Chapter 35

8.1K 97 13
                                    

CHARLIE

W—what did you say?”

Halos hindi ako makahinga sa sinabi ni Jamie. Pakiramdam ko ay bumara lahat ng taba at mantika sa daluyan ko ng hangin dahilan upang manikip ang dibdib ko. I was rooted to the ground habang titig na titig sa mga mata niyang kasing lamig ng iceberg. Her eyes gave nothing away. Walang ka-emo-emosyon ang mga iyon. Pakiramdam ko tuloy ay estranghero ang kaharap ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi si Jamie ang kausap ko. Pakiramdam ko ay hindi ito ang taong mahal ko.

We just stood there face to face for a couple of minutes. Nang siguro ay magsawa na siya sa pagtititigan namin ay nagkibit balikat siya at bumaling sa kaliwa niya. She avoided my gaze. Parang guilty siya o kung ano. Ang gulo niya.

Nothing Charlie. I said... stop courting me.”

Potaena! Inulit pa niya. Hindi ba niya alam na sobrang sakit noon para sa akin? Hindi ba niya alam na daig pa noon ang bala ng baril na ipinutok sa sentro ng dibdib ko? Might as well let me die now. Hayop sa sakit itong sinabi niya.

I thought we were getting there. Pero mukhang mali lang ako ng pakiwari sa mga pangyayari. But remember last time noong hinatid ko siya sa kanila? She kissed me on my cheek, right? Matapos pa 'yon, when I called her that night, naramdaman ko eh. That she likes being courted by me. Na gusto niya itong ginagawa ko sa kanya. Na gusto niya rin ako. Even Sandro mentioned that. Pero ano ito? Bakit niya ako pinatitigil? At bakit ngayon pa?

I looked at her incredulously. “P-pero b-bakit, Jamie?”

Hindi ko maintindihan. Bakit biglang ganito? Don't tell me it has something to do with my twin Charlene? Dahil kung 'yon nga, ang hina naman niya. May sayad lang talaga sa utak ang kapatid kong 'yon. Kaya nga... mas minabuti pang... pinadala siya sa States eh. Anyway, that's not the whole issue here. Ang kaso ko ay bakit? 'Yon lang.

Baka naman kaya niya ako pinatitigil ay dahil sasagutin na niya ako ngayon?

Imposible.

Base sa nakikita ko sa kinikilos niya? Imposible.

Bumuntong hininga ako habang hinihintay ang sagot niya. Matagal na panahong nag-iwas lang siya ng tingin sa akin at mas pinili pang titigan ang kawalan sa gilid niya. I waited patiently. Gasino na lang ba ito kaysa sa habambuhay na walang Jamie, diba?

It's... irritating.”

Potaena ulit! Ang iiksi lang ng mga sinasagot niya sa akin pero daig pa noon ang isang buong libro ng tragic love story. Parang patuloy na sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko habang paulit ulit sa utak ko itong sinabi niya. Huh. So she finds my ways irritating? Bakit hindi niya agad sinabi? Bakit... pinaasa niya akong may gusto siya sa akin? 'Yon pala'y naiirita na siya? Ganito ba talaga silang magpinsan? Mapanakit ng kapwa?

I don't believe you,” nasabi ko bigla.

Fine. Believe what you want to believe. Basta tumigil ka na lang.”

Doon na pumatak ang luha ko. Potaena times three! Ang gay naman nito. Daig ko pa ang hiniwalayan ng girlfriend eh. Masakit kasi eh. Umasa kasi akong magiging kami. Na formality na lang itong panliligaw ko sa kanya. Ano palang tingin niya dito sa panliligaw ko? Wala wala lang? Testing lang? Na anytime ay pwede niya akong bastedin? Woo! Saklap dre!

Suminghot ako pero hindi na ako nag-abalang pahirin ang luhang naglalandas sa makinis kong pisngi. Sa pogi kong 'to, mahihiya talaga ang pimples sa akin. Mapaklang tumawa ako nang bumaling ako sa kanya. Nakakunot noo siya na waring nag-aalala. Sus.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now