Chapter 18

8.9K 106 9
                                    

SANDRO

New week, new scenes. At ang bungad nga ng Monday sa akin ngayon ay ang piano duo namin ni Jamie. Nice.

Habang tumutugtog kami, hindi ko mapigilang hindi matuwa. I missed this. Paano, noong mga bata pa kami, palagi rin kaming nag-d-duet ni Jamie eh. Iba nga lang ngayon dahil mas aware ako sa presensiya niya sa tabi ko. Amoy na amoy ko 'yong pabangong gamit niya. Even the smell of her hair flowed to my senses. Na-h-hipnotismo ako sa womanly scent niya.

Tuluyan na nga akong nasisiraan ng bait dahil sa babaeng 'to.

            Habang nagpapraktis kami, nakatitig lang ako sa kanya. She seemed so happy and contented. Ang kalmado ng aura niya.

            Me, too. I am happy and contented. Pero tama bang masaya at kuntento ako ngayon?

I think yes, as long as she doesn't know what I feel about her, walang magiging problema. But I know, soon, I'll face the consequences of this choice I made.

Choice? What choice?

I chose to let this feeling consume me. This feeling called love.

**

Break. Nagulat ako nang biglang sumulpot out of nowhere ang tatlong musketero. Sila ang kasabay kong mag-lunch ngayon dahil nauna na si Jamie at Leslie. May mga klase pa raw sila eh. Kahit excused na kami sa klase ay pumapasok pa rin kami tuwing may quiz, reporting, o kung ano ano pang importanteng pangyayari mayroon sa loob ng classroom.

Naglakad na kami papuntang cafeteria. As usual, pinagtitinginan na naman kami ng ilang estudyante. Hindi naman sa sikat kami sa school or something. Hindi kami ganoon. Siguro, given lang talaga na mga gwapong lalaki kami kaya pinagtitinginan kami. Mayabang na ba? Slight lang.

Nang makaorder na kami at makahanap na rin ng pwesto, nasesense kong nakatitig lang sa akin ang tatlong musketero.

Nababakla na ba kayo?” pabirong tanong ko sa kanila. Umiling silang lahat. Si Charlie naman, binato pa ako noong butil ng kanin niya. Ang lamog ng isang 'to. Buti nakailag ako.

P’re, pwede namang umiling. Bakit kailangan mo pa akong batuhin ng butil ng kanin?” tanong ko sa kanya. He sighed.

Wala p’re.”

They are unusually silent today. Unlike last week na pinaulanan pa nila ako ng lait. Does this mean na nag-i-improve na ako sa pag-arte ko? Naka naman oh!

Natunaw ang pagngiti ko nang biglang tumingin sa akin si Miguel with this creepy expression in his eyes.

Dude, what's the problem? Pinapakaba ninyo ako, alam ninyo 'yon?”

They didn't answer. Instead, tinitigan nila ako.

Naaasar na ako sa kanila ah.

Akmang tatayo na ako nang biglang umiling si Charlie and muttered something incomprehensible.

P’re, this is wrong. This is so wrong.” pag-chant niya. What's wrong? What is so wrong? Takte!

Nakakunot lang ang noo ko sa kanilang tatlo. Ano, wala ba silang balak magsalita?

But when Denver did ask something... hiniling ko na sana hindi na lang sila nagsalita.

What exactly are you feeling towards Jamie, Sandro?”

I was stopped on my track because of that question. Just one question na pwedeng pwede kong sagutin ng wala pero bakit hindi ko magawang ibuka ang bibig ko?

What exactly am I feeling towards Jamie? Huh. Simple. I love her.

Damn. I never thought that there will come a time na magiging transparent ako sa feelings ko. Shit.

I heard them sigh.

Sandro. Hindi masamang mainlove. Pero kung sa pinsan mo...”

Tumayo ako. “I don't love her. Okay?” napataas ang boses ko dahilan upang tumingin sa amin ang ilan sa mga estudyanteng kumakain sa cafeteria. Napatingin na lang din ako sa kanila at bumalik sa pagkakaupo ko. Hininaan ko na ang boses ko.

I don't love her. Why are you saying things like that?” Sige Sandro, i-deny mo pa.

C'mon Sandro. Sa amin ka pa talaga magsisinungaling? We've been best friends for like what? All our lives. We know you already. We can sense kung kailan ka inlove at kung kailan ka hindi inlove.” sabi naman ni Miguel sa akin.

Shit.” I muttered desperately.

Natahimik silang tatlo.

How did you find out?” helpless na tanong ko sa kanila.

The moment she entered the coffee shop and insulted you.” sabay-sabay na sagot nila. Shit! That was so long ago! Noong hindi ko pa alam na pinsan ko pala siya! Shit! So all along, mahal ko na talaga si Jamie? Hell. What am I going to do?

This is wrong.” I muttered to myself. Totoo naman eh, mali naman talaga diba? Pero gaya nga ng sabi ko, kapag lalo kong pinigilan, lalo kong nararamdaman. Ngayon namang hinahayaan ko na lang ang sarili ko, tsaka naman nila napansin. What the hell!

Tinapik ako ni Denver dahilan upang mapatingin ako sa kanya, sa kanila.

This is definitely wrong. You have to stop this. Bago pa niya malaman. At bago pa maging komplikado ang lahat.”

Shit. Just shit.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now