Chapter 27

8.7K 97 6
                                    

SANDRO

Ang tatlong musketero na lang talaga.

I kept on chanting those words inside my head habang nakatingin sa kinauupuan ng tatlong ugok kong kaibigan. Instead of paying attention to Business Math—ang subject na pinakaboring sa lahat—heto ako, parang baliw na nag-c-chant sa isip ko. Pakiramdam ko ay hinihipnotismo ko ang tatlong ugok na tumingin sa gawi ko—na siya namang nangyari.

Denver was the first one to look at me. Bahagya siyang ngumiti sa akin. I guess, wala naman siyang hard feelings sa akin. Naiipit lang siguro siya sa sitwasyon. Sumunod namang tumingin sa akin si Charlie and when he noticed me staring at him, he flipped me the bird, which was so offensive, must I say at tsaka ibinaling ang tingin sa unahan. I guess, siya lang itong may hard feelings talaga sa akin dahil nang tingnan ako ni Miguel at makita niya 'yong ginawa ni Charlie ay nag-smile siya sa akin apologetically. Siya ang nagsisilbing spokesperson ni Charlie. Siya rin ang humihingi ng dispensa on his behalf kahit pa sabihing hindi naman ito humihingi ng dispensa talaga.

Ang taas din masyado ni Charlie eh. Napapaisip tuloy ako. What's with him at bakit parang ganoon na lang ang galit niya sa akin? I mean, it's too sudden. We're just fine diba? Nagsimula lang naman 'to when I kissed Jamie sa rehearsals.

Natigil ako... could it possibly mean...?

Ah, bahala siya sa buhay niya. Ayoko nang mag-isip tungkol kay Charlie. Ang boring dre!

Natigil ako sa pag-iisip ko nang tawagin ako ni Sir upang magsagot ng problem na nakasulat sa board. In-adjust ko muna 'yong paningin ko at nang makita kong problem tungkol sa probability 'yong sasagutan ko, napailing na lang ako.

Tsk. Sisiw.

What is the probability na magkakaayos kami ni Charlie? Wow. Naging taglish 'yong problem. Ayos!  

Langya. Kung ano anong naiisip ko. Mag-focus ka nga Sandro! Takte ang gay talaga nito. Akala ko mga babae lang ang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang mga kaibigan. 'Yon pala maging kaming mga lalaki ay ganoon rin. Tsk.

Nang masagutan ko 'yong problem sa board ay tumalikod na ako at bumalik sa upuan ko. Pero bago pa 'yon ay sumilip pa ako sa pwesto ni Charlie. Ang tigas din ng bungo ko eh 'no? At anong napala ko? Another flipping of the bird. Tsk. Namumuro na si Charlie ah.

Bothered lang ako all through the day at noong lunch break na ay tinimbang ko muna ang sitwasyon. Dapat ko na ba silang i-approach ngayon or I'll wait a little longer? Sige, I'll wait a little longer na lang. Pinanghihinaan pa ako ng loob ngayon eh.

I mentally shook my head with my attitude. Wala akong patutunguhan kung palagi akong ganito. Besides, ano bang hinihintay ko? Na sila ang lumapit sa akin? Ha! Asa pa ako. Ako nga itong may kasalanan sa kanila tapos ako pa itong ma-pride? Walanghiyang 'yan lang talaga.

Hey, man,” natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Denver. Nasa harapan ko na pala siya. Kasama niya sina Miguel at Charlie. Charlie was looking the other way. Not that I expect him to look me in the eyes and such.

Puzzled na tinitigan ko lang sila.

Gusto mong sumabay mag-lunch?” aya naman ni Miguel sa akin. Napamulaga na lang ako sa kanya. Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Tama ba ako sa narinig ko? Inaya ako ni Miguel sumabay sa kanilang mag-lunch? Ma-t-touch na ba ako? Ano?

Kanina lang, I'm thinking about whether to approach them now or next time pero tingnan mo nga naman ang tadhana, umaayon talaga sa akin eh. Dahil alam nitong ma-pride akong tao, ito na ang gumawa ng paraan para makalapit ako sa mga kaibigan ko. Takte, ang drama!

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now