Chapter 53

3.7K 92 22
                                    

To those who don’t know yet, Twisted Marriage is already a book (yay!) If you want to experience Ace and Cassandra’s love story in print (lol), go buy the book! It’s available in ALL (?) Precious Pages stores nationwide (chos) for only P129.75. It will soon be available in bookstores. Para naman ‘yong mga nasa malalayong lugar na walang Precious Pages sa kanila na gustong makabili noong book ay magkachance, diba?

**

LESLIE

 

Parang kahapon lang, freshie pa ako; Ngayon, sophie na ako!

Parang kahapon lang, palihim ko pang minamahal si Kuya Sandro; Ngayon, kami na! Going strong! 5 months na rin kami.

Alam ko, sa panahon ngayon, uso na ang walang forever line ng mga bitter sa buhay nila. Pero wala akong pakialam sa kanila. All I know is that loving Kuya Sandro is the best thing that happened in my life… so far. I never thought that this time would come that he will notice and reciprocate my feelings for him. Well siguro hindi ko lang talaga naisip noong posible ‘tong mangyari. Kasi masyado pa akong bata para seryosohin ang mga bagay bagay. Ni ang pag-aaral ko nga hindi ko magawang seryosohin eh, ito pa kaya?

Yes, I am childish. Lahat ng bagay ay ginagawa ko lang biro. I always say whatever comes out of my mouth without filtering it. Hindi ko pinag-iisipan ang lahat ng mga gagawin ko. Hindi ko naiisip na may nasasaktan at naaapektuhan na dahil lang sa mga bagay na sa tingin ko ay walang kwenta lang. I’m insensitive. I’m selfish. I only think of myself. I only think of my welfare. Kapag nasaktan ako, gusto kong i-comfort ako. Kapag nasaktan ako, okay lang kahit na masaktan ko ang ibang tao basta maging okay lang ako. Dati, okay lang ‘yong ganito kong ugali. Tolerable daw kasi bata pa naman ako. Hindi pa ako masyadong aware sa mga bagay sa paligid ko. But I’m growing, right? And I know that loving Kuya Sandro gave me the certain depth in my personality. After all, marami na rin akong naexperience through loving him right? I’ve already experienced pain, loss, heartache, heartbreak, joy, peace, harmony, unity, solidarity… ay joke. Basta. Everything. From positive to negative and everything in between.

Alam ko namang mas marami pang pagsubok ang darating sa buhay namin ni Kuya Sandro. After all, nagsisimula pa lang kami eh. But we’re prepared for it. Alam kong magkasama naming haharapin ang kung anumang darating pa sa hinaharap. I’m not afraid of the future because I know Kuya Sandro is there with me.

We became together on March 25. Finals week namin ‘yon at pagkatapos noon ay bakasyon na rin. We kept it secret for the rest of the week, at least. We just told Kuya Miguel and Kuya Charlie about it noong last day na namin sa school. At pareho silang nagulat…na hindi. Wala silang reaksyon sa totoo lang. Nagkibit balikat lang si Kuya Miguel.

“Shush. Matagal ko nang alam pre,” tamad na sagot niya nang nasa cafeteria kami at nagtipon tipon para ibalita sa kanila ang…good news.

“Oo nga pre. Di na nakakagulat. Pero congrats ah! Stay strong. Kahit walang forever.” Sabi naman ni Kuya Charlie. Napangiti naman ako sa sinabi niyang ‘yon. Ang bitter lang eh. Bitter naman kasi talaga siya. Kasi last day na nga at lahat sa school, hindi pa rin sila okay ni Ate Jamie. To think na faflylaloo na si Ate Jamie sa States in just a few weeks, I guess?

Hay. Speaking of Ate Jamie. Bigla akong nalungkot nang maalala ko siya. Absent na naman kasi siya ngayon eh. Ewan ko, palagi naman siyang absent. Gusto kong isiping may ginagawa lang siya. Ayaw ko kasing isiping iniiwasan lang niya talaga si Kuya Charlie. Simula naman kasi last quarter ng first sem last year, in no speaking term na silang dalawa. Biruin n’yo, nakatagal sila ng ganoon? Almost one year din ah? Pero palagi naman kaming magkakasama. Ang sakit kasi. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Kuya Charlie. Parang tumatagos sa akin mula sa kinauupuan niya ‘yong enerhiya niya, ganoon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong naging problema nila. Nakakalungkot lang isiping babalik na naman sina Ate Jamie sa States. Ano ‘yon? Isang taon lang siyang namalagi dito? Para saan? Sabi sa akin ni Kuya Sandro, nag-take lang naman daw ng konting units ng Management si Ate Jamie para hindi masayang ang isang taong pamamalagi niya dito. Kaya nga kahit senior siya, irregular naman siya. Kaya rin hindi siya kasama doon sa mga gagraduate.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now