Chapter 24

9.1K 106 13
                                    

LESLIE

Aaminin ko, I enjoy being with Kuya Denver. I mean, Denver na lang daw pala. Nagagalit siya sa akin kapag kinu-kuya ko siya eh. 'Wag ko raw pamihasaing tawagin siyang ganoon dahil pakiramdam niya ay ang tanda tanda niya sa akin. When in fact, dalawang taon lang naman ang agwat ng edad namin.

Tsaka, ang baduy daw para sa endearment kung kuya ang tawag ko sa kanya. Si Denver talaga, ang advanced masyado ng utak. Sino bang may sabing sasagutin ko siya? De joke lang. Siyempre, sasagutin ko naman siya. Yes or No lang naman 'yon, diba? Pero ayoko pang sumagot ngayon. Ayokong pagsisihan ang magiging desisyon ko. Gusto ko, mag-y-yes ako sa kanya dahil mahal ko na talaga siya. Gusto ko rin, kung sakaling mag-n-no man ako sa kanya ay dahil sa si Kuya Sandro pa rin talaga ang mahal ko at kahit anong pilit ko ay hindi ko makakayanang mahalin siya.

But so far... hindi naman malabong mahulog din ako kay Denver eh. He's everything a girl could wish for a guy. Promise! Sobrang swerte ko't ako ang mahal niya.

Although aaminin ko rin, medyo na-g-guilty ako. Napagdesisyunan ko lang naman kasing payagan siya dahil sobrang nasaktan ako sa mga pangyayari eh. Pero hindi naman ako martir at masokista para habambuhay na lang na magmahal ng isang taong may mahal ng iba. Gusto ko rin namang maging masaya 'no. At kung may pagkakataon namang maging masaya, bakit hahayaan ko na lang na lumampas 'yon, diba?

Bakit napapansin ko, lumalandi yata ako these past few weeks? First year college pa lang ako, kung ano anong echos na tungkol sa pag-ibig at kasiyahan ang iniisip ko. Marami pa akong kaning kakainin at gatas na iinumin.

Nakakamiss na ang teatro. Bwisit kasi eh. Medyo nasuspinde ang rehearsals para sa play dahil nga sa insidente noong minsan. Ayan, naaalala ko na naman. Nasasaktan na naman ako. GRR! Ayoko na nga eh. Tama na. May Denver na ako. Naks.

Nasa kalahatian pa lang ako noong breakfast ko nang makita ko si Kuya Sandro. Kagigising lang yata niya. Nagtama ang mga mata namin ngunit agad din naman akong nag-iwas ng tingin. Ayoko siyang tingnan, kinasusuklaman ko siya. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Kuya Sandro. He's changed. Dahil lang sa pagmamahal niya kay Ate Jamie na obvious namang mali. Maling mali.

Umupo na siya sa usual seat niya sa tapat ko. Automatic na napatayo ako at nilagay na sa sink ang half-eaten food ko. Sayang. Gugutumin ako nito sa school, sure na. Di bale. Makakakain pa naman ako eh. Hindi naman 'yon malaking problema. I just have to be out of here as soon as possible. Pakiramdam ko kasi ay na-s-suffocate ako with Kuya Sandro's presence eh.

Sakto namang may bumusina sa labas. Si Denver na siguro 'yon.

Mom alis na po ako,” pagpapaalam ko kay mom after kissing her on her cheek.

Eh hindi pa bihis si Sandro ah. Mag-c-commute ka?” concerned na tanong naman ni mom sa akin. She never liked the idea of me commuting. Kung may Sandro naman kasing pwedeng maghatid sundo sa akin, bakit pa nga ako mag-c-commute diba?

Hindi po. Nasa labas na po si Kuya Denver. Siya po ang maghahatid sa akin sa school from now on. Sige na mom, aalis na talaga ako. Bye!” Isinukbit ko na sa right shoulder ko 'yong bag ko at dumiretso na sa sala... palabas ng bahay, not even glancing at Kuya Sandro who seemed to be wondering kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo ko sa kanya.

I gave emphasis on the statement I said. Sana lang ay napansin niya.

Bago pa ako makaalis ng bahay ay narinig ko pa ang boses ni mom, “Sandro, nag-away na naman ba kayo ni Leslie?” I sighed. Iniisip na naman siguro ni mom na away-bata na naman namin 'to. Ganoon naman kami palagi ni Kuya Sandro eh, aawayin ko siya sa maliliit na bagay lang. Kagaya ng kapag hindi niya ako inuuwian ng pasalubong, kapag inaasar niya ako sa boses ko... Mga ganun. Petty things na pang-isip bata lang. Kaya siguro ang tingin sa akin ni Kuya Sandro ay isang nakakainis na bubwit lang. He can never see me as a woman. Buti pa si Kuya Denver. Este, Denver.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now