diretsahin. Alam ko, hindi pa naman ako nanliligaw ng pormal. Paano ko ba naman 'yon gagawin kung may biglang bumantay sa aming dalawa diba? Kaya ko namang maghintay pero minsan, nakakapagod din. Lalo na kung pinaparamdam niya sa'yong may mahal siyang iba.

Naramdaman ko na lang na umiiyak na siya sa dibdib ko.

I'm sorry Kuya Sandro,” paulit ulit na sabi niya. Kanina pa siya ganito after lunch. At ngayong uwian na, ito pa rin ba ang maririnig ko sa kanya? What is she saying sorry for? Sorry for hurting me? Sorry if she can't love me? Sorry if she loves someone else? Bullshit!

Imbes na suyuin siya, pilit akong kumalas sa yakap niya. Pinatunog ko na ang sasakyan ko at umikot na sa driver's seat.

Get in the car,” Walang emosyong sabi ko.

Ang gago ko rin ano? Sabi ko kanina, mag-uusap kami ni Leslie. Pero ngayong andito na, wala naman akong masabi. Ano bang sasabihin ko sa kanya? Na sobrang nasasaktan na ako? Na titigil na ako? Na hindi ko na kaya? Na ayoko na? Ano? Hindi ko rin alam eh. Siguro nga, hindi si Leslie ang babaeng para sa akin. Baka naman pinipilit ko lang dahil alam kong simula pa lang, siya na itong kasama ko. Nasanay na ako sa presensiya niya. Maybe I really don't love her. Maybe I was just fond of her. Dahil alam kong hindi kami pwede ni Ate Jamie, at ayoko na ring balikan pa si Samantha, sa kanya ko ibinaling itong nararamdaman ko. Unfair ba 'yon sa kanya? Hindi naman siguro. Mahal ba niya ako? Hindi ko lang alam.

Pero bakit nasasaktan ako ng sobra kung hindi ko pala siya mahal?

Tahimik lang kami habang nagmamaneho ako pauwi. Ilang beses siyang tumitingin sa akin pero nanatili sa unahan ang tingin ko. Hindi ko siya kayang titigan dahil baka umiyak lang ako sa harap niya. Ayokong makita niyang nasasaktan ako dahil sa kanya. Ayokong kaawaan niya ako. Ayokong mahalin niya rin ako dahil lang sa awa. Gusto ko kusa niya 'yong mararamdaman. Gusto ko 'yong ako lang. Pero huli na ang lahat dahil may nakauna na sa akin.

Nang marating namin ang bahay, umuna na ako sa kanya papasok. Ni hindi ko na siya hinintay. Wala, parang wala lang akong pakialam sa kanya. Pride ang tawag dito. Natapakan niya kasi ang ego ko kaya ginaganito ko siya. Napabuntong hininga na lang ako.

Natigil si Tita Jen at napatingin sa amin ni Leslie na magkasunod na umakyat sa taas ng walang imikan. Paniguradong iniisip na naman niyang nag-away kami ni Leslie. 'Yong mga tipong maliliit na tampuhan ba. Sana nga ganoon na lang ang nangyari. Para isang sorry at yakap lang, okay na ulit ang lahat.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن