Chapter 23

9.1K 101 17
                                    

SANDRO

Thursday. Day nine na dapat ng rehearsals ngayon. But after what I did yesterday? Pahinga raw muna kami.

Bumaba na ako at nagtungo sa kitchen para mag-agahan. Naabutan ko roon si Tita Jen na nakaharap sa stove. Si Leslie naman, kumakain pa. Nagtama ang mga mata namin ngunit agad din siyang nagbawi ng tingin niya na parang ayaw niyang matingnan ako.

I ignored it.

Umupo na ako sa katapat niya. Nang gawin ko 'yon ay agad siyang tumayo at dinala ang pinagkainan niya sa sink. Napatingin naman sa kanya si Tita Jen nang gawin niya 'yon. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng busina from the outside. She kissed Tita Jen's cheek at tsaka isinukbit sa right shoulder niya 'yong bag niya.

Mom alis na po ako,” paalam niya kay Tita. Napatingin naman si Tita sa akin.

Eh hindi pa bihis si Sandro ah. Mag-c-commute ka?” nag-aalalang tanong ni Tita sa anak. Baby talaga sa pamamahay na ito si Leslie. Pinapayagan naman siyang mag-commute paminsan minsan pero alam kong alalang alala rin sila. Paano, only child ang bubwit eh.

Hindi po. Nasa labas na po si Kuya Denver. Siya po maghahatid sa akin sa school from now on. Sige na Mom, aalis na talaga ako. Bye.” At nagdire-diretso na siya papuntang salas, palabas ng bahay. Sinundan ko na lang siya ng tingin.

Siya na po ang maghahatid sa akin sa school from now on.

What did she mean by that? Si Denver na ang bodyguard niya ngayon? Na hindi ko na siya kailangang ihatid-sundo? Ha. Bakit parang kakaiba 'yon sa pakiramdam?

Napabuntong hininga na lang ako at tsaka hinarap ang pagkaing inihain ni Tita Jen. Naramdaman ko namang umupo siya sa katapat ko, sa pwestong nilisan ni Leslie kani-kanina lang. I focused on the food instead.

Sandro, nag-away na naman ba kayo ni Leslie?” napaangat ang tingin ko sa mukha ni Tita. 'Yong noo niya, kunot na kunot. Tanda ng sobrang pag-aalala niya. Alam naman niyang palagi kaming nagkakatampuhan ni Leslie eh. Brat nga kasi ang isang 'yon diba? At tsaka sobrang mainit din ang ulo no'n sa akin. Konting loko ko lang eh sisinghalan na ako.

Pero agad din naman kaming nagkakabati. Gano'n kababaw si Leslie. Kung gaano siya kabilis magalit sa akin, ganoon din siya kabilis na patawarin ako. 'Yon pa, eh hindi naman ako no'n matitiis eh. Alam ko namang sabik 'yon sa kuya. Nasabi na niya sa akin dati na gusto niyang maramdaman 'yong pakiramdam ng may kuya.

Malungkot na ngumiti lang ako kay Tita. “Aayusin ko po ito mamaya Tita. Sorry po.” Hindi ko lang alam kung paano ko 'yon gagawin. Ano bang dapat kong sabihin kay Leslie? Na sorry dahil hinalikan ko si Jamie? Pero teka—bakit ako mag-s-sorry kay Leslie? Ay ewan, ang gulo.

Aasahan ko 'yan Sandro ah. Ayoko lang kasing lumala 'yang awayan ninyo eh. Pagpasensiyahan mo na rin 'yang anak namin. Bata pa kasi kaya kung kumilos eh parang bata rin.” tumango na lang ako sa sinabi ni Tita. I understand that. Natutuwa nga ako sa gano'ng ugali ni Leslie eh. Pero may mga pagkakataon talagang nababarino na lang ako sa pagka-childish niya. Gaya na lang kapag seryoso ako.

Tumayo na siya sa upuan. “Sige, sa study lang ako. Iwan mo na lang sa lababo 'yang pinagkainan mo at maghanda ka na rin pagpasok.” Tumango na lang ulit ako at nakangiting umalis na siya sa kitchen. Tahimik na ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

Papasok pa kaya ako sa school? Ipagpatuloy ko pa kaya 'yong play? Ano naman kayang sasabihin ko sa kanila kapag humingi sila ng paliwanag kung bakit ko hinalikan si Jamie? May reasonable reason nga ba para do'n sa ginawa ko?

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now