Chapter 28

8.7K 96 12
                                    

LESLIE

Magkasama kaming bumalik ng school ni Ate Jamie. Nasabi na siguro ni Kuya Sandro sa inyo kung bakit. Nagbonding pa kasi kami ni Ate eh. As in 'yong totoong bonding. Like the old times. Like eating lunch sa Mall, pag-w-window shopping, at pang-o-okray sa mga dumaraan. Gah! I've missed this, so much. Now that everything is fine—or so I thought—panahon na para ipanumbalik ko ang dating pagtitinginan namin ni Ate Jamie. Echusera! Joke lang 'yon. Ang ibig kong sabihin, panahon na para magkaayos kami. Kahit wala siyang kaide-ideyang nagkasira kami.

Nakakaguilty na rin kasi eh, iwas ako ng iwas sa kanya without her knowing the reason behind it all. At ang mas nakakaguilty pa ay 'yong mga ngiting iginagawad niya sa akin whenever we see each other in school. Samantalang ako, todo irap ng palihim sa kanya. Todo curse pa ako sa isip ko.

Bakit ba kasi ang bait masyado ni Ate Jamie? Is that why Kuya Sandro loves her a lot? Oh jeesh, here I go again. Kaya wala akong pag-asenso eh. I always think of the worst of everyone.

Les, patext si Ass—este Ace Sandro, wala na akong load eh,” sambit ni Ate nang makalabas na kami noong Mall. Natigil ako sa paglalakad at napaharap sa kanya. Natigil din siya at humarap din sa akin. Nagtataka 'yong expression ng mukha niya.

Ass? Nice one Ate Jamie!” puna ko doon sa tawag niya kay Kuya Sandro. Bakit hindi ko 'yon naisip? Pang-asar nga naman ang nickname na 'yon. I can't help but laugh my heart out at that one kaya naman maging si Ate Jamie ay napatawa na rin. Para kaming sirang nagtatawanan dito sa labas mismo ng mall. Ang ilang dumaraan ay napapatingin pa sa aming dalawa with the expression in their eyes as if saying we're crazy. Napapatingin lang din kami sa kanila at tataas na lang ang kilay. Mga pakialamera ng buhay ng may buhay.

Eh kasi! Before I knew that we're cousins, badtrip na ako sa kanya. Biruin mo, he tried hitting on me once? No, not once but many times,” natatawa pa ring sabi ni Ate Jamie. Natigil naman ako sa sinabi niya.

So ever since the beginning, attracted na talaga si Kuya Sandro sa kanya. Hay.

Nakitawa na lang din ako sa kanya para hindi niya mahalata ang pagbabago sa mood ko. I fished for my phone sa bag ko na lang at bumaling ulit sa kanya.

Ano bang sasabihin ko kay Sandro?” tanong ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko. I just shrugged.

Like you, may pet name din ako kay kuya kapag badtrip ako sa kanya. Nawawalan talaga ako ng galang kapag asar ako sa kanya,” pag-e-explain ko pa. Tumawa na naman siya.

I see. Itanong mo kung nasaan siya,” sabi na lang niya. Hindi na ako nagtanong pa at tinext na lang si kuya. Wala pang isang minuto ay nagreply na siya saying na tapos na silang kumain at papunta na silang Music Hall ngayon. Napataas ang kilay ko sa screen ng cellphone ko.

Oh bakit ganyan ang hitsura mo?” puna ni ate sa akin.

Mukhang ayos na ang mga ugok,” sabi ko na lang. Obviously, ang silang tinutukoy ni kuya ay ang tatlong musketero. Obviously again, ayos na nga sila. Napahinga ako ng maluwag sa isiping iyon. At least ngayon hindi na mahirap gumalaw. Ang bigat bigat kasi talaga sa pakiramdam na hinahatid ako ni Denver sa school tapos magkadepartment sila ni kuya at magkaklase na rin. Pero hindi sila nagpapansinan o imikan man lang. Okay pa sana kung hindi na lang sila nagpapansinan eh, pero halata mo ang tensyon sa tuwing magkakalapit ang apat. At nabibigatan nga ako roon. Buti na lang talaga.

I linked my arms to Ate Jamie's at hinila na siya sa sakayan papasok sa school namin. Commute mode kami ngayon.

**

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now